(NI BETH JULIAN) NABABAGALAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga tinaguriang ‘Ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa pagrerecycle ng ilegal na droga na nakukumpiska sa mga anti-drug operation. Dito ay nanggagalaiting pinangalanan ng Pangulo ang iba pang ‘Ninja cop’ na hanggang sa ngayon ay hindi pa maiprisenta sa kanya ng PNP at patuloy na nakapagtatago sa batas. Kabilang sa mga pulis na binanggit ng Pangulo ay sina Police Sr. Supt. Leonardo Suan; Suot. Jimmy Guban; Supt. Lorenzo Bacia; Inspectors Conrado…
Read MoreTag: PDEA
SOLON: MGA ARTISTA SA DRUG WATCH KASUHAN, PANGALANAN
(NI BERNARD TAGUINOD) SUPORTADO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panawagan ng publiko na pangalanan na ang mga artistang gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga lalo na’t iniidolo ang mga ito ng mga kabataan. Ayon kay House committee on dangerous drug chair Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, sinabi nito na karapatan ng publiko na malaman kung sinu-sino ang mga artista na ito na naliligaw ng landas. “Dapat ilabas din ang mga pangalan nila kasi mga iniidolo sila ng mga kabataan,” ani Barbers matapos kumpirmahin ni Philippine Drug…
Read MorePDEA NANINDIGAN NA BUMABA ANG PROBLEMA SA DROGA
(NI JEDI PIA REYES) PINANININDIGAN ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na nabawasan o napilayan ang operasyon ng ilegal na droga sa bansa. Taliwas ito sa naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Philippine National Police (PNP) na lumala pa ang problema sa ilegal na droga sa kabila ng pinatinding kampanya laban dito. “Of course no. Kung makikita mo on our number of [drug surrenderers] number of [drug] seizures. Malaki ang nakukuha natin drugs worth billions of pesos,” ani Aquino. Sinabi pa ni Aquino na…
Read MoreTV SHOW HOST, 30 CELEBRITIES MINOMONITOR SA DROGA — PDEA
(NI LILY REYES) INAMIN ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief, Director General Aaron Aquino na nasa 31 celebrities ang nasa drug watch list ng kanilang ahensiya. “Tama po ‘yun, 31 po sila. Napapanood niyo pa rin sa telebisyon. May mga TV hosts pa nga na nakikita natin dito,” ito ang sinabi ni PDEA chief Director General Aaron Aquino, sa interview ng GMA-DZBB. “Mga wholesome pa ang roles nito sa telebisyon and yet itong mga artista na ‘to iba po ang ginagawa ‘pag gabi. Sila pa mismo ang tinutularan ng ating…
Read MoreKALIWA’T KANANG DROGA; PDEA HUMIHILING NG DEATH PENALTY
(NI FRED SALCEDO/PHOTO BY JACOB REYES) MATAPOS makasakote ng umaabot sa P3 bilyong halaga ng droga at sa sunud-sunod na pagsamsam sa mga ito, hinihingi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang death penalty sa mga nasa likod ng drug smuggling sa bansa. Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na sa kawalan ng parusang kamatayan kaya malakas pa rin ang loob ng mga dayuhan na magpasok ng ilegal na droga sa bansa. “That is the stand of PDEA, the restoration of death penalty for drugs, particularly on drug trafficking,…
Read MoreNAKUMPISKANG DROGA PINANGANGAMBAHANG BALIK-LANSANGAN
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY JACOB REYES) HINILING ng isang mambabatas sa Kamara sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na agad sirain ang mga nakukumpiskang droga upang hindi na ito bumalik sa lansangan. Ginawa ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ang mungkahi matapos masabat ng PDEA sa Manila North Harbor ang shabu na nagkakahalaga ng P1.8 Billion noong Sabado. “While we laud the Philippine Drug Enforcement Agency and other law enforcement agencies for the seizing almost 500 kilos of shabu, I strongly urge them to handle with outmost care the evidence…
Read MoreMEDIA, CELEBRITIES SA WATCHLIST ‘HILAW’ PA – PDEA
(NI JESSE KABEL) NILINAW ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na base sa hawak nilang intelligence report kaya may mga kasapi ng media at celebrities na nakapaloob sa kanilang narco list. Subalit mabilis din nilinaw ni Usec Derrick Carreon na patuloy pang isinasailalim sa balidasyon ang mga pangalan. Malinaw naman umano na ang intelligence report ay mga raw information na kailangang sumailalim sa validation at re-validation para maging factual at maaring magamit sa case build-up. Sinabi pa nito na kailangan pa ng maraming panahon upang makumpirma nilang sangkot sa illegal…
Read MoreP1.8-B SHABU NASABAT SA MANILA PORT
UMAABOT sa P1.8 bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Manila International Container Port, Biyernes ng gabi. Sinabi ni PDEA chief Director General Aaron Aquino na nasa 276 kilo ng shabu ang naharang ng awtoridad. Nabatid na inalerto si Aquino ng kanilang counterparts sa Vietnam hinggil sa kontrabando na sakay ng Callo Bridge mula Ho Chi Minh City. Ang cargo ay naka-consign umano sa Wealth Lotus Empire Corporation. Ang kontrabando ay maingat na nakabalot sa Chinese tea wrapper na…
Read MorePDEA, PNP, MAGKA-SALUNGAT VS NARCO LIST
(NI JG TUMBADO) WALA pang sapat at matibay na basehan o ebidensya ang gobyerno upang sampahan ng kasong kriminal ang mga politikong isinasangkot at pinangalanan sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang pag-amin ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Senior Supt. Bernard Banac kasunod ng paghahain ng reklamo ng administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa 46 na mga pulitikong isinasangkot sa ilegal na droga bago pa man pangalanan ng pangulo. Salungat naman ang naging pahayag ng PDEA sa PNP na umanoy tumagal ng 14…
Read More