(NI NICK ECHEVARRIA)
IGINAGALANG ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon ng Legaspi City Regional trial Court (RTC) na payagang makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang paglaya si Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga , Albay.
Subalit, sinabi ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac na patuloy nilang imo-monitor ang mga galaw ni Baldo partikular ang gagawin nitong mga pagdalo sa korte.
“As the premier law enforcement agency, the PNP bows to tha majesty of the law and accepts the court decision allowing Daraga Mayor Carlwyn Baldo to post bail. We shall monitor his movements from time to time and account for his presence during court hearings”, ayon kay Banac.
Magugunitang si Baldo ay nasa pangangalaga ng CIDG kaugnay sa mga kasong illegal possession of firearms, ammunition and explosives na kinakaharap nito matapos makuhanan ng baril ng mga awtoridad sa isinagawang search operation sa bahay nito kamakailan.
Si Baldo ay nakapaglagak na ng P3 milyun piyansa sa korte Martes ng hapon.
Si Baldo ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at sa police aid nito na si SPO1 Orlando Diaz makaraang pagbabarilin habang papasakay sila ng kotse pauwi mula sa isang gift giving na dinaluhan noong Disyembre 22, 2018 sa covered court ng Bgy. Burgos sa bayan ng Daraga.
177