DAGDAG-BUWIS SA POGO, APRUB NA SA HOUSE PANEL

(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS ang dalawang pagdinig, inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang karagdagang pagbubuwis sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa ilalim ng House Bill 5257 na iniakda ni Albay Rep. Joey Salceda, papatawan ng 5 porsyento ang franchise tax sa gross winnings ng POGO na lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) habang 25 % withholding tax sa mga manggagawa sa POGO na ang minimum na kita ay nasa P600,000 kada taon. Ayon kay Salceda, hamak na mas maganda ang POGO tax…

Read More

INCOME SA POGO IPINALALANTAD

(NI BERNARD TAGUINOD) NAIS ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na malaman kung magkano ang totoong kinikita ng gobyerno sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) industry sa bansa. Ayon kay House committee on dangerous drug chairman Robert Ace Barbers pawang mga hula lang ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chairperson Andrea Domingo na umaabot sa P24 Billion ang buwis na nakokolekta sa POGO bukod sa P1.25 Billion na value added tax (VAT). Aabot din umano sa P12.5 Billion ang nagagatos ng mga POGO workers sa bansa at P20…

Read More

SOLON: CHINESE CRIMINALS SA PINAS KALUSIN NA

(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG paigtingin na ang lahat ng ahensya ng gobyerno ang kanilang kampanya laban sa Chinese nationals na gumagawa ng krimen sa bansa. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep Eric Yap ang panawagan lalo na sa mga law enforcement agencies matapos masakote ang walong  Chinese national na pawang POGO workers at isang Filipino driver, sa Ninoy Aquino Internatinal Airport (NAIA), matapos tangkaing kidnapin ang isa nilang kababayan. “Ito na yung sinasabi natin from the very beginning, may mga cases talaga na yung mga Chinese nationals, sila-sila mismo, involved sa…

Read More

$1K CORPORATE INCOME TAX BAWAT POGO MACHINE IHAHAIN SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA) NAKATAKDANG maghain sa susunod na Linggo si House Ways and Means Chair Joey Salceda ng panukala na magpapataw ng  $1,000 presumptive corporate income tax bawat upuan o machine na ginagamit sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ayon kay Salceda maituturing na ‘circuit breaker’ang nasabing panukala kung saan P25B ang malilikom na dagdag pondo. Nabatid na 1.5 porsiyento ang ambag sa gross domestic product ng operasyon ng POG0 sa bansa. Nakapaloob din sa panukala na isasama na ng Banko Sentral ng Pilipinas ang POGO bilang hiwalay na item…

Read More

UNANG TAX-DODGING POGO IPINASARA NG BIR

(NI JOEL O. AMONGO) IPINASARA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng kanilang Task Force POGO ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) service provider na matatagpuan sa Subic Freeport, Eastwood, Quezon City at Aseana City, Paranaque. Kabilang sa mga pinadlock kahapon ay ang mga opisina ng Great Empire Gaming and Amusement Corporation (GEGAC) sa mga nabanggit na mga lugar. Ang pagpapasara sa nasabing kompanya ay pagtupad sa direktiba mula kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez. Ang POGO service provider ay ipinasara dahil sa paglabag…

Read More

POGO INVESTIGATION GUGULONG NA SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA) NGAYONG naipasa na ng Kamara ang 2020 national budget umaasa si Manila Rep Benny Abante na mauumpisahan na ang House Inquiry in Aid of Legislation sa kontrobersiyal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo). Ayon kay Abante, una nang naghain ng House Resolution na humihiling na imbestigahan ang Pogo, una na rito ay kung nagbabayad ng tamang buwis ang mga operators gayundin ang mga empleyado at kung mayroon itong mga balidong working permits. Aminado si Abante na marami nang lugar ang nag-ooperate ng Pogo kung saan sa…

Read More

HIGIT 60-K POGO WORKERS, ILIGAL SA PINAS

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lang 63,000 ang mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Pilipinas kundi aabot umano ang mga ito sa 120,000 at higit sa kalahati ay iligal na nakapagtatrabaho sa bansa. Ito ang nagtulak kina House minority leader Benny Abante,  Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party-list Rep. Eduardo ‘Bro. Eddie’ Villanueva, Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon, at Manila 1st District Rep. Manuel Luis Lopez para hilingin sa Kongreso na imbestigahan na ang POGO operations sa bansa. Sa ilalim ng kanilang House Resolution (HR) 337,…

Read More

DOLE KAILANGAN NG TAUHAN VS POGOs

(NI KIKO CUETO) INAMIN ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kulang ang kanilang tauhan para habulin ang mga dayuhang manggagawa na sinasabing sangkot sa illegal offshore gaming tulad ng Philippine offshore gaming operators (POGO). “Right now, we only have 710 inspectors and we recently were given additional 500 labor law compliance officers,” sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa panayam sa ABS-CBN News Channel o ANC. Sinabi ni Bello na bukod sa pag-iinspeksyon sa POGOs, ang mga labor inspectors ay kailangan din na mag-monitor ng mga compliance ng 900…

Read More

PAGDAGSA PA NG CHINESE POGO WORKERS INAASAHAN

poker

(NI BERNARD TAGUINOD) LALO pang daragsa ang Chinese nationals na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gambling Operations (POGO) matapos i-ban na ng Cambodia ang offshore on-line gaming activities sa kanilang bansa. Ito ang pinangangambahan ni TUCP party-list Rep. Raymond  Mendoza, kaya iminungkahi nito na magkaroon ng POGO coordinating body kung hindi iba-ban ng gobyerno ang POGO na pinatatakbo ng Chinese nationals. Ayon kay Mendoza, nagpasya si Cambodia Prime Minister Hun Sen na tuluyang ipagbawal ang online gambling operations ng Chinese nationals sa kanilang bansa. Kasunod ito aniya ng paglala ng kriminalidad sa kanilang…

Read More