P289-M SA BODY CAMERAS INILAAN NG PNP

(NI AMIHAN SABILLO) NAGLAAN ang Philippine National Police (PNP) ng 289 na milyong piso para pambili ng mga body cameras na gagamitin sa mga Police operations. Ito ang inihayag ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francsco Gamboa, ini-award ang bidding sa EVI Distribution, isang kumpanya sa San Juan, sa contract price na P288,888,888 kasama ang taxes, duties, maintenance at data system. Magsasagawa rin umano ang NHQ- Bids and awards committee ng assessment ng performance security at final evaluation ng sistema bago ilabas ang supply contract at purchase order ngayong taon.…

Read More

ILANG OPISYAL SA PNP BINALASA

(NI JG TUMBADO NAALOG sa posisyon ang pitong opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos ang ipinatupad na balasahan. Itinalaga ni PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa si Police Brigadier General Manuel Abu para hawakan ang Headquarters Support Service. Nagsilbi si Abu, na miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao” Class of 1989, bilang deputy director ng PNP Special Action Force at dating executive officer ng PNP Directorate for Police Community Relations. Iniluklok naman si Police Brigadier General Elmedio Tagra bilang bagong deputy director ng Civil Security Group. Kabilang…

Read More

MAHIGIT 3K KATAO INILIKAS SA EASTERN VISAYAS, BICOL SA BAGYONG TISOY

BAGYONG USMAN-2

(NI NICK ECHEVARRIA) MAHIGIT na sa 3,000 katao ang inilikas sa ipinatupad na preemtive evacuation sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa pinangangambahang matinding epekto ng bagyong Tisoy, batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nitong Lunes Ayon sa NDRRMC umaabot na sa 890 pamilya na katumbas ng 3,008 indibidwal mula sa 11 barangay sa Bicol region at Eastern Visayas ang inilikas. Istranded naman ang 4,603 na mga pasahero mula sa Batangas, Oriental at Occidental Mindoro, Romblon, Southern at Northern Quezon, Iloilo, Capiz, Antique,Aklan, Albay,…

Read More

ZERO INCIDENT SA PAGBUBUKAS NG SEA GAMES — PNP

(NI NICK ECHEVARRIA) WALANG naitalang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado. Ito ang ipinahayag ni PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa nitong Linggo kasabay ng pasasalamat sa ipinakitang kooperasyon ng publiko para matiyak ang tagumpay sa opening ceremony sa ng Philippine SEA Games. Sa naturang  opening ceremony, sinaksihan  ng mga manonood ang parada ng may 8, 750 mga atleta mula sa mga bansang, Brunei, Cambodia, Indonesia Laos, Malaysia Myanmar, Thailand, Leste, Singapore,…

Read More

PNP, NBI NAIS BIGYAN NG NGIPIN VS CYBER CRIMINAL

(NI ABBY MENDOZA) ISANG panukala na magbibigay kapangyarihan sa Philippine National Police(PNP) at National Bureau of Investigation(NBI) na makapagsagawa ng electronic at communications surveillance sa mga cyber criminals na sangkot sa human trafficking at sexual exploitation ang isinusulong sa Kamara. Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, may akda ng House Bill 5651, magtatagumpay ang kampanya laban sa human trafficking at sexual exploitation kung mismong mga awtoridad ay mayroon ding kakayahan gaya ng mga ginagawa ng mga cyber criminals. Sa panukala ni Herrera-Dy ay hinihiling nito na bigyan ng…

Read More

SOLON PIKON NA SA CHINESE CRIMINALS; PNP, BI KINALAMPAG

(NI BERNARD TAGUINOD) PUNUNG-PUNO na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa krimen na ginagawa ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Corportation (POGO) sa bansa. “Punung-puno na tayo sa mga to,” pahayag ni House committee on games and amusement chairman Eric Yap ng ACT-CIS party-list, matapos maaresto ang walong Chinese national na sangkot sa pagkidnap sa dalawa nilang kababayan. Ayon  kay Yap, hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang mga dayuhang ito sa kidnapping activities kaya mistulang iniinsulto umano ng mga ito ang awtoridad. “Wala silang…

Read More

ALL OUT WAR VS VAPE, UMPISA NA 

(NI JG TUMBADO) HUHULIHIN na ng pulisya ang sino mang maaaktuhang gumagamit ng vape at e-cigarettes sa pampublikong lugar sa buong bansa. Ito ay alinsunod sa kautusan na ipinalabas ng pamunuan ng pambansang pulisya sa direktiba na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte, na tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng vape cigarettes sa buong kapuluan. Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. General Bernard Banac, naglabas na ng kautusan ngayong Miyerkoles si PNP Officer in charge Lt. General Archie Gamboa, kung saan inaatasan ang lahat ng police personnel sa buong bansa na…

Read More

DU30 HIRAP SA IUUPONG BAGONG PNP CHIEF

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUMPIRMA ni Senador Bong Go na nahihirapan si Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng itatalagang hepe ng Pambansang Pulisya matapos ang kontrobersiya laban kay dating PNP chief Oscar Albayalde. Sinabi ni Go na hanggang ngayon ay naisumite na sa Pangulo ang lahat ng impormasyon hinggil sa mga contender na kabilang sa shortlist ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano at masusi niya itong pinag-aaralan. “Lahat ng impormasyon sa 3 (contenders), naparating na po sa Pangulo at talagang pinag-iisipan niya ng malalim. Si Pangulo hindi pa nakakapili,…

Read More

NINJA COP TEAM LEADER SINIBAK NA SA SERBISYO

pnp nacrolist12

(NI JG TUMBADO) TULUYAN nang sinibak sa serbisyo bilang pulis ang isa sa tinaguriang Ninja cops na sinasabing team leader ng maanomalyang drug raid sa Antipolo City sa Rizal noong Mayo 2019. Sa regular na press conference kanina sa Camp Crame, inihayag mismo ni PNP-Officer-in-charge Lt. General Archie Gamboa ang pagsibak sa pagka pulis si Lt. Joven De Guzman matapos makitaan ng grave misconduct ng Internal Affairs Service (IAS). Si De Guzman ay isa sa 13 Ninja cops na nag operate sa Mexico, Pampanga noong 2012 kung saan nakumspika ang…

Read More