RELASYON NG DU30 ADMIN SA CHINA PINAREREBYU

pagasa island

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAREREBYU ng opposition congressman sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ipinatutupad na relasyon sa China sa gitna ng banta ng nasabing bansa sa Pag-asa Island. Bukod dito, sinabi ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na dapat nang palayasin ni Duterte ang mga Chinese vessel na nakapaligid sa Pag-asa Island na isang munisipalidad ng lalawigan ng Palawan. “Call for the immediate exit of the Chinese vessels from Philippine waters, and review our foreign relations policy with China,” ani Villarin dahil hindi umano gawain ng isang kaibigan…

Read More

PAGASA NAGBABALA VS MAINIT NA PANAHON

hot temperature1

(NI DAHLIA S. ANINA) HINIKAYAT ng Pagasa ang publiko na manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay lalo na kung patanghaling -tapat hanggang hapon dahil ito ang pinakamainit na oras na mararanasan ngayong simula na ang tag-init. Magiging sobrang init umano ng panahon mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon dahil ito ang oras na walang mag-aabsorb ng init galing sa araw, kaya kung kayang manatili na lang sa bahay ay huwag na munang lumabas pero kung sakaling may importanteng lakad ay mabuting magdala ng panangga…

Read More

PANAHON NG TAG-INIT IDINEKLARA NA NG PAGASA

taginit12

(NI ABBY MENDOZA) KASABAY ng pagtigil ng hanging amihan, simula na ang panahon ng tag-init, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa). Mas maaga ang deklrasyon ng panahon ng tag-init ngayong taon kunpara noong 2018 na Abril 10. “With this development, the day-to-day weather across the country will gradually become warmer, though isolated thunderstorms are also likely to occur,” ayon sa Pagasa. Mas matindi umano ang mararanasang init ngayon dahil sa umiiral na El Nino phenomenon. Sinabi ni  Pagasa Climate Monitoring and Prediction Section chief Analiza Solis na…

Read More

‘CHEDENG’ BAHAGYANG BUMAGAL; SIGNAL NO 1 NA LUGAR NADAGDAGAN

pagasa12

NAPANATILI ng bagyong ‘Chedeng’ ang kanyang lakas ngunit bahagyang bumagal, ayon sa weather bureau. Ayon sa Pagasa, nakita ang sentro nito sa may 650 km silangan ng Davao City na may taglay na hangin ng hanggang 45 kph at pagbugso ng 60 kph. Nakataas pa rin sa tropical cyclone warning signal No. 1 ang Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Sur, Davao City, Davao Occidental, timog bahagi ng Davao del Norte kabilang ang Samal Island, Eastern part ng North Cotabato at silangang bahagi ng Sarangani. Inaasahang maglalandfall si ‘Chedeng’ sa…

Read More

BAGYONG ‘CHEDENG’ PUMASOK NA NG PAR

pagasa12

(NI ABBY MENDOZA) NASA Philippine Area of Responsibility(PAR) na ang bagyong ‘Chedeng’ na inaasahang magla-landfall sa Davao Oriental sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa), pumasok ng PAR ang tropical depression ‘Chedeng’ taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at bugso na 60 kph. Huli itong namataan 980 km East ng Mindanao. Asahan umano ang kalat-kalat na pag-uulan sa Davao Oriental, Surigao del Sur at ilang bahagi ng Mindanao. Inabisuhan ng Pagasa disaster risk reduction and management office at…

Read More

22 PROBINSIYA MAKARARANAS NG TAGTUYOT — PAGASA

elnino2

(NI JEDI PIA REYES) IBINABALA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mararanasang matinding tag-init sa 10 hanggang mahigit 20 probinsiya sa bansa na epekto ng El Nino phenomenon. Masasabing umiiral ang tagtuyot kung limang magkakasunod na buwan na mayroong 21 hanggang 60 porsyentong bawas sa normal na dami ng pag-ulan o hindi bababa sa 60-porsyentong walang pag-ulan sa loob ng tatlong buwan. Tinukoy ni PAGASA climate monitoring chief Analiza Solis, nakararanas ngayon ng tagtuyot simula noong Pebrero ang Ilocos Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao…

Read More

EL NINO IS HERE–PAGASA

nino

(NI ABBY MENDOZA) NARARANASAN na ng bansa ang El Nino Phenomenon o ang weather pattern kung saan mas kakaunti ang mararanasang pag-ulan at mas mahaba ang dry season. Ayo sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) karaniwang dalawa  hanggang pitong taon bago maranasan ang El Nino at tumatagal ito ng walo hanggang 12 buwan. Sa ngayon umano ay hindi pa full blown El Nino ang umiiral sa bansa subalit asahan umano ito paglipas ng ilang mga buwan. Sinabi ng PAGASA ang mainit na sea surface na nagsimula noong Nobyermbre 2018…

Read More

BAGYO GALING GUAM PAPASOK SA ‘PINAS

pagasa

(NI ABBY MENDOZA) MALAKI ang tiyansang pumasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang tropical storm sa Pacific Ocean malapit sa bansang Guam sa susunud na Linggo at tatawagin itong Bagyong Betty, ang ikalawang bagyo na papasok sa bansa gayong 2019. Ayon sa PAGASA lubha pang malayo ang tropical storm na may international name na Wutip, sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa. Kung hindi umano magbabago ang kilos nito ay maaari itong pumasok ng PAR sa susunud na Linggo ngunit may posibilidad din na…

Read More

MONSOON BREAK NARARANASAN

monsoon

(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY JHAY JALBUNA) MAKARARANAS ng bahagyang maalinsangang panahon sa bansa ngayong linggo dahil sa monsoon break o paghina ng hanging amihan. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) dahil sa monsoon break ay eaterlies ang umiiral na weather system o maalinsangang temperatura gayunpaman panandalian lamang ito at sa susunud na linggo ay makararanas muli ng malamig na panahon. Sinabi ni Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio na sa buong Pebrero pa din inaasahan na iiral ang hanging amihan. DahIl sa monsoon break nabawasan ang lamig ng…

Read More