2020 BUDGET RARATIPIKAHAN NA SA KAMARA SA LUNES – SALCEDA

(NI ABBY MENDOZA) KINUMPIRMA ni House Committee on Ways and Means at Albay Rep. Joey Salceda na raratipakahan na ng Kamara sa Lunes, Disyembre 9, ang bicameral conference committee version ng 2020 P4.1-trillion national budget bill. Ayon kay Salceda, ang mga hindi napagkasunduang probisyon sa budget ay kanila nang napagkasunduan kaya wala nang hadlang na maipasa ang budget. “By Monday we will be signing. All significant differences have essentially been reconciled”pahayag ni Salceda. Aniya, naresolba ang mga isyu sa pagitan ng bersyon ng Senado at Kamara sa pamamagitan ng pagsilip nilang…

Read More

CUSTOMS  PINAGPAPALIWANAG SA MABABANG KOLEKSYON NG BUWIS

customs

(NI ABBY MENDOZA) DISMAYADO si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa mababang koleksyon ng Bureau of Customs(BoC) sa nakalipas na 10 buwan na umabot lamang sa P535 bilyon kumpara sa target na P571 bilyon. Ayon kay Salceda, dapat habulin ng BoC ang P35.7B na kulang sa revenue collection. Mayroon pa umano silang nalalabing isang buwan para makuha ang target na koleksyon. Partikular na pinatututukan ng mambabatas ang smuggling at ang pagbabantay sa mga excisable products o mga produktonbg binubuwisan pagpasok ng bansa. Pinababantayan din ni Salceda ang…

Read More

E-POWER ITSAPWERA NA; PROYEKTO NI DU30 TUTUTUKAN

duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na itutuloy ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang flagship projects ng kanyang administrasyon. “Message sent, message received,” ani House committee on ways and means chair Joey Salceda sa ambush interview ukol sa pahayag ni Duterte na hindi niya tatanggapin ang e-power. Nangangahulugan na inaabandona na ng Kamara ang nasabing panukala subalit bubuo umano ang mga ito ng oversight committee upang tutukan ang mga proyekto ng gobyerno. “Nakausap ko na ang Speaker, magtatatag tayo…

Read More

EMERGENCY POWERS SA BUILD,BUILD,BUILD NAIS IBIGAY KAY DU30

duterte12

(NI ABBY MENDOZA) ISANG panukala na naglalayong mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang Build, Build, Build program ang ihahain sa Kamara ni Albay Rep. Joey Salceda. Ayon kay Salceda, makatutulong ang pagkakaroon ng special powers para mapabilis ang pagpapatupad ng mga infrastracture projects ng administrasyon. “The emergency powers will allow the President to remove roadblocks to projects, such as right of way issues”pahayag ni Salceda kung saan aminado ito na nababagalan sya sa implementasyon ng Build Build Build gayunpaman maaga pa bago masabi kung papalpak…

Read More

PAGBUO NG SMALL COMMITTEE 2020 BUDGET IDINEPENSA

(NI ABBY MENDOZA) IPINAGTANGGOL ni Albay Rep. Joey Salceda ang desisyon ng House Plenary sa pagbuo ng small committee para salain ang mga ipapasok na institutional at individual amendments sa 2020 General Appropriations Bill. Ayon kay Salceda, hindi na dapat bigyang kulay pa ang nasabing hakbang dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na ginawa ang ganitong sistema kundi noon pang 18th Congress, aniya,  desisyon ito ng plenaryo para maging praktikal ang pagsusumite ng amendments ng mga kongresista lalo at hindi naman maaaring silang lahat na 299 miyembro ng House of…

Read More

BAWAL CELLPHONE SA SCHOOL, ISINUSULONG SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na maaring gumamit ng cellphone ang mga estudyante kapag nasa loob ang mga ito ng kanilang eskuwelahan. Ito ay kung maging batas ang panukalang inihain ni Albay Rep. Joey Salceda na magbabawal sa mga estudyante na gumamit ng cellphone. Ayon kay Salceda bagama’t may magagandang dulot ang makabagong teknolohiya, nagiging abala naman ito sa pag-aaral ng mga estudyante. “Much like any other technological device, the use of mobile phones is Janus faced. With its many advantages, these smart devices can also cause distraction and disruption to…

Read More

LIBRENG STAMP TAX OK SA KAMARA

doctax44

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na kailangang gumastos ang publiko para sa documentary stamp tax sa ilang dokumentong kailangan ng mga ito sa nalalapit na panahon matapos aprubahan ng House committee on ways and means ang nasabing panukala. Sa pagdinig ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda sa mga tax reform measures nitong Martes, inaprubahan ng komite ang mosyon ni Baguio City Rep. Mark Go na ilibre na sa DST ang ilang dokumento. Kabilang sa mga malilibre sa DST ang diploma para sa may…

Read More

LIBRENG TAX SA PCSO MAPUPURNADA

pcso12

(NI BERNARD TAGUINOD) MAPUPURNADA ang kahilingan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na malilibre sa buwis matapos kontrahin ito ng chair ng House committee on ways and means. “The answer is no,” ani Albay Rep. Joey Salceda, chair ng nasabing komite na ang trabaho ay maghanap ng perang gagastusin ng gobyerno sa mga programa at imprastraktura. Ginawa ni Salceda ang pahayag matapos imungkahi ni Albay Rep. Edcel Lagman na ilibre sa buwis ang PCSO at ang matitipid ay ilaan sa charity upang mas marami pang matulungang mahihirap na pasyente na…

Read More

PINOY LUGI SA TRAIN 2 BILL– SOLON

tax55

(NI BERNARD TAGUINOD) LUGI ang lahat ng Filipino sa ikalawang bahagi ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) dahil habang patuloy na binubuwisan ang mga ito ay bibigyan naman ng tax cuts ang mga malalaking kompanya at negosyante. Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa press conference kaugnay ng nasabing panukala na isa sa mga nakalinyang prayoridad ng Kongreso na maipasa sa lalong madaling panahon. Ang TRAIN 2 ay tinawag na TRABAHO o Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities subalit ayon kay House ways and…

Read More