(NI HARVEY PEREZ) HINAMON ng Malacanang si Senator Grace Poe na magrekomenda ng traffic czar na sa tingin niya ay makakalutas ng problema sa trapiko sa Metro Manila kung sa pakiramdam niya ay niya ay hindi akma si Transport Chief Arthur Tugade sa trabaho. Ang reaksiyon ay tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pahayag ni Poe na dapat maglagay si Pangulong Rodeigo Duterte ng traffic czar, bukod kay Tugade, para mangasiwa sa problema sa transportasyon at trapik sa Metro Manila. “Maybe she should give us a name. Maybe Senator…
Read MoreTag: poe
PROBLEMA SA TRAFFIC AYUSIN NG GOBYERNO, WAG AKO SISIHIN! — POE
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANINDIGAN si Senador Grace Poe na hindi dapat siya ang sisihin kung hindi pa rin naaaprubahan ang hinihiling na emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte upang solusyunan ang problema sa trapiko. “I am not the one in the driver’s seat, when it comes to traffic. It’s an administration issue, not a legislative one,” saad ni Poe. Iginiit ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na bigo ang mga opisyal ng gobyerno na dipensahan ang hinihinging dagdag kapangyarihan para sa Punong Ehekutibo. Binigyang-diin pa nito na…
Read MoreEMERGENCY POWERS NI DU30 SA TRAFFIC MALABO SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) MALABO pa ring pagbigyan ng Senate Committee on Public Services ang iginigiit na emergency powers para sa Pangulo upang resolbahin ang problema sa trapiko sa Metro Manila. Ayon kay Committee Chairperson Senador Grace Poe, maaaring maresolba ng administrasyon ang problema kahit walang emergency powers mula sa Kongreso. Sa pagdinig sa Senado, iginiit ni Transportation Secretary Arthur Tugade na kung naibigay ang emergency powers, tatlong taon na ang nakalilipas, posibleng sa ngayon ay nagrerepaso na lamang ngayon ang mga nagawa ng pamahalaan. “Ang hinihingi nating emergency power ay…
Read MoreDAGDAG-SINGIL SA ATM FEES HAHARANGIN
(NI NOEL ABUEL) HAHARANGIN ni Senador Grace Poe na plano ng mga bangko na magpataw ng dagdag singil sa automated teller machine (ATM) transactions. Ayon sa senadora, chair ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, magpapatawag ng imbestigasyon hinggil sa nasabing usapin. “Maliit na nga ang interes sa savings, pero ang laki naman ng kaltas mula sa balance inquiry hanggang sa withdrawal,” sabi ni Poe. “Kung tutuusin, para tayong nagpapahiram ng pera sa bangko kapag itinatabi natin ito sa ATM. Kung nagwi-withdraw tayo, kinukuha lang natin kung ano ang atin.…
Read MoreMMDA OFFICIALS LAGOT SA MATINDING TRAFFIC SA EDSA
(NI NOEL ABUEL) PINAGPAPALIWANAG ni Senador Grace Poe ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mala-sardinas na ilang araw nang trapik na nararanasan sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Ayon kay Poe, chair ng Senate Committee on Public Services, magpapatawag ito ng public hearing para paharapin ang mga opisyales ng MMDA at iba pang opisyal ng pamahalaan sa darating na Agosto 13, upang magpaliwanag sa sobrang idinulot na trapiko sa EDSA sa gitna ng test run na pagbabawal sa mga provincial bus na dumaan sa nasabing kalsada. “Matinding…
Read MoreBANAT NI POE, SINANGGA NG DOTr
(NI KEVIN COLLANTES) INALMAHAN ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), na pinamumunuan ni Secretary Arthur Tugade, ang mga akusasyon ni Senador Grace Poe na lumalala ang lagay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Sa isang kalatas, naglabas ng paglilinaw ang DOTr at sinabing hindi lumalala at sa halip ay unti-unting humuhusay ang kalagayan ng MRT-3 kumpara sa mga nakalipas na taon. Reaksyon ito ng DOTr, sa ginawang pagkuwestiyon ni Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services, sa aniya’y lumalalang kondisyon ng MRT-3 sa kabila ng mga pagkumpuni sa…
Read MorePOSISYON NI GORDON, TARGET NI POE
(NI NOEL ABUEL) TARGET ni reelected Senator Grace Poe na pamunuan ang makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee sa pagbubukas ng 18th Congress. Ayon kay Poe, bagama’t may kasalukuyang namumuno sa nasabing komite ay maaari namang ibigay ito sa iba pang senador na uupo sa susunod na Kongreso at kung papayag si Senador Richard Gordon na siyang namumuno sa Komite. “Alam mo, mayroong equity of the incumbent. So ‘yan ay mangyayari lamang kung papayag si Senador Gordon,” ani Poe sa isang ambush interview bago ang proklamasyon nito bilang ikalawang winning senatorial candidates…
Read MoreSENADO PASOK NA RIN SA MANILA WATER PROBE
(NI NOEL ABUEL) MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Senado sa nangyayaring kaguluhan hinggil sa nararanasang krisis sa tubig sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan. Sa inihaing Senate Resolution 1028, ni Senate President Vicente C. Sotto III, hiniling nito sa Senate Committee on Public Services at sa iba pang kinaukulang komite na alamin ang ugat at solusyon sa nasabing iregularidad sa supply ng tubig. Sa susunod ng linggo nakatakdang dinggin ni Senadora Grace Poe, chairman ng nasabing komite ang nasabing imbestigasyon. Sinabi ni Sotto na hindi katanggap-tanggap na libu-libong pamilya, maging…
Read More