(NI NICK ECHEVARRIA) IPINATUPAD na ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa nitong Martes ang suspension order na ipinalabas ng Office of the Ombudsman laban kay Northern Mindanao police regional director, Brig. Gen. Rafael Santiago. Ayon kay Gamboa, si Santiago ay sinuspinde ng anim na buwan kaugnay sa kasong may kinalaman sa logistics na isinampa noon pang 2012. “Yes, he was relieved because he has a suspension order that came out that was dated October 21, 2019. And sayang din (it is a waste) because he was a very good performer but we have to implement the…
Read MoreTag: PNP
20% SA 26-K NA IRERECRUIT NG PNP IPINALAAN SA BABAE
(NI BERNARD TAGUINOD) UMAASA ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ilalaan ng susunod ng hepe ng Philippine National Police (PNP) ang 20% sa 26,370 na irerecruit nito sa susunod na taon. Ginawa ni House deputy speaker Johnny Pimentel ang nasabing pahayag matapos maglaan ang Kongreso ng P24.4 Billion na pondo sa 2020 national budget para sa recruitment ng mga bagong miyembro ng PNP. Ayon sa mambabatas, 10,000 ang kukunin ng PNP na pulis sa 2020 na may pondong P3 billion at P14.4 billion naman para punun ang 26,685 na…
Read More35,000 PULIS IKAKALAT SA NOB. 1
(NI JG TUMBADO) NASA kabuuang 35,000 police personnel ang ipakakalat sa buong bansa para magbantay ng seguridad at kaligtasan sa publiko para sa obserbasyon ng Araw ng Undas sa Nobyembre 1. Ayon sa tagapagsalita ng pambansang pulisya na si Police Brig. General Bernard Banac, bukod sa nabanggit na bilang ay may 100,000 volunteers pa mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang magiging kasama o katuwang ng PNP. “Ito yung mga fire, medics, rescue groups at maging yung mga bantay bayan natin at mga barangay tanod,” pahayag ni Banac. “So…
Read MoreRESHUFFLE SA PNP SUPORTADO SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) PINURI ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginawa nitong pagbalasa sa Philippine National Police (PNP). Aniya, tama lang na magkaroon ng pagpapalit sa hanay ng PNP matapos na rin ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon, at ang mga pagsisiyasat sa Justice and Human Rights Committee na nakalantad ang ‘agaw-bato’ scheme na kinasasangkutan ng 13 mga opisyal ng pulisya na tinaguriang mga ‘ninja cops’. “I would like to commend the President, nagalit siya, nagkaroon ngayon ng overhaul, naglilipatan lahat,” ani Gordon. Una nito, kinumpirma…
Read More454 PULIS SA ILEGAL NA DROGA, SINIBAK
(NI NICK ECHEVARRIA) UMAABOT na sa 454 na mga police personnel na napatunayang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga ang sinibak sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) na kabilang sa sa mahigit 9,000 tiwaling mga pulis na kinasuhan ng adminsitrabo simula July 2016, alinsunod sa kanilang pinaigting na internal cleansing. Sa datos na ibinigay ni PNP Officer In Charge P/Lt.Gen. Archie Gamboa, sa isang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes, lumalabas na 352 sa kabuuang 454 ang nagpositibo na gumagamit ng droga habang 102 naman sa kanila…
Read More‘NADAPA’NA; KAPALIT NI ALBAYALDE, SINASALA NI DUTERTE
(NI NOEL ABUEL) INAMIN ni Senador Christopher Lawrence Go na nag-iingat na nang husto si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili sa susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) bilang kapalit ng nagbitiw na si Director General Oscar Albayalde. Sa ambush interview kahapon, sinabi ni Go na pinag-iisipan at pinag-aaralan ng Pangulo ang credentials at personalidad ng susunod na PNP chief. “Nabanggit na niya sa speech na ayaw na niya madapa o mapandol, ibig sabihin madapa,” giit nito. Idinagdag pa ni Go na may mga pinagpipilian nang pangalan ang Pangulo…
Read MorePROMOSYON NG PULIS IDADAAN NA SA CA
(NI BERNARD TAGUINOD) UMAANI ng suporta sa Mabababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na idaan na sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang promosyon ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ng mga mambabatas sa Kamara na walang masama kung isasalang muna sa kumpirmasyon ng CA ang promosyon ng mga pulis mula ranggong colonel pataas. Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, sa katunayan ay may kapangyarihan ang CA sa promosyon ng mga pulis subalit tanging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) lamang…
Read MoreAMLC PAPASOK SA PNP VS CORRUPT POLICE OFFICERS
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG malinis sa mga corrupt ang Philippine National Police (PNP), kailangang papasukin na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa lifestyle check sa mga pulis, ano man ang ranggo ng mga ito. Ito ang rekomendasyon ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin kasunod ng napaagang pagreretiro ni PNP chief Oscar Albayalde sa gitna ng mga alegasyong prinotektahan nito ang 13 Ninja Cops noong siya pa ang provincial director ng Pampanga. Bukod sa AMLC, kailangan din umano ang tulong ng Civil Service Commission (CSC), Ombudsman, Bureau of Internal Revenue…
Read MoreGAMBOA NANGAKO’; MORALE SA PNP IBABANGON
(NI AMIHAN SABILLO) “FOCUS sa trabaho at huwag papa-apekto sa kontrobersiya” ito ang paki usap ni Police Lt. Gen. Archie Gamboa na syang Officer-In-Charge ngayon ng Philippine National Police sa kanyang mga kasamahan sa organisasyon. Makaraan ang pagbaba sa pwesto ni Police General Oscar Albayalde sa gitna ng “agaw-bato” issue, nanawagan si Gamboa sa mga pulis na balewalain ang ingay ng kontrobersya at gawin lang ang mandato nila na “to serve and protect”. Ibabangon din umano nito ang humihinang morale ng nakararaming miyembro ng kapulisan sa gitna ng eskandalong yumanig…
Read More