(NI BERNARD TAGUINOD) IGINIIT ni Bayan Muna party-list Rep.Ferdinand Gaite na imbestigahan din si Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos mabunyag na inendorso nito sa Executive clemency ang kanyang dating kliyente na si Antonio Sanchez. Ginawa ni Gaite ang pahayag matapos mabunyag sa Senado ang endorsement letter ni Panelo sa Bureau of Parole para sa pagkalooban ng Executive clemency ang dating mayor ng Calauan, Laguna na sinentensyahan ng pitong habambuhay na pagkabilanggo dahil sa paggagahasa at pagpatay kay Eileen Sarmento at Alan Gomez. “His referral letter might be taken as an intervention…
Read MoreTag: PANELO
PAGLAYA SA HALOS 2-K PRESO ‘D INIAKYAT SA PANGULO
(NI BETH JULIAN) NASA mababang level lamang ang ginawang pag-aaral kaya hindi na nakarating sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaya ng halos nasa 2,000 inmates. Ito ang biniitwang depensa si Malacanang matapos sambitin ni Senator Bong Go na walang alam ang Pangulo sa pagpalaya sa nabanggit na bilang ng mga preso na pawang convicted sa mga karumal dumal na krimen. Ang nasabing bilang ng mga preso ay pawang napagkalooban ng good conduct time allowance. Giit ni Panelo, hindi alam ng Pangulo ang paglaya ng mga bilanggo dahil nasa…
Read MoreFAELDON ‘WAG IPAHIYA SA SENADO – PALASYO
(NI BETH JULIAN) HINDI makikialam ang Palasyo sa magiging pasya ni Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon na dumalo sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw ng Lunes. Gayunman, sakaling dumalo si Faeldon at humarap sa Senado, nakiusap ang Palasyo na huwag ipahiya ang opisyal o sinumang opisyal ng gobyerno na dadalo sa mga pagdinig. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nasa pagpapasya na ni Faeldon kung dadalo siya pagpapatawag ng Senado para pagpaliwangin sa ipinatupad na good conduct time allowance na naging daan ng muntik nang pagpapalaya…
Read More‘IBALIK SA BILIBID!’
(NI CHRISTIAN DALE) DAPAT lang na ibalik sa kulungan ang mga bilanggong nahatulang makulong dahil sa karumal-dumal na krimen subalit nakalaya dahil sa Republic Act 10592, o ang batas na nagpalawig sa good conduct time allowances (GCTA). Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat na i-serve ng full term ang hatol sa kanila ng korte. “Obviously, dapat makabalik sila sa kulungan until they serve the full term of their service,” ayon kay Sec. Sinasabing, napalaya ang mga bilanggo batay sa RA 10592 na naging batas noong 2013. At dahil…
Read MorePANELO KAY DEMETRIOU: ‘DI AKO MAGBIBITIW
(NI BETH JULIAN) NANINDIGAN si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi niya papatulan ang hamon ni dating judge Harriett Demetriou na magbitiw sa puwesto matapos ang mga alegasyon na may kinalaman siya sa muntik nang paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez. Sa text message ni Panelo, ikinalulungkot niya ang inilabas na opinyon ni Demetriou na base lamang sa mga espekulasyon. “My office has nothing to do with the release of qualified inmates. That is the turf and the responsibility of the Department of Justice and the concerned offices…
Read MoreISYU NG POGO DAPAT BUKSAN NI XI — PANELO
(NI BETH JULIAN) SI Chinese President Xi Jinping lamang ang maaring magbukas ng talakayan kay Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Chinese workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Ito ang paglilinaw ng Malacanang sa katwirang legal ang online gaming operations sa Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nasa pagpapasya na ni Xi ang nasabing isyu dahil iligal sa China ang pagsusugal kung saan hinahabol ang mga operator. Matatandaan na nagpahayag si Xi ng pagkabahala na mauwi sa money laundering ang operasyon ng POGO hub sa…
Read MorePATUTSADA NI DE LIMA; PALASYO, ‘DEADMA!’
(NI BETH JULIAN) HINDI na pinatulan ng Malacanang ang patutsada ni Senator Leila de Lima kaugnay sa usapin ng naudlot na pagpapalaya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mayroon nang demokrasya sa bansa kaya malayang magsalita si De Lima kung ano ang gusto nitong sabihin. Una nang inihayag ni De Lima na binabaluktot ng gobyernong Duterte ang batas para mabigyan-katwiran ang isinusulong na pagpapanumbalik sa parusang kamatayan. “Well, she can always express herself since this is a democratic country, pero hindi totoo ‘yon,” ayon…
Read MoreKONGRESO INGINUSO NI PANELO SA PAGLAYA NI SANCHEZ
(NI BETH JULIAN) SA harap ng kaliwa’t kanang batikos sa inaasahang paglaya ng convicted rapist at murderer na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez, ibinato ng Malacanang sa Kongreso ang pagpapaliwanag ng nilalaman ng Republic Act 10592. Ang RA 10592 ay ang nakikitang daan ngayon para makalaya si Sanchez. Ayon kay Panelo, sa Kongreso nalikha ang naturang batas kaya’t anumang concern tungkol sa revised penal code ay dapat na mai-address sa mga mambabatas. Iniulat na si Sanchez na convicted rapist at murderer ay kabilang sa 11,000 preso na binigyan ng…
Read MoreKONEKSIYON NI PANELO SA PAGLAYA NI SANCHEZ, ITINANGGI
(NI HARVEY PEREZ) PINABULAANAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang ispekulasyon na may kinalaman si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa napipintong paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison (NBP). “I have no reason to believe that the intervention of any person, including Sec. Panelo, will be necessary,”ayon kay Guevarra. Si Sanchez ay kinasuhan at nahatulan dahil sa panggagahasa at pagpaslang kay University of the Philippines Los Baños students Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993. Nabatid na si Sanchez ay hinatulan noong Marso 11,1995 ni Judge…
Read More