(NI NICK ECHEVARRIA) KANSELADO ang lahat ng mga in-house trainings at iba pang mga schoolings para sa 192,000 strong members ng Philippine Natonal Police (PNP), kasunod ang pag-recall sa may 2000 mga pulis na ngayon ay sumasailalim sa magkakaibang specialization training programs. Ito ang ibinunyag ni PNP spokesperson P/SSupt. Bernard Banac upang higit na mapalakas pa ang presensiya ng mga pulis ngayong nagsimula na ang election campaign period. Paliwanag naman ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, kailangan nilang i-maximize ang lahat ng mga available na bilang ng mga pulis…
Read MoreTag: PNP
PAGPIYANSA NI MAYOR BALDO IGINAGALANG NG PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) IGINAGALANG ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon ng Legaspi City Regional trial Court (RTC) na payagang makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang paglaya si Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga , Albay. Subalit, sinabi ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac na patuloy nilang imo-monitor ang mga galaw ni Baldo partikular ang gagawin nitong mga pagdalo sa korte. “As the premier law enforcement agency, the PNP bows to tha majesty of the law and accepts the court decision allowing Daraga Mayor Carlwyn Baldo to post bail.…
Read MorePNP NAGPALIWANAG SA SEGURIDAD NI DE LIMA
(NI NICKE ECHEVARRIA) NILINAW ng Philippine National Police ang alegasyon ng umano’y sobrang higpit ng ipinapataw nilang seguridad kay Senador Leila De Lima sa tuwing dumadalo ito sa mga pagdinig sa korte. Ipinaliwanag ni P/SSupt. Vicente Calanoga, Chief ng Directorial Staff ng PNP Headquarters Support Service, na tanging kaligtasan ng senadora ang kanilang pinoprotektahan at ginagawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho dahil si De Lima ay isang high profile inmate. Kinuwestiyon nina Sister Mary John Mananzan at Ging Deles, dating OPPAP secretary, kasama ang iba pang mga women’s…
Read MoreKAMPO NG PNP OFF LIMITS SA KAMPANYA
(NI NICK ECHEVARRIA) SIMULA sa araw na ito off limits ang lahat ng kampo ng Philippine National Police (PNP) sa bansa sa pangangampanya kaugnay sa pagsisimula ng campaign period para sa national position sa darating na 2019 mid-term elections. Ito ang ipinahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde kasunod ng muling pagpapaalala sa buong kapulisan na mahaharap sa kaparusahan ang sinuman sa kanilang miyembro na mahuhuling ikinakampanya ang alinman sa mga kandidatong pulitiko. Mahigpit ding ipinagbabawal ni Albayalde ang pangangampanya ng mga kandidato at paglalagay ng mga election posters…
Read MoreCUSTOMS, NAIA, PNP SINISI SA DRUG PROBLEM
(NI LILIBETH JULIAN) IBINUNTON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sisi sa mga tao ang kabiguang ng administrasyon nito na masawata ang problema sa ilegal na droga sa loob ng anim na buwan. Diretsahang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa dinaluhan nitong Peace and Order Summit for Barangay Officials sa Brgy. Bitano, Legazpi City, Albay, na mismong si dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald Dela Rosa ang nagsabi sa kanya na kagagawan ng mga tao at ilang opisyal ng pamahalaan kung bakit hindi lubos na nasawata ang paglaganap ng…
Read More‘KAMAH’ SUMUKO; JOLO BOMBING ITINANGGI
(NI JG TUMBADO) HAWAK na ng Philippine National Police (PNP) ang pangunahing mga suspek sa pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu. Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang regular press briefing kahapon sa Camp Crame. Ayon kay Albayalde, kasama sa limang mga nagsisuko sa mga awtoridad ay si Kamah Pae alyas ‘Kamah’ at ang mag-aamang miyembro ng kilabot na Abu Sayyaf sub-group na ‘Ajang-Ajang’. Nitong araw ng Sabado unang sumuko ang grupo ni Kamah sa militar bago umano nai-turn over…
Read MorePOLITICAL KILLINGS SA BANSA DUMOBLE — PNP
(NI JG TUMBADO/PHOTO BY EDD CASTRO) DUMOBLE pa umano ang bilang ng mga nangyayaring patayan na may kaugnayan sa pulitika nitong taong 2018, ayon sa bagong datos na ipinalabas ng Philippine National Police (PNP). Kumpara nitong nakaraang taong 2017 ay mas dumami pa ang krimen ng pamamaslang sa mga pulitiko o political killings dahil na rin umano sa nalalapit na 2019 midterm national elections sa darating na May, 13. Ayon kay PNP spokesman Senior Supt. Bernard Banac, mula sa 19 na kaso na naitala noong 2017, umakyat ito sa 38…
Read MoreKUMPIRMADO: SUICIDE BOMBERS SA LIKOD NG JOLO BLAST
(NI JESSE KABEL/BETH JULIAN) SUICIDE bombers ang nasa likod ng naganap na kambal n apagpapasabog sa Our lady of Mt Carmel Cathedral na kumitil ng 22 katao at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa ayon sa military at Sulu PNP nitong Biyernes. Ang pahayag ng military at kapulisan ay kumumpirma lamang sa nauna ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isang suicide bombing ang naganap sa Jolo Sulu at kagaagwan ito ng mag asawang banyaga. Ayon kay Sulu Police Provincial Office Director Pablo Labra ang kanilang kumpirmasyon ay ibinatay…
Read MoreMALAYAO SLAY CASE: 2 OPISYAL SIBAK
(NI JG TUMBADO) SINIBAK sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang dalawang police officials na nakatalaga sa Nueva Vizcaya region. Ito ay may kaugnayan sa nangyaring paglikida kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant na si Randy Felix Malayao. Ayon kay PNP spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, relieved sa puwesto ang direktor ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office na si Senior Supt. Jeremias Aglugub at ang chief of police ng Aritao na si Chief Insp. Geovanni Cejes. Isa sa mga dahilan…
Read More