(NI VT ROMANO) SA halip na makilahok sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games, minabuti ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na mag-ensayo na lamang ang koponan. Ang kakulangan sa ensayo ang dahilan ni Cone sa paghingi ng permiso na huwag nang dumalo sa opening ceremonies sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Binubuo ng PBA players ang Philippine men’s basketball team, na nabawasan pa ng isang miyembro matapos magtamo ng back injury si Roger Pogoy. “All the athletes in the games have had a year or more to…
Read MoreTag: sea games
SUSPENSIYON NG KLASE SA SEA GAMES KINONTRA NI DU30
TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan sa gobyerno na suspendihin ang klase sa Metro Manila at kalapit na lugar sa isinasagawang 30th Southeast Asian Games. Sinabi ni Duterte na masyadong mahaba kung sususpendihin ang klase mula November 30 hanggang sa December 11. Una nang inirekomenda ng Department of Education, Department of Interior and Local Government at Metropolitan Manila Development Authority na suspendihin ang klase para makaiwas sa pagsisikip ng trapiko. “Kung ako ang estudyante niyan, palakpak lang ako nang palakpak. Kung gusto niya Olympic na lang araw-araw. I do…
Read MoreSOLON: LIBRE NANG MANOOD NG SEA GAMES
(NI NOEL ABUEL) “LIBRE na mga Pinoy na gustong manood ng mga laro sa nagpapatuloy na 30th South East Asian Games.” Ito ang kinumpirma ni Senate Committee on Sports chair Senator Christopher Bong Go matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahalaga na mas maraming Filipino ang manood ng laban ng mga Pinoy athletes. Gayunpaman, nilinaw ni Go na base sa pag-uusap nila ni PHISGOC chairman Alan Peter Cayetano, maaaring buksan sa publiko nang libre ang panonood ng mga laro maliban sa basketball, volleyball at football dahil sold out na…
Read MorePERA BUMUBUHOS PARA SIRAIN ANG SEA GAMES — CAYETANO
(NI BERNARD TAGUINOD) IBINUNYAG ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bumubuhos ang pera sa ilang miyembro ng ‘media’ para siraan siya ilang linggo bago idaos ang SEA Games. “It was only four or five websites na nagtapon ng mga fake news paulit-ulit. So anong tawag mo do’n? Even ilan sa mga media, umamin na sa amin na may umaagos na pera para siraan ‘yung SEA Games,” ani Cayetano subalit ang mga nagsumbong aniya sa kanya ay hindi tumatanggap. Hindi pinangalanan ni Cayetano ang mga websites subalit maaari umano nilang…
Read MoreTAGUMPAY NG MGA UTAK TALANGKANG PILIPINO
Wala nang isang linggo noong mga nakaraang ilang araw, may pumutok na namang kontrobersiya tungkol naman sa pagdating ng ilang pambansang delegasyong kalahok sa darating na Southest Asian Games na magsisumula na bukas sa mala-higanteng Philippine Arena sa bayan ng Bocaue sa lalawigan ng Buacan Ito ay matapos ibulgar in Sen, Franklin Drilon ang umano’s anomalya sa pagkakagawa ng Cauldron na nagkakahalaga ng P55 bilyon. Natural na pinag-piyestahan na naman ng media ang umano’y walang matuluyan ang ilang delegasyon, kabilang ang Cambodia, Thailand, Myanmar at iba pa dahilan para matulog…
Read More130 BUSES BINIGYAN NG SPECIAL PERMIT NG MMDA
(NI LYSSA VILLAROMAN) PINAYUHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang may 22,000 na inaasahan nilang dadalo sa pagbubukas ng Southeast Asian Games sa November 30 na sumakay na lang ng bus upang maibsan ang traffic. Ayon kay MMDA spokesperson Celinne Pialago, nasa may 130 buses ang kanilang binigyan ng special permit sa Sabado upang magsakay ng mga pasahero papuntang Philippine Arena in Bocaue, Bulacan. Ayon pa kay Pialago na 70 percent ng mga bus ay mag-uumpisa sa kanilang biyahe mula sa Trinoma shopping mall na ang magiging pamasahe lang…
Read MoreCAYETANO BOLUNTARYONG MAGPAPAIMBESTIGA
(NI BERNARD TAGUINOD) “HINDI na kailangan manawagan ng kahit sino ng imbestigasyon kasi sinabi ko na sa Senate, December 12 ready na ko. Ako mismo ang haharap sa investigation.” Ito ang tinuran ni House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay ng usapin at kontrobersya sa 30th Southeast Asian (SEA) Games kung saan ang organizer ay ang PHISGOC na kanyang pinamumunuan bilang chair. “Hindi ako magtatago. Ako mismo ang haharap sa Senado, sa Ombudsman,” ayon pa kay Cayetano sa 44th National Prayer Breakfast sa Club Filipino, San Juan City nitong Huwebes. Handa rin umano itong…
Read MoreCAYETANO ‘DI IIMBESTIGAHAN NG KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan si House Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa mga aberya sa Southeast Asian (SEA) Games. “Sa House kasi, unless we change Cayetano (bilang Speaker), you will always…siyempre speaker namin yan. Tutulungan namin yan di ba?,” pahayag ni Albay Rep. Joey Salceda,. “I don’t think an investigation will prosper in the House. Of course we will try to save our king. We will support our Speaker,” dagdag pa ni Salceda, chairman ng House committee on ways and means. Kung…
Read MoreNAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS VS SEA GAMES KAKASUHAN
(NI BERNARD TAGUINOD) IIMBESTIGAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga kumakalat na fake news hinggil pagho-host ng Pilipinas sa ika-30th Southeast Asian games upang kasuhan ang mga nasa likod nito. Sa kanyang interpelasyon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo na nagdeliber ng privilege speech para manawagan sa sambayanang Filipino na magkaisa imbes na magsiraan sa SEA Games, tinanong ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kung may criminal liability ang mga nagpapakalat ng fake news. “Ito ba ang paninirang ito, ano ba ang criminal liability nito. Is this not tantamount to libel…
Read More