(NI BERNARD TAGUINOD) IPINABUBUHAY ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang school-based sports program bilang paraan upang maiiwas ang mga kabataan sa ilegal na droga. Bukod dito, sinabi ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na kailangang ibalik na ang sports program na ito, hindi lamang sa public schools kundi maging sa pribadong paaralan dahil pangalawa na ang Pilipinas na ang mga kabataan ay kulang na kulang sa pisikal na aktibidad. “There’s no question highly dynamic school-based individual and team sports will keep many of our children away from…
Read MoreTag: schools
P1.6-B KAILANGAN NG DEPED SA NAWASAK NA SCHOOLS
(NI KEVIN COLLANTES) AABOT sa mahigit P1.6 bilyon ang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) para sa gagawin nilang pagpapalit ng daan-daang silid-aralan na napinsala ng serye ng malalakas na paglindol sa Mindanao nitong Oktubre. Ayon kay DepEd Undersecretary at spokesperson Nepomuceno Malaluan, may 500 silid-aralan ang winasak ng tatlong malalakas na lindol na yumanig sa rehiyon noong Oktubre, habang may 700 classrooms pa ang matindi namang napinsala. Sinabi ng opisyal na inaasahan na rin nilang madaragdagan pa ang naturang halaga ng pinsala dahil sa nagpapatuloy pa ang isinasagawa nilang…
Read MorePAGPAPASARA SA 55 SCHOOL SA DAVAO, PINAGTIBAY NG DEPED
(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY–Pinagtibay ngayon ng Department of Education (DepEd)-11 na may sapat na basehan ang pagpapasara sa 55 mga paaralan sa Salugpungan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. (STTICLCI), na nag-operate sa mga malalayong lugar sa lungsod at sa ibang rehiyon ng Mindanao. Unang sinabi ni Jenielito Dodong Atillo, tagapagsalita ng DepEd-11, na kasali sa mga naging rason ang imbestigasyon kung saan napag-alaman na nagsumbong ang ilan sa mga mag-aaral na naging guro nila ang isang full time member ng New People’s Army (NPA). Ayon kay Atillo, ilan sa…
Read MoreANTI-CORRUPTION ITUTURO SA MGA SCHOOL
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL wala pa ring nangyayari sa kampanya laban sa katiwalian kahit ilang dekada na itong nilalabanan, iminungkahi ng dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ituro na sa mga bata ang anti-corruption. Ito ang nakasaad sa House Bill 581 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Information and Education Act,” na iniakda nina House deputy speaker Bro. Eddie Villanueva at Rep. Domingo Rivera ng CIBAC party-list. “While many have tried to eradicate corruption by furthering the stringency of laws on governance and intensifying punishment, no significant improvement has been…
Read MoreMEDIA, SCHOOL SA PINAS POSIBLENG BILHIN NG CHINA
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong bilhin ng China ang mga media outfit at maging ang mga educational insitutions o ang mga eskuwelahan sa Pilipinas kapag tuluyang naamyendahan ang 1987 Constitution. Ito ang ibinabala ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate kaugnay ng House Concurrent Resolution (HCR) 1 na inakda ni House committee on constitutional amendments chair Rufus Rodriguez. “While the 1987 Constitution allows only Filipinos to own mass media in the Philippines, Chapter C Paragraph (7) of HCR 1 grants Congress the power to pass a law that will allow…
Read MoreVOTER’S REGISTRATION GAGAWIN SA MALLS, SCHOOLS
(NI HARVEY PEREZ) MAGSASAGAWA ang Commission on Elections (Comelec) ng voters’ registration sa mga paaralan at malls upang maabot ang mga bagong botante. Nabatid na ang dalawang buwan na voters’ registration ay magsisimula sa Agosto 1 hanggang Setyembre 30 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Nabatid sa Twitter account ng Comelec na magkakaroon din ng satellite registration sa loob ng mga pribadong establisimyento at educational institutions para mahikayat ang mas maraming tao na magparehistro. “Comelec will be using satellite registration venues like malls and schools to ensure that…
Read More