(NI NOEL ABUEL) WALA umanong planong tumigil at sumuko si Senador Panfilo Lacson sa pagbubulgar nito sa mga kapwa mambabatas na sangkot sa manipulasyon sa 2019 national budget. “My critics would claim I am just making a lot of noise but I do not let such negative comments affect, much less stop me. This is my biggest advocacy because the budget is the lifeblood of the nation. If this blood is taken away, the nation may suffer from anemia, or even a stroke,” sabi pa ni Lacson. Aniya, bahagi ng…
Read MoreTag: ping lacson
PING HAHABULIN SI GLORIA SA ‘DINOKTOR’ NA PORK BARREL
(NI NOEL ABUEL) INAKUSAHAN ni Senador Panfilo Lacson ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng grave abuse of discretion dahil sa pakikialam sa panukalang P3.757 trillion national budget at paglalagay ng multi-milyong pork barrel allocations. Ayon kay Lacson nananatiling nasa kamay pa ng Kongreso ang 2019 spending program ng pamahalaan at hindi pa natatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte kung aaprubahan ito o ibe-veto. “Based on information shared by several members of the House of Representatives themselves, and I completely agree, among the other manipulations being undertaken by the House…
Read MoreKAMARA, BAKIT TAHIMIK SA DELAYED NA BUDGET?
(NI BERNARD TAGUINOD) NAKABIBINGING katahimikan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa nakabimbin na 2019 national budget na hindi mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit naratipikahan na ito noong Pebrero. Maging ang alegasyon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hinihintay pa ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga proyekto ng mga kongresista para maisingit sa P3.757 trilyon national budget ngayong taon ay hindi pinapansin ng liderato ng Kamara. Noong Biyernes, Marso 1, ay hiningan ng mga mamamahayag ng pahayag si House committee on appropriation chair Rolando Andaya…
Read MorePING: PORK NG ILANG SOLONS ISINISINGIT PA SA 2019 BUDGET
(NI ESTONG REYES) HINIHINTAY pa ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga proyekto ng ilang kongesista upang maisingit bilang “pork barrel” sa P3.75 trillon national budget kaya hindi pa naisusumite sa Palasyo, ayon kay Senador Panfili “Ping” Lacson. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na sa kabila ito na ratipikado na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report. Ayon pa kay Lacson, “hindi ba ninyo napapansin na hindi pa naisusumite ang budget bill sa Malacanang sa kabila nang may bicam report na at ratipikado ng dalawang Kapulungan ng…
Read MoreP2.8-B ‘PORK’ NI LOREN NABISTO NI PING
(NI NOEL ABUEL) IBINUNYAG ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na isa si Senate Finance Committee Chairperson Loren Legarda sa mga senador na may insertion sa 2019 national budget. Tinukoy ni Lacson na isa sa mga ito ay si Legarda na may P2.8 bilyon na inilaan para sa lalawigan ng Antique kung saan ito kumakandidato bilang kongresista. Una nang sinabi ni Lacson na bukod sa mga kongresista na may tig-P160 milyon, may mga isiningit din na individual amendments ang ilang senador na nasa P2.3 hanggang P2.8 bilyon. “Ang P2.8, ang Antique.…
Read MorePING KAY DU30: ‘INSERTIONS’ SA 2019 BUDGET TANGGALIN
(NI NOEL ABUEL ) TANGING si Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-asa para tuluyang burahin ang mga insertions ng mga mambabatas sa 2019 national budget. Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na nauubusan na ito ng pag-asa na malilinis sa bicameral conference committee ang 2019 National Budget sa mga pork insertions. Maaari umanong gamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang line-item veto power sa mga nakasingit na pork sa pambansang budget. “My President, you have displayed your strong political will on several occasions. This time, use your line-item veto power over the 2019…
Read More