Ano ang pagkakaiba ng mga colored plastic bag at supot kaysa plastik labo na karaniwang ginagamit natin bilang pambalot ng pagkain, paninda at iba pang paggagamitan nito. Ang katanungang ito ay nabuo sa isip natin dala na rin sa nakikita nating mga nagkalat at naglilipanang gamit ng mga plastik labo sa mga basurahan, lansangan, sa daluyan ng mga tubig at sa kung saan-saan na nadadaanan natin na dati ang nakikita natin ay may iba’t ibang kulay na plastik. Kung matatandaan na taong 2012 kauna-unahang nagpasa ng ordinansa ang Muntinlupa City…
Read MoreTag: POINT OF VIEW
RAPE-SLAY SA MGA KABATAANG BABAE
Nakakabahala ang mga sunud-sunod na nababalita tungkol sa pang-aabuso, panggahasa at pagpatay sa mga batang mga kababaihan sa bansa. Partikular ang mga inosenteng mga batang babae mula sanggol pa lamang hanggang sa 17-anyos na nagiging biktima ng panggagahasa at rape-slay mula sa kamay ng mga walang budhi at demonyong mga suspek. Nitong mga nagdaang mga buwan hanggang nitong linggo, sunud-sunod ang ulat tungkol sa kaso ng panghahalay at pagpatay sa mga batang babae. Kung dadamhin mo lang kung ano ang tiniis na pahirap sa paslit mula sa kamay ng kanilang…
Read MorePAGKONTROL SA E-CIGARETTES, GAWING NATIONWIDE!!
Nagkaroon na ng ordinansa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para kontrolin ang paggamit ng electronic cigarette (e-cigs) o mas kilala sa tawag na vape sa lungsod na siyang ginagamit ng nakakarami bilang altenatibo sa tradisyonal na sigarilyo matapos nilang tumigil sa nasabing bisyo o yaong mga nagsisimula pa lamang magyosi dahil sa dala nitong mga sakit partikular ang cancer. Ang inilabas na City Ordinance 27-37-2018 ay nagbabawal sa vaping sa ilang lugar tulad sa mga simbahan, hospital, health centers, pampublikong sasakyan, tanggapan ng gobyerno, at mga educational, at…
Read More46 OPISYAL NA KASAMA SA NARCO-LIST, KASUHAN NA!
Marami ang nagulat, umaray, nagalit, at tumaas ang kilay sa inilabas na 46 pangalan ng politiko na kasama sa sinasabing narco-list na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa National Peace and Order Council sa Davao City nitong Marso 14, 2019. Kung may katotohanan ang nasabing listahan, na kinabibilangan ng mga nakaupong lokal na mga opisyal, gaya ng mga vice mayor, mayor at gobernador, hindi nakakapagtaka kung bakit hindi nasusugpo ang pagkalat ng mga ilegal na droga at adik sa buong bansa. Siyempre, kung ang mismong mga namumuno…
Read MoreBOTANTE MAGISING NA TAYO!
Trending ngayon ang isyu kung mahalaga ba ang katapatan o hindi para sa mga kandidato na tumatakbo sa iba’t bang posisyon sa darating May 2019 midterm elections. Lumikha ito ng iba’t ibang pananaw, opinion at reaksyon mula sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan o mula sa mga opisyal ng kasalukuyang administrasiyon at sa mga kandidato. Ang isyu ay nag-ugat sa naging pahayag ni Davao City Mayor at Hugpong ng Pagbabago coalition campaign manager Sara Duterte na ang “katapatan/honesty” ng isang kandidato ay hindi dapat isyu sa political campaign dahil…
Read MoreBAKLASAN NG ILLEGAL POSTERS
Sinimulan na ng “Task Force Baklas’ nitong Huwebes ang pagtanggal ng mga illegal campaign materials sa Metro Manila matapos ang itinakdang deadline ng Commission on Elections sa mga kandidato na tumatakbo sa national posts na baklasin ang kanilang mga ikinabit na mga ilegal na campaign materials para sa gaganaping midterm elections sa May 13, 2019. Ani Comelec spokesperson James Jimenez, isinakatuparan ang Oplan Baklas pagkatapos ng kanilang isinagawang documentation and preservation sa mga illegal campaign materials na kanilang gagamitin sa pagsasampa ng reklamo sa mga lumalabag na kandidato. Ang sinumang…
Read MoreTIYAKING MAAYOS ANG PAGPAPATUPAD NG RICE TARIFFICATION ACT
Sa inaasahang pagbaha ng imported rice sa merkado matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Act (RTA) noong Pebrero 14, 2019, sinasabi ng gobyerno na walang talo ang magsasaka rito. Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) na hindi malulugi ang mga magsasaka sa RTA dahil tutulungan silang makipagsabayan sa mga importer ng bigas. Sa ilalim ng RTA, unlimited ang pagdagsa ng bigas dahil kahit sino ay maaaring mag-angkat ng bigas basta’t magbabayad lang ng 35% porsiyentong taripa. Ang batas ay naglaan ng P10 bilyon para sa …
Read MorePAGDAMI NG ILLEGAL FOREIGN WORKERS NAKAKAALARMA NA
Hindi magandang balita para sa mga Filipino na nahihirapang makakuha ng trabaho sa bansa ang napapabalita na dumarami ang mga dayuhang illegal workers sa bansa, na karamihan mga Chinese nationals. Mas masakit ito para sa mga overseas Filipino workers na nagtitiis sa lungkot na malayo sa kani-kanilang pamilya sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa para lamang suportahan ang pangangailangan ng pamilya dahil wala silang makuhang trabaho dito, gayung marami naman pala at ang nakikinabang ay ang mga illegal foreign workers. Okey lang sana kung ang mga trabahong inookopa ay…
Read MoreCUTTING TRIP SA PITX
Halos maglilimang buwan nang ibinukas sa publiko ang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Paranaque City na inaasahang magseserbisyo para sa may 100,000 pasahero kada araw na papunta at paalis sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite. Ito ang itinuturing na kauna-unahang moderno at world class landport sa bansa. Ang PITX ay binuksan noong Setyembre 2019, na noong una ay itinuturing itong ‘bangungot’ ng mga commuters dahil sa hirap na kanilang dinaras dahil kulang sa kahandaan ang pagbubukas nito particular ang kakulangan ng mga public utilities (PUVs) na maari nilang…
Read More