(BERNARD TAGUINOD) NAKAAMBA na ang “job massacre” sa may 1,792 empleyado ng National Food Authority (NFA) matapos aprubahan ng Governance Commission for Government-Owned or Controlled Corporation (GCG) ang restruktura sa nasabing ahensya. Ito ang nabatid sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), halos isang taon pagkatapos maging batas ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Liberalization Law (RLL) na mas kilala sa Rice Tariffication Law. Ang ‘restructuring” sa NFA ay bahagi ng implementasyon ng nasabing batas na naipasa noong Pebrero 2019 kung saan babawasan na umano ang bilang ng…
Read MoreTag: rice tariff law
P7K BAWAT MAGSASAKANG APEKTADO NG RICE TARIFF LAW ISINUSULONG
(NI BERNARD TAGUINOD) BIBIGYAN ng tig-P7,000 ang mga bawat magsasaka na naapektuhan sa Rice Tariffication and Liberalization Law upang matulungan ang mga itong bumangon matapos malugi sa kanilang ani. Ito ang nakapaloob sa P8.4 Billion supplemental budget na isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ng House Bill 5669 o Conditional Cash Transfer for Farmers na iniakda ni Albay Rep. Joey Salceda. Base sa nasabing panukala, kukunin ang pondo sa isinauli ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa National Treasury na hindi nila nagamit sa mga nagdaang mga panahon…
Read MoreVILLAR BIG WINNER SA PAGMASAKER SA MAGSASAKA
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong panalo sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law, ito ay walang iba kundi si Senate Agriculture committee chairperson Senador Cynthia Villar na siyang sponsor sa nasabing batas. Ito ang alegasyon ng mga magsasaka na sumugod sa Batasan Pambansa nitong Lunes upang hilingin sa mga kongresista na ibasura na ang nasabing batas dahil minasaker nito ang mga local na magsasaka. “The biggest winner of the law’s implementation is Senator Cynthia Villar, the sponsor of the law and the chair of the Senate Committee on…
Read MoreP20-B AYUDA SA NALULUGING FARMERS INIHIRIT
(NI ESTONG REYES) HINILING ni Senador Francis Pangilinan na kaagad magpalabas ng P20 bilyon upang ayudahan ang naluluging magsasaka sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law. Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na lubhang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka sa pagdagsa ng imported rice kaya dapat ayudahan sila ng pamahalaan. “Filipino farmers hurting from the deluge of imported rice should immediately get P20 billion emergency cash assistance from collected tariffs and unprogrammed funds under the Rice Tariffication Act, ayon kay Pangilinan. Sinabi ni Pangilinan na kailangan nang ipalabas ang cash relief…
Read MoreSRP SA BIGAS ITATAKDA NG DTI
(NI ROSE PULGAR) MAGTATAKDA na ng Suggested Retail Price (SRP) ang Department of Trade and Industry (DTI) sa bigas bago magtapos ang buwan ng Hulyo. Dahil dito, inaasahan na bababa pa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan. Layon ng rice tariffication law na nais na gawing mas abot-kaya ng mga consumers ang presyo ng bigas. Ayon naman sa Department of Agriculture (DA) P25.00 lang ang bili ng mga importer sa imported na bigas. Ang problema lang ay nakakaapekto rin ito sa kabuhayan, ng mga magsasaka. Sa huling ulat bumaba…
Read MoreP10-B AYUDA SA FARMERS BARYA LANG
(NI BERNARD TAGUINOD) MUMO lang ang P10 Billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na inilaan para bigyan ng ayuda ang mga magsasaka sa ilalim ng Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Act. Ganito minaliit ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang nasabing halaga dahil wala pang 10% aniya ito sa subsidy na ibinibigay ng Thailand sa kanilang mga magsasaka ng palay. Ayon kay Casilao, noong 2017 ay umaabot sa $2.2 bilyon o P110 bilyon ang subsidy ng Thailand sa kanilang magsasaka kaya mumo lang umano ang P10 bilyon na…
Read MorePAGBUWAG SA NFA MALABO
(NI LILIBETH JULIAN) NAPAWI ang takot ng mga opisyal at empleado ng National Food Authority (NFA) sa pangambang mabubuwag ang ahensya kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tarrification Bill na katatapos lamang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo. Ito ay matapos makita ang nakasaad sa Section 8 ng bagong batas na mananatili pa rin ang NFA dahil inaatasan ang ahensya na panatilihin ang sapat na buffer stock ng bansa at dapat na kukunin lamang ito sa mga lokal na magsasaka. “The NFA shall, in accordance with the rules, regulations…
Read MoreP10-B PONDO SA FARMERS NA APEKTADO NG RTA
(NI BETH JULIAN/PHOTO BY RAFAEL TABOY) TINIYAK ng Malacanang na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga magsasaka kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tariffication Act dahil sa inilaang P10 bilyon pondo kada taon para sa maaapetuhan nito. Ito ang nakapaloob sa nilagdaang batas kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisilbing benchmark kung anuman ang magiging epekto sa mga magsasaka na dulot ng RTA. Sa ilalim ng Section 13, anim na taon ang itatagal na pahintulot para sa paglikha ng Rice Competitiveness Enhancement Fund na paglalaanan ng P10 billion annual budget. At…
Read MorePANGAKO SA RICE TARIFF GASGAS NA
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY) NAIPANGAKO na sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law at maging sa Oil Deregulation Law ang magandang pangako ng gobyerno sa Rice Tariffication Law na makakatulong ito sa mamamayan subalit kabaliktaran ang nangyari. Ito ikinakabahala ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Act kung saan pinapangakuan ang mga magsasaka na gaganda ang kanilang buhay. Sa ilalim ng nasabing batas, maglalaan ang gobyerno ng P10 bilyon na inisyal na pondo para bigyan ng ayuda ang mga…
Read More