(NI BETH JULIAN) HINDI iniaalis ni dating presdiential spokesperson Atty. Harry Rogue ang posibilidad na bumalik ito sa gobyerno kasunod ng pag atras sa kandidatura bilang senador sa May 2019 elections. Biyernes ng hapon ay tinanggap na ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of withdrawal ni Roque bilang senador sa ilalim ng PDP- Laban na pinamumunuan ni Pangulomg Rodrigo Duterte. Ayon kay Roque, hindi naman imposible na bumalik ito sa panunungkulan sa gobyerno pero kailangan munang unahin nito ang pangangailangan ng kanyang kalusugan. “Pangalawang buhay ko kasi ito, kaya…
Read MoreTag: senate
PAGLUSAW SA PCGG, OGCC HINARANG
(NI NOEL ABUEL) NIRATIPIKAN na ng Senado ang bicameral conference committee report sa panukalang bigyan ng mas malaking trabaho ang Office of the Solicitor General (OSG) kasabay ng pagbasura sa panukalang lusawin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC). Sinabi ni Senador Richard Gordon, may-akda ng panukala, hindi inaprubahan ng mga senador ang panukala ng mga mambabatas na lusawin ang PCGG sa kadahilanang bigo umano ito na magampanan ang kanilang trabaho. Magugunitang ang PCGG ang nangunguna sa paghabol sa ill-gotten wealth…
Read MoreREP. FLOIRENDO BALIK NA SA CA
(NI BERNARD TAGUINOD) BALIK sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) si Davao del Norte Rep. Antonio R. Floirendo, Jr, makalipas ang mahigit isang taon. Pinanumpa ni CA Chairman at Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Floirendo sa isang simpleng seremonya sa Senado Miyerkoles, Enero 30, 2019, bilang Assistang Majority Leader ng komisyon. Nawala ang posisyon ni Floirendo sa CA noong Mayo 2017 sa gitna ng kanilang hidwaan ng kanyang dating kaibigan at dating House Speaker Pantaleon Alvarez. Tinanggalan din ng membership si Floirendo sa PDP-Laban party kung saan tumatayong…
Read MoreSENATE VERSION SA BUDGET BINUSISI
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG binusisi ng Senado ang bersyon ng Kamara sa 2019 national budget, ganito rin ang gagawin ng mga kongresista sa Senate version. Inamin ito ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., matapos maudlot ang tuloy-tuloy na pulong ng Senate at House continget sa Bicameral Conference meeting sa national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion. “They (Senate) review our version. We review theirs. Makapal po ang budget. Thousands of pages,” ani Andaya. Ginawa ng kongresista ang pag-amin matapos sabihin ni Sen. Panfilo Lacson na dapat ipinagpatuloy ang…
Read MoreROAD BOARD TITIBAGIN NA NG SENADO
(NI NOEL ABUEL) WALA nang makakapigil at tuluy-tuloy na ang pagbuwag sa Roadboard. Ito ay makaraang i-adapt ng Senado ang inaprubahang ammendments ng Kamara sa kanilang House Bill No. 7436 o Road Board Abolition. Bago ang adaption, ni-recall din ng mga senador ang nauna nilang inaprubahang panukala na bumubuwag sa tanggapan. Sa bagong panukala, maliban sa pagbuwag sa Road Board, isinaad din na ang pondo mula sa Road Users Tax ay ipapasok na sa National Treasury. Sinasabing sa ganitong paraan ay magkakaroon na ng kapangyarihan ang Kongreso na maaprubahan ang…
Read MoreSENADO NAGBUNYI KAY PACMAN
(NI NOEL ABUEL) “Si Mayweather naman”. Ito ang sigaw ni Senate Majority Leader Migz Zubiri kasunod ng pagkapanalo ni Senador Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Adrien Broner kung saan kailangan nang humarap ni Floyd Mayweather para sa rematch sa Pambansang Kamao. Kasabay ito ng kanyang papuri sa lakas ng kamao ni Pacquiao. “Manny Pacquiao once again shows the World his superhuman Strength and his Super Human Heart of true Champion. He is a Champion of the ages, winning Championships throughout his two and a half decades of boxing and defying…
Read MoreSENADO PUNO NG PAG-ASA SA 2019
(NI NOEL ABUEL) Sa kabila ng maraming masamang nangyari sa 2018 ay umaasa naman ang ilang senador na magiging maganda ang dulot ng 2019. Sinabi ni opposition Senator Leila de Lima, ang Bagong Taon ay pagbubukas ng pagkakataon para sa bagong simula, pagharap sa mga hamon, at pagbadya ng makabuluhang pagbabago. “Kung babalikan ang nagdaang taon, nagdulot sa atin ng mabibigat na pagsubok ang taong 2018. May mga kababayan tayong patuloy na nagluluksa sa pagkawala ng mga mahal sa buhay dahil sa mga di-inaasahang trahedya. Hanggang ngayon, may mga bagong…
Read MoreP20-B CCTV DEAL SA CHINA BUBUSISIIN SA SENADO
BUBUSISIIN ng Senado ang P20-bilyong CCTV deal sa pagitan ng state-owned Chinese firm at ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na ang imbestigasyon ay nalalayong malaman ang mga bagong detalye sa deal na kinasasangkutan ng China International Telecommunications and Construction Corporation. Ang naturang kompanya ay blacklisted umano sa ibang bansa dahil sa ilang paglabag sa seguridad. Ang deal sa pagitan ng DILG at Chinese firm ay nilagdaan nang magtungo sa bansa si Chinese President Xi Jinping. Ang kasunduan ay naglalayong…
Read MoreASAM NI SOTTO: ENERO 2019 MAIPASA ANG P3.7-T BUDGET
UMAASA si Senate President Vicente Sotto III na maipapasa bago matapos ang Enero 2019 ang P3.7T budget ng national government. Ito ay makaraan ang ilang delay sa diskusyon sa plenaryo. Sa panayam, sinabi ni Sotto na nagbakasyon na ang Kongreso noong Dec 14 nang hindi naaprubahan ang panukala, ngunit umaasa na sa pagbubukas ng Kongreso sa Jan 14 ay agad itong tatalakayin. Tiniyak ni Sotto na isa ito sa mga prayoridad ng Kongreso at pagkatapos ay ang pag-amyenda bago isalang sa bicameral committee. “Alam naman ng Presidente na magkakakaroon ng…
Read More