DOTr, MMDA IPATATAWAG SA SENADO 

gracepoe12

(NI NOEL ABUEL) IPATATAWAG ng Senado ang Department of Transportation (DOTr) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa plano nitong pagpapasara sa terminal bus sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) at paglilipat sa labas ng Metro Manila ng mga provinical bus. Ayon kay Senador Grace Poe, kailangan na magpatawag ng pagdinig upang agad malaman ang tamang solusyon at maiwasan ang sigalot sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga commuters. “In the next two weeks. Kailangan lang nating i-submit ‘yung resolution para mapatawag,” aniya. Giit nito…

Read More

PROVINCIAL BUS BAN SA EDSA, MAPANG-API

bus66

(NI BERNARD TAGUINOD) “MAPANG-API at hindi makatarungan.” Ganito inilarawan ng dalawang mambabatas  ang plano ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na tanggalin ang mga provincial bus  terminal sa kahabaan ng Edsa. Dahil dito, inihain ni Reps. Ronnie Ong at Alfred delos Santos ang House Resolution (HR) No. 2 para iginiit sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metro Manila Council (MMC) at MMDA na abandonahin ang kanilang plano. Sinabi ng dalawang mambabatas na mga ordinaryong mamamayan na mula at galing sa…

Read More

PROV’L BUS BAWAL NA SA EDSA SA AUG. 1

partas44

(NI ROSE PULGAR) SA Agosto 1 ay tuluyan nang ipagbabawal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagpasok ng mga provincial buses sa kahabaan ng EDSA. Babawiin na ang lahat ng Certificate of Public Conveyance na magmumula sa Norte at Timog Luzon na may mga terminal sa kahabaan ng EDSA. Kasama rin sa Memorandum ang pag-amiyenda ng mga ruta ng mga city buses. Magugunitang, nauna nang ipinagbawal ng MMDA ang pagbaba ng mga pasahero sa EDSA, ngayon ay bawal na silang dumaan sa nasabing ruta. Ayon kay MMDA CZAR Bong Nebrija…

Read More

6-K PROV’L BUS PAPALITAN NG 20-K SASAKYAN?

edsa

(NI BERNARD TAGUINOD) NASA mood na si Albay Rep. Joey Salceda na ‘makipag-away’ sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na alisin ang may 6,000 provincial bus sa Edsa lalo na’t papalitan umano ito ng may 20,000 sasakyan. Si Salceda ang huling naghain ng petisyon sa Korte Suprema kung saan hiniling nito na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang mga Mahistrado dahil hindi pa inaabandona ng MMDA ang kanilang planong isara ang mga provincial bus stations sa Edsa. Tinawag ng mambabatas na napaka-anti probinsyano umano ang planong ito…

Read More

PAGSARA NG PROV’L BUS TERMINALS, TULOY! — MMDA

mmda

(NI NELSON S. BADILLA) LUMILITAW na walang pakialam ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa libu-libong pasahero ng mga provincial bus araw-araw, sapagkat itutuloy nito ang pagpapasara sa mga terminal ng 46 provincial bus terminals sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagsasara ng mga bus terminal na nakapuwesto sa EDSA ay malaking tulong upang mabawasan ang trapik sa EDSA. Sa datos ng MMDA, umaabot 8,000 yunit ang kabuuang bilang ng mga bus na byaheng lalawigan, samatalang 4,000 naman…

Read More

70 PROVINCIAL BUSES HULI SA EDSA

edsabus12

(NI ROSE PULGAR) NASA 70 ng provincial buses na ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa “no loading, no unloading policy” sa EDSA simula nang ipinatupad ito noong Lunes (Abril 22). Ito ang pahayag nitong Sabado ni MMDA Edsatraffic czar Bong Nebrija, kung saan ang mga driver ng naturang mga provincial buses ay pagmumultahin ng halagang P500. “Well, marami pa rin ang lumalabag at hindi nahuhuli dahil ang mga provincial bus drivers either baba after the enforcers or iiwas kung saan hindi sila maabot ng ating…

Read More

PROV’L BUS HUHULIHIN SA PAGSAKAY/BABA NG PASAHERO SA EDSA 

prov bus12

(NI ROSE PULGAR) SIMULA sa Lunes (Abril 22), magsisimula nang manghuli ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga provincial buses na magbababa at magsasakay ng mga commuters sa EDSA at sa major roads sa Metro Manila. “Provincial buses are not allowed to load and unload passengers along EDSA and other major roads in Metro Manila,” ani Garcia. Sa halip ay gamitin nila ang mga respective terminals para sa picking-up at  dropping-off  ng mga pasahero o kaya dapat ay point to point sila. Papatawan ng multang P500 ang mga violators nito. “It…

Read More

PLANONG PAG-ALIS NG PROV’L BUS STATION SA EDSA HINARANG  

busterminal12

(NI BERNARD TAGUINOD) NAKIALAM na ang Mababang Kapulungan sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na alisin ang mga provincial bus station sa kahabaan ng Edsa sa paniwalang hindi naman umano nakakasabal sa trapiko. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, pahirap lamang umano sa mga taga- Bicol region at Northern Luzon ang plano ng MMDA na alisin sa Edsa ang mga bus stations kaya muli niya itong hinaharang. “Provincial buses ferrying passengers and their cargos from Albay and the rest of the Bicol Region as well as those from…

Read More