DAANG TONELADANG BASURA HINAKOT SA DIVISORIA

basura

(NI MITZI YU) TONE-TONELADANG basura ang hinakot ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa ginawang   clean up drive sa Divisoria kaninang umaga matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon. Ayon kay Task Force Clean Up chief, Che Borromeo, sinimulan ang paglilinis at paghahakot ng basura mula alas-4 ng madaling-araw hanggang tanghali. Umaabot sa 35 truck ng basura ang nahakot na bawat trak ay naglalaman ng  tinatayang pitong tonelada o mahigit na 300 tonelada. Ani Borromeo, hindi na pumalag ang mga vendor nang paalisin sila sa mga puwesto, at simula aniya  ngayong Enero…

Read More

SENADO PUNO NG PAG-ASA SA 2019

SENATE

(NI NOEL ABUEL) Sa kabila ng maraming masamang nangyari sa 2018 ay umaasa naman ang ilang senador na magiging maganda ang dulot ng 2019. Sinabi ni opposition Senator Leila de Lima, ang Bagong Taon ay pagbubukas ng pagkakataon para sa bagong simula, pagharap sa mga hamon, at pagbadya ng makabuluhang pagbabago. “Kung babalikan ang nagdaang taon, nagdulot sa atin ng mabibigat na pagsubok ang taong 2018. May mga kababayan tayong patuloy na nagluluksa sa pagkawala ng mga mahal sa buhay dahil sa mga di-inaasahang trahedya. Hanggang ngayon, may mga bagong…

Read More

BIKTIMA NG PAPUTOK DUMARAMI, 1 NAPUTULAN NG KAMAY

paputok200

INAASAHANG aakyat pa ang bilang ng mga biktima ng paputok matapos ang maulan na pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC). Nasa 23 biktima ng paputok ang naitala sa pagamutan. Ayon kay Dr. Wesson Espiritu, ortho surgeon, nagsisimulang dumagsa ang mga pasyente ng alas-10 ng umaga. Sila umano ang mga taong namumulot ng paputok sa kalsada. Ang iba naman umano ay mga lasing at nagpaputok sa pahabol sa New Year celebration. Kadalasan din umanong mga galing sa probinsiya ang mga biktima. Gayunman, kumpara noong…

Read More

NCRPO NAG-INSPEKSYON SA DIVISORIA VS ILEGAL NA PAPUTOK

illegal paputok

(Ni FRANCIS ATALIA) ILANG araw bago ang selebrasyon ng Bagong Taon, nagsagawa ng inspeksyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga tindahan ng paputok sa Divisoria. Tinatayang nasa P30,000 na halaga ng mga illegal na paputok ang nakumpiska ng otoridad sa nasabing pamilihan. Ang ilan sa binabantayan ng NCRPO na mga illegal na paputok ay ang piccolo, watusi, Giant Whistle Bomb, Giant Bawang, Large Judas Belt, Super Lolo o Thunder Lolo, Atomic Bomb o Atomic Big Triangulo, Pillbox, Boga, Kwiton, Goodbye Earth o Goodbye Bading, Hello Columbia, Coke…

Read More

DOH: 50% IBINABA NG BIKTIMA NG PAPUTOK

paputok

(Ni KEVIN COLLANTES) IPINAGMALAKI ng Department of Health (DoH) na mahigit kalahati o 50% ang ibinaba ng bilang ng mga fireworks-related injury (FWRI) na naitala nila sa bansa ngayon, kumpara sa kahalintulad na reporting period noong nakaraang taon. Ito’y may dalawang araw pa bago salubungin ang Taong 2019. Sa inilabas na pinakahuling FWRI report ng DoH, natukoy na nasa 43 na ang kabuuang bilang ng mga nabibiktima ng paputok sa bansa, mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 5:59 ng umaga ng Disyembre 29. Ayon sa DoH, tatlong bagong kaso pa…

Read More

BIGTIME ROLLBACK

jetti

(Ni ABBY MENDOZA) MAGANDANG balita sa mga motorista,bago magpalit ang taon ay may maaasahan na isang bigtime rollback. Ayon sa Jetti Philippines maglalaro sa P1.90 sentimo hanggang P1.95 ang irorolbak sa presyo ng diesel habang P1.50 hanggang P1.55 sa gasolina. Ang nasabing rollback ay ipatutupad sa Disyembre 31 at ayon sa pamunuan ng Jetti Philippines, maaari pang magbago ang nasabing halaga,maaari pa umano itong tumaas depende sa magiging presyuhan ng produktong petrolyo sa international market sa susunod na araw at sa palitan ng piso. 310

Read More

BIKTIMA NG PAPUTOK NASA 40 NA

victim

(NI KEVIN COLLANTES) INIULAT ng Department of Health (DoH) na umakyat na sa 40 ang bilang ng mga biktima ng paputok sa bansa, tatlong araw pa bago ang pagsalubong sa taong 2019. Sa inilabas na Fireworks-Related Injuries (FWRI) Report ng Department of Health (DoH), nabatid na mula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 27 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Disyembre 28 ay nakapagtala pa sila ng walong bagong biktima ng paputok. Karagdagan ito sa 32 kaso na unang naitala mula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang alas-5:59 ng umaga ng…

Read More

MAMIMILI NG PAPUTOK DAGSA NA SA BOCAUE

fireworks1

DAGSA na ang mamimili sa Bocaue, Bulacan para sa iba’t ibang paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon. Ito ay sa harap ng pag-akyat sa 32 ang bilang ng mga biktima ng paputok, base sa tala ng Department of Health. Walong bagong kaso ang naiulat sa Region 6,3 at sa National Capital Region simula noong Martes, isang araw matapos ang Pasko. Gayon man, ang bilang ay mababa pa rin ng halos 50 porsiyento kumpara sa bilang ng naitalaga noong nakaraang taon. Sa 32 kaso, apat ang naputulan, ayon pa sa DoH.Kabilang…

Read More

TOROTOT DELIKADO SA MGA BATA

torotot

KUNG delikado ang mga paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon, may panganib din umano ang paggamit ng torotot sa mga bata, ayon sa Eco Waste Coalition. Nagpaalala ang Eco Waste na may mga maliliit na parte ang torotot na delikado sa mga gagamit nito, higit ang mga bata.  Sinabi ni Thony Dizon, chemical safety campaigner ng Eco Waste Coalition, na kailangang bantayan ng mga magulang ang mga  batang gagamit ng torotot sa Bagong Taon. Ayon kay Dizon, kabilang sa panganib sa paggamit ng torotot ay paglunok sa maliit na piyesang…

Read More