KAMARA VS SENADO: KAMPIHAN NA SA NABUKING NA PORK BARREL

(NI ABBY MENDOZA) KAMPIHAN na ang nangyayari ngayon matapos panigan ng kapwa senador si Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pamimilit ng mga kongresista na mag-sorry ito sa mali umanong akusasyon hinggil sa bilyong insertion sa sa 2020 national budget. Kasabay nito, pinayuhan Lacson si Capiz  2nd District Rep. Fredenil Castro na uminom ng memory enhancement pills sa gitna ng kanilang bangayan kaugnay sa isyu ng pork barrel. Sa gitna ito ng pagpapaalala ni Lacson kay Castro sa P95 billion insertions sa 2019 budget na kinalaunan ay nai-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.…

Read More

PING ‘KINUYOG’ SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lang sinopla kundi binakbakan pa sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Sen. Panfilo “Ping” Lacson matapos akusahan na mayroong pork barrel ang 2020 national budget na ipinasa ng mga kongresista. Sa kanyang privilege speech nitong Miyerkoles, hindi pinaglagpas ni Capiz Rep. Fred Castro ang panibagong alegasyon ni Lacson gayong hindi pa umano nababasa ng senador ang kahit isang pahina ng General Appropriation Bill (GAB). Ayon kay Castro, nagsakripisyo nang husto ang mga kongresista sa pagpapatibay sa national budget  “…(but) here comes the recless, irresponsible and…

Read More

MAJORITY BLOC NG KAMARA KAY PING: NAME YOUR SOURCE

(NI ABBY MENDOZA) HINAMON ng Majority Bloc ng Kamara si Senador Panfilo Lacson na pangalanan ang sinasabing congressman o congressmen na source ng kanyang impormasyon na nagsasabing P1.5 bilyon ang nakalaang pondo sa bawat 22 deputy speakers ng Kamara at P700 milyon naman sa mga kongresista sa ilalim ng 2020 national budget. Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez hindi nila alam kung saan galing ang mga impormasyon ni Lacson. Ang ipinasa umanong budget ng Kamara na nakatakda pa lamang i-transmit sa Senado sa Oktubre 1 ay carbon copy ng…

Read More

IBA PANG RAKET NI FAELDON SA BUCOR, KAKALKALIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) BINATIKOS ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang iba pang sinasabing iregularidad ni dating Bureau of Corrections (BuCor) director Nicanor Faeldon sa New Bilibid Prisons (NBP). Kabilang na rito ang sinasabing tangkang pagpapatupad ni Faeldon ng ‘no sticker, no entry’ policy sa NBP. Sa impormasyon, bibilhin kay Faeldon ang sticker para sa bawat sasakyang papasok subalit kinuwestyon ng asosasyon kaya’t hindi tuluyang naipatupad. “Narinig ko rin yan. Kaya nga lang hindi na-implement ang sticker dahil nagbabayad na rin ng sticker ang mga nakatira roon. At may nakatira roon,…

Read More

HIGH PROFILE INMATES NAGPAPATAKBO NG BUCOR — PING

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL) NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na kontrolado ng mga Chinese mafia at mayayaman at maiimpluwensyang tao ang operasyon sa National Bilibid Prison (NBP). Ayon sa senador, base sa impormasyon mula sa Philippine Drug Enforcement (PDEA), natukoy nito na karamihan sa mga nasabat nitong illegal drugs sa bansa ay nagtuturo sa loob ng NBP. “’Yung mga high profile inmates naging napakamakapangyarihan at napakamayaman na sila halos ang nagpapatakbo ng kulungan, hindi na ang gobyerno. Kasi sila na ang nagpapatakbo e,” aniya. “Nang tanungin natin ang PDEA, tanungin natin…

Read More

CRUSADER? IGNORANTE SIYA! –DU30 KAY PING

(NI HARVEY PEREZ) PINUNA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Panfilo Lacson dahil sa pagsawsaw nito sa bawat isyu na mistula umanong nagtatangkang maging isang  ‘crusader’ pero isa namang ignorante. Ang pahayag ay ginawa ni Duterte matapos nitong alalahanin  ang pahayag ni Lacson at Vice President Leni Robredo na kapwa binatikos ang kanyang sinabi na walang masama  na tumanggap ng regalo ang mga police officers kung ito ay kusang ibinibigay bilang pagtanaw ng utang na loob. “His penchant to just right away [make comments] in every issue… I think he’s…

Read More

FAELDON UMAMIN; PUMIRMA SA ‘RELEASE PAPER’ NI SANCHEZ

(NI DANG SAMSON-GARCIA) GINISA sa joint hearing ng Blue Ribbon Committee, kasama ang Committees on Justice and Human Rights, Constitutional Amendments and Revision of Codes, Public Order and Dangerous Drugs at Finance hinggil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law si Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon, kasabay ng pag-amin na pinirmahan ang ‘release orders’ ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Partikular na nadiin si Faeldon sa pagpapalaya sa mga responsable sa panggagahasa at pagpatay sa Chiong Sisters at sa muntik nang pagpapalabas kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio…

Read More

EBIDENSIYA VS DUQUE DUMARAMI

ping44

(NI NOEL ABUEL) KINUMPIRMA ni Senador Panfilo Lacson na patuloy na dumarating ang ilang ebidensya at impormasyon na magdidiin lalo kay Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng kontrobersya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ayon kay Lacson, hanggang sa kasalukuyan ay may mga dumarating pa sa tanggapan nito ng mga impormasyon na naglalaman ng malalaking halaga na sangkot sa korapsyon. “Hanggang ngayon may dumarating pa rin na information. Laging malaking amount ang involved sa corruption, lalo na sa high places,” sabi ni Lacson. Sinabi nito na sa nakatakdang pagdinig…

Read More