BAGYONG RAMON PA-EXIT NA, BAGYONG SARAH NASA PAR

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA) SA loob ng 24-oras ay dalawang bagyo ang patuloy na magpapaulan sa Northern Luzon matapos pumasok na rin ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagong bagyong Sarah. Sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA), humina na ang bagyong Ramon matapos itong maglandfall sa Cagayan. Huling namataan ang Bagyong Ramon  sa may Roxas, Isabela, taglay ang hangin na 55 kph at pagbugso na 90 kph at  kumikilos sa bilis na 20 kph. Mas hihina pa ang bagyong Ramon at  posibleng maging isang Low Pressure…

Read More

‘RAMON’ NAKAPAGTALA NG SIGNAL NO 3 SA ILANG LALAWIGAN

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA) ISINAILALIM na sa signal no 3 ang Northern Portion ng Cagayan dahil sa inaasahang paglandfall ng bagyong ‘Ramon’. Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 Northern portion ng Cagayan, Signal no.2 naman sa Batanes, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur at  nakataas ang signal no 1 sa Mountain Province, Benguet, Ifugao La Union, at  Pangasinan. Ang bagyo ay huling namataan sa Calayan, Cagayan, taglay ang 120 kph na lakas ng hangin at bugso na 75kph. Martes ng gabi ito inaasahang tatama sa Babuyan…

Read More

ILANG LALAWIGAN SIGNAL NO. 2 KAY ‘RAMON’

ulan55

(NI ABBY MENDOZA) KASUNOD ng inaasahang landfall ng bagyong Ramon, ilang lugar ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 2 ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa, napanatili ng bagyong Ramon ang lakas nito. Itinaas na ang Storm Signal No 2 sa Cagayan, Northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga at Northern portion ng Ilocos Norte. Ayon sa PAGASA ang mga nasa signal No 2 ay makakaranas ng lakas ng hangin na aabot sa 61kph hanggang 120kph sa loob ng 24 oras. Nasa Signal No 1 naman…

Read More

BAGYONG ‘RAMON’ BUMAGAL; 1 PA NAKAABANG

(NI JEDI PIA REYES) NAPANATILI ng bagyong Ramon ang lakas nito habang mabagal na kumikilos patungong Cagayan area. Batay sa huling severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga tatama sa kalupaan ang bagyo sa dulong bahagi ng Cagayan province. Inaasahang babayuhin ng bagyong Ramon ang Northern Luzon sa Martes bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkoles. Ibinabala ng PAGASA ang mga pag-ulan simula sa Linggo hanggang Lunes. Huling namataan ang mata ng bagyo…

Read More

LIBU-LIBONG PASAHERO STRANDED KAY ‘RAMON’

BAGYONG USMAN-2

(NI DAHLIA S. ANIN) UMAABOT na sa mahigit 3,000 pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Bicol region dahil sa Bagyong ‘Ramon’. Sa pagtatala ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa 3, 406 pasahero stranded sa Albay, (Tabaco Port-325, Pio Duran Port-153), Camarines Sur (Pasacao Port-30), Catanduanes (Virac Port-6, San Andres Port-1), Sorsogon (Bulan Port-16, Matnog Port-1237, Pilar Port-68), Northern Samar at Western Samar (Dapdap Port-143, Port of Balwarteco-704, Port of San Isidro-77, Port of Sta. Clara-646). Suspendido rin ang operasyon ng mga rolling cargo vessels at motorbanca dahil sa…

Read More

7 LALAWIGAN NASA SIGNAL NO 1; ‘RAMON’ LUMAKAS PA

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA) MAS lumakas pa ang bagyong Ramon na isa nang tropical storm kung saan pitong  lalawigan ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 1. Nasa ilalim ng tropical storm warning signal No 1 ang Eastern Samar, Northern Samar, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon. Ang bagyo ay huling namataan sa Catarman Northern Samar, taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/h at bugso na 70kph. Asahan umano na magiging maulan sa nasabing lugar kaya ibinabala ng PAGASA na maaaring magkaroon ng landslides at pagbaha.…

Read More

SA LOOB NG 48-ORAS, ‘RAMON’ LALAKAS PA

rain

(NI ABBY MENDOZA) TULUYAN nang naging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa Virac, Catanduanes at pinangalanan itong bagyong  Ramon, ang ika 18 bagyo na pumasok sa bansa. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo ay huling namataan 835km Silangan ng Virac, Catanduanes at 685 km Silangan ng Borongan City sa Eastern Samar. Kumikilos ito sa bilis na 10kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 77kph. Lalakas at magiging tropical storm ang bagyo sa loob ng 48-oras kung saan unang isasailalim…

Read More