Imbestigasyon ididiga ni Sec. Panelo kay PDu30 IREREKOMENDA ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pag-aralan ang lease contract ng Ayala Group at University of the Philippines kaugnay ng UP Ayala Land Technohub sa Diliman. Ito’y dahil positibong lugi ang UP at ang gobyerno sa pag-renta ng Ayala Group sa UP Ayala Land Technohub ng P20.00 less per square meter. “Ay definitely lugi ang gobyerno dito. Can you imagine, 20 pesos less per square meter. I’ve been told by many businessmen, eh sila nga daw 500…
Read MoreTag: PANELO
MAYOR SARA IDINEPENSA NG PALASYO
(NI CHRISTIAN DALE) IPINAGTANGGOL ng Malakanyang si Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio sa banat ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Mindanao. Kaugnay ito ng una nang pahayag ng alkalde na huwag isali ang lunsod ng Davao sa inisyatibong tigil putukan ng pamahalaan sa makakaliwang grupo na hindi naman ikinagusto ng NDFP- southern Mindanao. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na gaya ng kanyang ama ay isa ring abogado si Mayor Sara kaya’t nalalaman nito kung ano ang dapat na manaig para sa kanyang nasasakupan nang wala namang nalalabag sa…
Read MoreLENI PAPANSIN LANG! — PANELO
(NI CHRISTIAN DALE) WALANG nakikitang koneksiyon ang Malakanyang sa ginawang pagpapaliban ni Vice President Leni Robredo ng kanya umanong gagawing ‘expose’ sa drug war ng administrasyon at sa pokus na dapat gawin ng gobyerno para sa mga naging biktima na paglindol sa Southern Mindanao. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, wala sa lugar ang pakikisimpatiya ng Bise Presidente gayung hindi naman aniya titigil ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan kahit magsalita o ibunyag nito ang umano’y kanyang nadiksubre sa drug war ng pamahalaan. Inihayag ni Panelo na halatang nais lang na makakuha ng…
Read MorePALASYO KAY GAZINI: ALL THE BEST!
(NI CHRISTIAN DALE) “ALL the best” sa hinaharap para kay Miss Philippines Gazini Ganados. Ito ang mensahe ng Malakanyang sa naging pambato ng bansa sa katatapos na Miss Universe 2019 bagama’t nasilat na masungkit ang korona. Sa kalatas na ipinadala ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, sinabi nitong naipakita ni Ganados sa buong mundo ang ganda at talento ng isang Filipina. Isang bagay aniya ito na dapat ipagmalaki ng ating mga kababayan. Ang partisipasyon ni Ganados, ani Panelo, sa nabanggit na prestihiyosong patimpalak ay dagdag na karanasan ng ating pambato ngayong…
Read MoreESTUDYANTENG MANONOOD NANG LIVE, ILIBRE — PANELO
(NI CHRISTIAN DALE) ILIBRE o huwag nang pagbayarin ang mga estudyante na manood ng iba’t ibang games sa 2019 Southeast Asian Games. Ito ang suhestiyon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo upang maraming estudyante ang makapanood ng kada dalawang taong biennial meet. Kung hindi papayag ang 30th SEA Games organizers, bigyan man lamang ang mga estudyante na gustong manood nang live sa iba’t ibang venues ng kahit 50% discount. “Baka pwedeng yung mga estudyante huwag na lang pagbayarin siguro, pero yung mga may sweldo naman, eh, magbayad,” ani Panelo. Ayon pa…
Read MorePALASYO NAG-IIMBESTIGA NA SA KAPALPAKAN SA SEA GAMES
SINABI ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na tahimik ang ginagawang imbestigasyon sa kapalpakan o anomalya sa isinasagawang SEA Games sa bansa. Kasabay nito, naniniwala ang Palasyo na hindi makaaapekto sa ginagawang Southeast Asian Games ang imbestigasyon ng Office of the President sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC). Ayon kay Panelo, discrete investigation o tahimik lamang ang OP sa pagbusisi kung may anomalya o iregularidad na ginawa ang Phisgoc. Sinabi pa ni Panelo na hindi naman ibubunyag sa publiko ang imbestigasyon. Tiniyak ni Panelo na mananagot ang sinuman kapag…
Read MorePAGSIBAK KAY LENI ‘DI KAILANGAN NG OFFICIAL ORDER — PANELO
(NI CHRISTIAN DALE) HINDI na kinakailangan pang maglabas ng opisyal na komunikasyon ang Office of the President kaugnay ng naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Leni Robredo sa ICAD. Sa pulong balitaan sa Busan, South Korea, binigyang diin ni Chief Presidential Spokesperson Salvador Panelo na saklaw si Robredo ng polisiyang “serving at the pleasure of the President” lalo at nasa Pangulo ang appointing authority. Nasa kapangyarihan din, ani Panelo, ang pagpapaalis sa kaninumang itinalaga ng Punong Ehekutibo sa isang puwesto, anumang oras na naisin nito nang hindi na…
Read MorePAGKO-COMMUTE NG GOV’T OFFICIALS KINONTRA NI GO
(NI NOEL ABUEL) HINDI sang-ayon si Senador Bong Go sa panawagan ng isang kongresista na gumamit ng public transport ang mga opisyal ng pamahalaan tuwing araw ng Lunes. Giit ni Go, sa halip na makabuti ay baka mas lalong magdulot aniya ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang ililikha nito. Ipinaliwanag pa ng senador na dapat ikonsidera ng lahat na hindi maiiwasan na malalagay sa alanganin ang seguridad ng mga opisyal ng pamahalaan sakaling sumakay ito sa mga pampublikong sasakyan. Idinagdag pa ni Go na payag naman itong sumakay na…
Read MoreTRANSPORT CRISIS MAY SOLUSYON
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KUMBINSIDO sina Senador Richard Gordon at Senador Win Gatchalian na may transport at traffic crisis sa bansa. Kasunod ito ng pagtugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa ‘challenge’ sa kanya na mag-commute makaraang sabihing wala namang transportation crisis sa bansa. “Alam mo ‘no win situation’ ang ginawa ni Sal (Panelo). Alam naman nya na may transportation crisis, kahit sumakay sya, talo pa rin siya. Ang nangyayari tuloy parang pinaglalaruan sya,” saad ni Gordon. “Meron tayong crisis in both transportation and traffic. Kapag tatanungin ako kung ano malala is really the traffic crisis kasi makikita…
Read More