(NI BERNARD TAGUINOD) MAPUPURNADA ang kahilingan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na malilibre sa buwis matapos kontrahin ito ng chair ng House committee on ways and means. “The answer is no,” ani Albay Rep. Joey Salceda, chair ng nasabing komite na ang trabaho ay maghanap ng perang gagastusin ng gobyerno sa mga programa at imprastraktura. Ginawa ni Salceda ang pahayag matapos imungkahi ni Albay Rep. Edcel Lagman na ilibre sa buwis ang PCSO at ang matitipid ay ilaan sa charity upang mas marami pang matulungang mahihirap na pasyente na…
Read MoreTag: pcso
P519-M BONUS, ALLOWANCE NG PCSO OFFICIALS, KAWANI, GOODBYE NA
(NI ABBY MENDOZA) TINIYAK ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na inihinto na, tulad ng pagtalima sa kautusan ng Commissin on Audit (CoA), ang naglalakihang bonus, allowance at personal benefits ng mga opisyal at kawani ng ahensiya na umabot sa P519.925 million noong nakaraang taon. Kasabay ito ng pagharap ni PCSO general manager Royina Garma at Chair Anselmo Pinili sa House Appropriations Committee kaugnay sa pondo nito para sa susunod na taon. Sinabi ni Garma na nirerebisa na ng ahensya ang compensation package na nararapat lamang na maibigay…
Read MoreSTL BALIK-OPERASYON NA
(NI ABBY MENDOZA) BINUKSAN na muli ng Malacanang ang operasyon ng Small Town Lottery na una na nitong ipinatigil ang operasyon noong nakaraang buwan. Gayunman, bago muling makapag-operate ang mga STL operators ay kailangan sumunod ito sa bagong patakaran na inilatag ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) Sa isang Facebook live sa PCSO facebook page ay sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang pagbabalik ng STL operations ay kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na rin ang ginawang rekomendasyon ng PCSO board. “Pursuant to the recommendation of PCSO, the…
Read MoreBIDDING PROCESS SA GAMING OPERATIONS NASA KAMAY NG DBM, DOJ
(NI BETH JULIAN) IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa kakayahan nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Budget and Management acting Secretary Wendel Avisado ang pangangasiwa sa bidding process ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na iginiit na hindi itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ito sa kanyang Gabinete kung walang sapat na karanasan at kaalaman. Una nang sinabi ng Pangulo na kanyang pag-aaralan na ilipat sa Office of the President ang pangangasiwa ng operasyon ng keno, Small Town Lottery…
Read More20 PCSO PERSONNEL ISINASALANG SA PACC PROBE
(NI BETH JULIAN) IIMBESTIGAHAN ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) ang 13 hanggang 20 opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, kabilang dito ang ilang opisyal na mayroon nang kinahaharap na dating reklamo. Ang mga ito ay isasailalim sa lifestyle check at bubusisiin maging ang kanilang mga statement of assets, liabilities and net worth (SALN). Kung may kuwestyunableng yaman o negosyo, titingnan din umano kung nakapagbabayad sila ng tamang buwis. “We will begin atleast 13 to 20 officials na identified po namin, at meron…
Read MoreBALUTAN IPATATAWAG SA PCSO INVESTIGATION
(NI BERNARD TAGUINOD) UNA sa listahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pangalan ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Alexander Balutan sa isasagawang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa nasabing ahensya. Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran, vice chairperson ng House committee on games and amusement, sinabi nito na lahat ng mga dati at kasalukuyang opisyales ng PCSO ay tiyak na ipatatawag ng komite. “Lahat including former officials of PCSO,” ani Taduran kaya hindi libre rito si Balutan na sinibak umano ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso sa…
Read More‘AMBAG NG PCSO SA HEALTH CARE LAW, ‘DI KALAKIHAN’
(NI BETH JULIAN) HINDI kalakihan ang pondong maiaambag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law. Sa katunayan, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na hindi hamak na mas malaki ang pondong manggagaling sa package 2 plus ng TRAIN Law para gamitin sa UHC. Paliwanag ni Lambino, nasa 1.2 percent o halos P3 milyon lamang ng kabuuang P257 billion na pondong kailangan para sa UHC ang manggagaling lamang sa PCSO. Ang package 2 plus ang siyang may malaking maiaambag para sa UHC na…
Read MoreHOUSE INQUIRY SA PCSO ANOMALY INIHAIN SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) ISANG resolusyon ang inihain na sa House of Representatives para magkaroon ng House Inquiry In Aid of Legislation kaugnay sa korapsiyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahilan ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang PCSO games noong Sabado. Sa ngayon ay balik na ang operasyon ng lotto games matapos na rin tanggalin ni Duterte ang ban sa operasyon nito habang nananatiling suspendido pa rin ang ibang laro ng ahensya kabilang ang Peryahan ng Bayan, STL at Keno. Sa House Resolution No 141 na…
Read MoreANOMALYA SA PCSO, PHILHEALTH IIMBESTIGAHAN SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) NAGPAHAYAG ng kahandaan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na magpatawag ng Senate investigation sa sinasabing anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth). Ayon sa senador, nais nitong papanagutin ang sinumang opisyales ng nasabing mga ahensya na nagmalabis sa tungkulin at pagkaitan ng tulong ang mga mahihirap. “Kung ano po ’yung interes ng tao, interes ng Pilipino, ’yun po ang mangunguna. Managot ang dapat managot,” sabi pa nito. Una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa operasyon ng PCSO gaming noong Hulyo 26…
Read More