SOURCE NG P74.9-M DROGANG NASABAT SA CAVITE, METRO; DRUG LORD SA BILIBID TULOY ANG NEGOSYO

UMABOT sa P74.9 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Bacoor City sa Cavite, Valenzuela City, Quezon City at Caloocan City. Sa Bacoor City, nasabat ang tinatayang P68 milyong halaga ng umano’y shabu na ibabagsak sana sa Metro Manila at sa lalawigang ito, makaraang madakip ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Panapaan, Bacoor City. Sina Reynaldo Moral Cordero at Irene Ilaya Biazon, kapwa residente ng Maricaban, Pasay City, ay natimbog bandang 6:30 ng gabi…

Read More

SUSPENSIYON NI RODERICK PAULATE PINAGTIBAY NG SANDIGAN

roderick12

PINAGTIBAY ng Sandiganbayan ang naunang ipinataw na 90-araw suspension order kay Quezon City Councilor at aktor na si Roderick Paulate. Kasabay ito ng pagtanggi sa inihaing motion for reconsideration ng kampo ni Paulate, tumatakbong vice mayor sa lungsod, na nahaharap sa mga kasong graft and falsification dahil sa pagkuha umano ng nasa 30 ghost employees sa kanyang tanggapan. Sa resolusyon na may petsang March 29, isinaad ng Seventh Division na kulang sa merito ang inihihirit na mosyon ng 59-year-old celebrity politician. Una nang iginiit ni Paulate na ang pagsuspinde sa kanya…

Read More

90% NG MANILA WATER CONSUMERS MAY TUBIG NA

water

SA kabila ng pagkakabalik ng tubig sa halos 90% consumer sa east zone ng Metro Manila, sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi pa rin tapos ang krisis sa tubig ng Manila Water. Gayong naibalik na ang supply ng tubig, nanatiling hamon pa rin ang kawalan ng supply sa ilang bahagi ng Mandaluyong at Quezon City. Ilang linggong nawalan ng tubig sa east zone dahilan para mairita ang mga consumer ng Manila Water sa perhuwisyong dulot nito. Maging ang mga negosyo ay nalugi habang ang ilan at…

Read More

2 PULIS NAG-IINUMAN SA CANTEEN IIMBESTIGAHAN

police500

(NI JG TUMBADO) IIMBESTIGAHAN na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang miyembro nitong nahuli sa aktong nag-iinuman sa pampublikong lugar sa Quezon City, Lunes ng gabi. Ayon kay Sr. Supt. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, maaaring mapanagot sa kasong administratibo at iimbestigahan ng PNP Internal Affairs Service sina SPO1 Franklin Nariz at PO3 Tristan Callao. Si Nariz ay nakatalaga sa PNP Maritime Group habang si Callao naman ay naka-assign sa Headquarters Support Service ng Kampo Crame. Diin ni Banac, mahigpit nang ipinagbabawal sa mga pulis na uminom ng alak…

Read More

SINLAKI NG MANILA, QC TATABUNAN SA MANILA BAY

manila 14

(NI BERNARD TAGUINOD) KASING-LAKI ng pinagsamang land area ng Lungsod ng Maynila at Quezon City ang tatabunan sa Manila Bay kapag natuloy ang 22 reclamation projects sa nasabing karagatan. Gayunman, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na walang pakinabang ang mga mahihirap sa reclamation projects na ito bagkus ay mabibiktima ang mga ito lalo na ang mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad malapit sa Manila Bay. “Imagine, the area to be reclaimed in as huge as the entire Quezon City and Manila combined. And this is not to…

Read More

MODELS, EVENT ORGANIZER HULI SA P800K SHABU

BARS

DALAWANG part-time models at isang event organizer na sinasabing drug supplier ang nahulihan ng mahigit sa P800,000 halaga ng shabu sa isang condominium sa Tomas Morato, Quezon City. Nakuha sa mga suspect na sina sina Billy Joe Kakilala at Ronnie Toribio, at ang event organizer na si Abby Forteza Oba ang ecstasy tablets at liquid, shabu at cocaine gayundin ang drug paraphernalia sa buy bust operation ng PDEA. Sinabi ng PDEA na supplier ang tatlo sa mga kilalang bar sa Quezon City at sa Bonifacio Global City kung saan mga…

Read More

BUMAHA NG LUHA; BELTRAN INILIBING NA

beltran9

(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY EDD CASTRO) BUMAHA ng luha ang paghahatid ng pamilya at mga taga supporter sa labi ng pinaslang na si Bagong Silangan Chairwoman Crisell ‘Beng’ Beltran sa huling hantungan nito kahapon sa Forest Lawn Cemetery, Rodriguez Rizal. Libu-libong mga tagasuporta ang siyang nakipaglibing na pawang nakasuot ng puti tshirt na may nakasulat na ‘Justice for Beng Beltran’. Karamihan naman sa mga residente ng Bagong Silang ay naglabasan sa kanilang bahay upang sa huling pagkakataon ay kanilang makita ang kanilang inidolo at minahal na kanilang kapitana. Paniwala…

Read More

MASTERMIND TUTUKUYIN SA BELTRAN SLAY

beltran

INILANTAD na Linggo ng umaga ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na suspect at limang kasabwat sa pagpaslang kay barangay chairwoman at 2nd district congressional candidate Crisell ‘Beng’ Beltran. Sina Teofilo Formanes, 48, ang magkapatid na sina Ruel Juab, 38, Orlando Juab, 32, at Joppy Juab, 28, ay iniharap ni QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. sa isang press conference. Dalawa pang suspect ang hinahanap na kinilalang sina Warren Juan at Dutchboy Bello. Lima pang kasabwat ang inaresto dahil sa illegal possession of firearms. Patuloy pa rin…

Read More

4 KILLERS NI QC CONGRESSIONAL BET BELTRAN HULI

kapitan

(PHOTO BY ARTURO SON) ARESTADO ng awtoridad ang apat na suspect na umano’y nasa likod ng pagpaslang kay barangay chair Crisell ‘Beng’ Beltran na pambato rin sa 2nd district ng Quezon City para sa Kongreso sa May 13 midterm elections. Maliban sa apat, lima pang hinihinalaang kasabwat ng mga ito ang inaresto sa illegal possession of firearms. Hindi pa ibinubunyag ng Quezon City Police Department ang iba pang detalye dahil ihaharap ang mga ito sa media sa Camp Karingal ng alas-11 ng tanghali. Si Beltran, kasama ang kanyang grupo ay…

Read More