(NI LOUIS AQUINO) TIYAK na masaya ang Pasko ng lahat ng Filipino medalists sa 30th Southeast Asian Games. Ito’y matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay siya ng karagdagang cash incentives sa lahat ng miyembro ng Team Philippines na nanalo ng medalya sa naturang kada dalawang taong regional meet. Ayon kay Duterte, magbibigay siya ng extra P250,000 sa lahat ng nanalo ng gold, P150,000 para sa silver, at P100,000 para sa bronze medallists. Magaganap ang ‘awarding of incentives’ sa Disyembre 18, bilang pasasalamat na rin ng Pangulo sa mga…
Read MoreTag: seagames
GINTO ITINAKAS NG PINOY BATTERS
(NI VT ROMANO) SA nakalipas na tatlong edisyon ng SEA Games (2013, 2015 at 2017), walang baseball event na isinama sa kalendaryo nito. Kaya naman nang isama ito sa listahan ng mga event para sa 30th edition, siniguro ng Philippine men’s team na mabigyan ng magandang regalo ang mga Pinoy. Inangkin ng mga Pinoy batters ang gold medal matapos pulbusin ang Thailand, 15-2 kamakalawa sa The Villages sa Clark, Pampanga. Umiskor ang national players ng nine runs sa unang tatlong innings, tungo sa ikatlong ginto sa apat na pagsalang sa…
Read MoreNEW SEAG RECORD ITINALA NI OBIENA
HINDI binigo ni pole-vaulter EJ Obiena ang mga kapwa Pinoy na sumusuporta sa kanya nang talunin ang ginto sa nasabing event na ginanap sa Athletics Stadium sa Capas, Tarlac nitong Sabado. Gumawa rin ng bagong SEA Games record ang Olympic qualifier sa kanyang tinalon na 5.45 meters. Ang dating SEAG record ay 5.35 na naitala ni 2017 champion Porranot Purahong ng Thailand. 173
Read More2 PANG GINTO SA PHL OCR TEAM
(NI VT ROMANO) NAGDAGDAG pa ng dalawang gintong medalya ang Philippine obstacle course racing team kahapon para walisin ang inaugural event sa pagpapatuloy ng 30th SEA Games sa Filinvest City sa Alabang, Muntinlupa. Nanguna sina Mervin Guarte, dating miyembro ng athletics team, at Sandi Abahan sa men’s at women’s ng five-kilometer x 20 obstacle at ipagkaloob sa Pilipinas ang kabuuang anim na gold medals. Nauna nang kumolekta ng apat na gold ang Philippine team sa OCR event kamakalawa, nang manguna sa 400-meter mixed team assist at mixed team relay races…
Read MorePH BOXERS SUSUNTOK PARA SA OVERALL TITLE
(NI EDDIE G. ALINEA) MAGSISIMULA ngayon ang pakikibaka ng Philippine boxing team, na kinabibilangan ng reigning world champion, para sa inaasam na overall title sa boksing sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games sa bansa. Handang-handa na ang mga pambato ng bansa na sina 2019 International Boxing Association women’s featherweight belt-owner Nesthy Petecio at ex-titleholders Eumir Marcial at Josie Gabuco at iba pang teammates na gawin ang kanilang misyon simula ngayong araw sa PICC Forum. Si Gabuco ay light-flyweight titlist noong 2012, habang si Marcial ay dating world junior middleweight…
Read MoreHOSTING SA SEA GAMES, ISALANG SA POST AUDIT — SOLONS
(NI DANG SAMSON-GARCIA) PABOR ang dalawang senador na magsagawa ng post-audit o analysis sa pamamahala ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games. Ito ay upang matukoy ang mga kamalian at kung may iregularidad na nangyari sa mga aktibidad na isiganawa gayundin sa pagtatayo ng mga pasilidad para sa kompetisyon. Ayon kay Senate Majority leader Migz Zubiri, kailangan ding matukoy ang mga pagkakamali sa hosting upang matiyak na masasaayos ito para sa susunod na kaganapan ng bansa. “Automatic naman yan, magkakaroon ng post analysis, ano pa pwedenggawing maayos for next hosting,…
Read MoreATLETANG PINOY SUPORTAHAN; FAKE NEWS DEADMAHIN — BONG
(NI NOEL ABUEL) UMAPELA ang isang senador na magkaisa at suportahan ang lahat ng Filipino athletes na lalaban sa Southeast Asian Games. Ayon kay Senador Bong Revilla ngayong araw gaganapin ang pinakamalaking opening ceremony sa kasaysayan ng SouthEast Asian Games sa Philippine Arena kung saan inaasahang mahigit sa 50,000 mga atleta, opisyal, mga fans, at mga manonood ang makikibahagi. “Malaki ang ginawa nating paghahanda bilang host country. Kaya sa kabila ng ilang pagkukulang, unahin natin ang ating mga atleta na magbibigay karangalan sa bansa,” aniya pa. “Target ng ating mga manlalaro…
Read MoreTEAM PILIPINAS AGAD SASABAK SA GAMES
(NI ANN ENCARNACION) AGAD mapapalaban ang Team Pilipinas sa iba’t-ibang sports sa unang araw ng kompetisyon, isang araw matapos ang mala-Olympics na opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena sa Bocause, Bulacan. Ganap na ala-7 ng gabi magsisimula ang SEA Games opening ceremonies kung saan inaasahan ang pasabog na performance ng international award-winner na si Apl de Ap at iba pang de-kalibreng entertainers, bukod sa parada ng mga delegado mula sa kasaling 11 bansa kabilang ang host Pilipinas. Dadalo rin ang Filipino Sports Heroes na sina Lydia…
Read MoreESTUDYANTENG MANONOOD NANG LIVE, ILIBRE — PANELO
(NI CHRISTIAN DALE) ILIBRE o huwag nang pagbayarin ang mga estudyante na manood ng iba’t ibang games sa 2019 Southeast Asian Games. Ito ang suhestiyon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo upang maraming estudyante ang makapanood ng kada dalawang taong biennial meet. Kung hindi papayag ang 30th SEA Games organizers, bigyan man lamang ang mga estudyante na gustong manood nang live sa iba’t ibang venues ng kahit 50% discount. “Baka pwedeng yung mga estudyante huwag na lang pagbayarin siguro, pero yung mga may sweldo naman, eh, magbayad,” ani Panelo. Ayon pa…
Read More