POGO INVESTIGATION GUGULONG NA SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA)

NGAYONG naipasa na ng Kamara ang 2020 national budget umaasa si Manila Rep Benny Abante na mauumpisahan na ang House Inquiry in Aid of Legislation sa kontrobersiyal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo).

Ayon kay Abante, una nang naghain ng House Resolution na humihiling na imbestigahan ang Pogo, una na rito ay kung nagbabayad ng tamang buwis ang mga operators gayundin ang mga empleyado at kung mayroon itong mga balidong working permits.

Aminado si Abante na marami nang lugar ang nag-ooperate ng Pogo kung saan sa Metro Manila ay mayroon nang 51 hubs habang mula 63,000 ay umabot na sa 120,000 ang mga Tsinong nagtatrabaho rito.

Wala man umanong Pinoy players ang Pogo ang nakakapangamba ay nagiging gambling hub na ang Pilipinas at tiyak na kung sugal ay may korupsyon.

Naniniwala si Abante na sa oras na masimulan ang imbestigasyon ay mas marami pang iregularidad sa Pogo operations ang malalantad.

Samantala, nais din ng mambabatas na mabawsan ang kapangyarihan ng Pagcor pagdating sa online gambling dahil na rin sa madali itong nagbibigay ng permit nang walang malinaw na criteria.

Una nang sinabi ni Pagcor chair Andrea Domingo na nasa P4B ang kinita ng pamahalaan ngayong taon dahil sa Pogo.

 

 

136

Related posts

Leave a Comment