AURORA GOVERNOR SUSPENDIDO SA GRAFT

sandigan

(NI JEDI PIA REYES) SIYAMNAPUNG araw na ipinasususpinde ng Sandiganbayan si Aurora Governor Gerardo Noveras dahil sa kasong graft. Sa ipinalabas na resolusyon ng 6th Division ng anti-graft court, inaatasan si Noveras gayundin ang kanyang provincial legal officer na si Paz Torregosa na agad tumigil sa pagganap ng kanilang tungkulin sa oras na ipatupad ang preventive suspension. Awtomatiko namang babawiin ang suspensyon kapag natapos na ang 90-araw. Nag-ugat ang kaso nang kuwestyunin ang umano’y iregularidad sa kontrata ng pagpapakumpuni ng Dimalang Bridge Approach ng Casiguran-Dilasag Road. Sinasabing pinaboran nina Noveras, Torregosa,…

Read More

P200-B FORFEITURE CASE IBINASURA NG SANDIGAN VS PAMILYA MARCOS

(NI ABBY MENDOZA) PANIBAGONG forfeiture case na nasa P200-bilyon laban sa pamilya Marcos at crony nito ang ibinasura ng Sandiganbayan dahil sa kawalan ng ebidensya. Ito na ang ikaapat na civil case  laban sa mga Marcoses na ibinasura ng graft court ngayong taon. Matatandaan na 3 pang forfeiture case ang naipanalo ng mga Marcoses dahil din sa kawalan ng ebidensya kabilang dito ang P102B  noong Agosto,  P1-billion noong September  at P267.371M noong October 14, 2019. Sa 58 pahinang desisyon ng Sandiganbayan sinabi nito na ang pagbasura sa kaso ay dahil…

Read More

EX-MAYOR SA FERTILIZER SCAM KULONG SA GRAFT

BATAS-1

(NI ANNIE PINEDA) NAHATULAN ng pagkakakulong ng Sandiganbayan ang dating alkalde sa kasong graft na may kinalaman sa fertilizer scam. Sa desisyon ng Sandiganbayan 3rd Division na nilagdaan nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Bernelito Fernandez, napatunayan guilty sa kasong graft si dating Butuan City Mayor Leonides Theresa Plaza kasama ang pitong iba pang opisyal ng nasabing lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod. Ang pito ay kinilalang sina Salvador Satorre, Adulfo Llagas, Arthur Castro, Rodolfo Evanoso, Bebiano Calo, Danilo Furia, at Melita Galbo. Nag-ugat ang nasabing kaso taon…

Read More

MASBATE EX-MAYOR HINATULAN NG 20 TAONG PAGKAKAKULONG 

(NI ABBY MENDOZA) DAHIL sa kabiguan na i-liquidate ang P26.5M cash advances, pinatawan ng 20 taong pagkakakulong ng Sandiganbayan Seventh Division ang dating alkalde ng Masbate matapos mapatunayang guilty sa kasong malversation of public funds. Si Milagros Masbate Mayor Bernardito Abado ay hinatulang guilty at pinatawan ng parusang  pagkakakulong ng 12 hanggang 20 taon, bukod dito  ay diskuwalipikado na din si Abapo na makapagtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno at inatasan ito ibalik sa gobyerno ang nasabing halaga. Binigyang bigat ng Sandiganbayan sa pagdedesisyon sa kaso ang kabiguan ni Abapo…

Read More

‘DI SA AKIN NAPUNTA ANG P25-M — PADACA

(NI KIKO CUETO) INAMIN ni dating Isabela governor Grace Padaca na na-shock siya sa naging desisyon ng anti-graft court kaugnay sa umano’y ‘misuse’ ng P25 million na agricultural funds na inihaing kaso laban sa kanya. “Sa akin ba napunta ang P25 million, hindi sa magsasaka? Ibinigay na po namin ang mga ebidensiya, ganyan pa rin ang nangyari that’s why I did not even know what to say, what to think, what to feel,” sinabi ni Padaca sa panayam sa DZMM. Nitong Biyernes, hinatulan ng Sandiganbayan 3rd Division si Padaca ng…

Read More

LEYTE MAYOR KINASUHAN SA INISYUNG PERMIT SA SABUNGAN

sandigan

(NI ABBY MENDOZA) DAHIL sa paggamit sa kanyang posisyon, kinasuhan sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman ang dating alkalde ng Babatngon, Leyte matapos bigyan ng permit ang isang sabungan nang walang isinumiteng kumpletong requirements. Si dating Babatngon Mayor Charita Chan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa Presidential Decree No. 1802 (Creating the Gamefowl Commission) at paglabag sa isang local cockfighting ordinance. Ayon kay Ombudsman Samuel Martires malinaw na ginamit ni Chan ang kanyang posisyon para pagbigyan ang isang negosyante. Nabatid na noong 2009…

Read More

9 EURO GENERALS LUSOT SA GRAFT

sandigan

(NI ABBY MENDOZA) PINAWALANG sala ng Sandiganbayan ang siyam na general ng Philippine National Police(PNP) na una nang kinasuhan ng graft at technical malversation dahil sa paggamit ng P10 milyon confidential fund bilang kanilang travel at contingency fund nang dumalo sa isang Interpol Assembly sa Russia noong 2008. Sa 55-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division sinabi nito na nabigo ang prosekusyon na patunayan beyond reasonable doubt ang kasong isinampa laban kina dating PNP Comprotller Police Major General Eliseo Decena Dela Paz, at mga generals na sina Tomas Rentoy III,  Ismael…

Read More

EX-MAYOR KULONG NG 104 TAON SA GRAFT

sandigan

(NI ANNIE PINEDA) HINATULAN ng Sandiganbayan ng higit sa 104 na taon pagkakakulong ang dating alkalde dahil sa mga kasong graft at malversation. Sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division, guilty si dating Ilocos Sur Sta. Catalina mayor Carlos Asuncion sa 8-bilang ng kasong graft at 4 na bilang ng kasong malversation of public funds. Nag-ugat ang nasabing kaso nang magdonate umano ng P400,000 si Asuncion sa isang non-government organization na kinuha nito sa tobacco excise tax collection ng nasabing bayan. Dahil dito, pinatawan ng 6 hanggang 10 taon na pagkakabilanggo…

Read More

PULIS, SUNDALO SA MORONG 43, ABSWELTO

morong43

(NI ABBY MENDOZA) IBINASURA  ng Sandiganbayan 7th Division ang kaso laban sa mga opisyal ng militar at pulisya na kinalaman sa kaso ng  Morong 43 noong 2010. Sa  desisyon ng graft court, kinatigan nito ang demurrer to evidence na inihain ng mga akusado. Ayon sa Sandiganbayan, walang sapat na ebidensya na magsasabing guilty beyond reasonable doubt ang mga akusado. Ang mga opisyal na una nang kinasuhan ng paglabag sa  Republic Act 7437 o Rights of Persons Arrested, Detained or Under Custodial Investigation ay sina  Lt. Gen. Jorge Segovia, retired Maj. Gen. Aurelio…

Read More