P68-M SHABU TIKLO SA NIGERIAN, AFRICAN

UMAABOT sa P68 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang Nigerian at kasamang African sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City, nitong Martes ng umaga. Nadakip sina Lawrence Ikegwuruka, 37, Nigerian national, at Michella Augustin Tsimaluto, 23, African national, pasado alas-10:00 ng umaga sa Roces Avenue sa Barangay Paligsahan. Ayon kay PDEA Agent Freddie Banagao, nakatanggap sila ng ‘tip’ kaugnay sa malakihang bentahan ng ilegal na droga sa nabanggit na lugar kaya agad silang nagkasa ng buy-bust operation laban sa…

Read More

4 TULAK TIMBOG SA P.4-M SHABU

CAVITE – Bagsak sa kulungan ang apat katao makaraang makumpiskahan ng tinatayang P.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Rojan Jude Constantino, 25, clothing line designer; Edward Bagasalay, 26; Dilinogun Dimasangkay, 59, at James Alas, 24-anyos. Sa ulat ni P/SMSgt. Christian Rosales ng Bacoor City Police Station, dakong alas-9:40 nitong Lunes ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga miyembro ng Station Drug Enforcent Team (SDET) ng Bacoor CPS at PDEA Cavite sa Evangelista…

Read More

JOBLESS TIMBOG SA P349-K SHABU

SHABU-CUSTOM NAIA

TIMBOG ang isang binatang tambay na kabilang sa drug watchlist sa Maricaban, Pasay City makaraang isumbong ng kapitbahay hinggil sa pagtutulak ng ilegal na droga. Naaktuhan nina P/Cpl. Jose Mario Blas at mga tauhan ng Station Intelligence Section ng Pasay City Police Station, ang suspek na Keith Malaque, residente ng #0288 R. Higgins St., Brgy. 185, Zone 18, Maricaban, Pasay City, habang hawak ang nakabuhol na plastic sachet ng shabu at nang kapkapan ay nakakuha rin ang sigarilyo na may lamang tatlong sachet pa ng shabu. Mabilis na inaresto ang…

Read More

SOURCE NG P74.9-M DROGANG NASABAT SA CAVITE, METRO; DRUG LORD SA BILIBID TULOY ANG NEGOSYO

UMABOT sa P74.9 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Bacoor City sa Cavite, Valenzuela City, Quezon City at Caloocan City. Sa Bacoor City, nasabat ang tinatayang P68 milyong halaga ng umano’y shabu na ibabagsak sana sa Metro Manila at sa lalawigang ito, makaraang madakip ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Panapaan, Bacoor City. Sina Reynaldo Moral Cordero at Irene Ilaya Biazon, kapwa residente ng Maricaban, Pasay City, ay natimbog bandang 6:30 ng gabi…

Read More

P141-M SHABU NASABAT SA NAIA

SHABU-NAIA

MULING nakaiskor ang Bureau of Customs nang masabat ang panibagong kontrabando ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P141 milyon noong Miyerkoles sa loob ng FeDex warehouse sa Pasay City. Sa report na natanggap ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero mula kay Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) District Collector Carmelita Talusan, nadiskubre ang mga pinaghihinalaang shabu na idineklarang speakers na galing sa United States of America matapos itong isailalim sa physical examination ng mga BOC personnel. Tumambad sa pinagsanib na elemento ng BOC, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga kontrabando na ilegal na droga o shabu na umaabot sa 20.8 kilos na…

Read More

P6.8-M SHABU NAKUMPISKA NG BOC

SHABU-23

TOTOO sa kanilang mandato na puprotektahan ang bansa sa pagpasok ng ilegal na droga, Nakum­piska ng Bureau of Customs ang mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon na nakasingit sa mga kargamento ng aqua­rium filter mula sa Czech Republic noong Disyembre 3. Nang isailalim sa inspeksyon ang kargamento, nakita ang kahina­hinalang balot kung kaya’t nagkaroon ng pagdududa na posibleng droga dahilan upang gu­mamit ng K-9 mula sa Philippine Drug Enforcement Agency sa pagsusuri ng mga kargamento. Nakuha ang dalawang plastic pack ng crystalline substances kaya’t kaagad na ipinasuri ang mga ito na sa huli ay nagpositibo sa Methamphetamine hydrochloride o “shabu.” Maliban sa shabu, nakuha rin sa kargamento ang 30…

Read More

P6.5-M SHABU, MARIJUANA NASABAT SA CLARK PORT

(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng  Bureau of Customs (BOC) sa Port of  Clark ang  1.026 kilo ng shabu at marijuana na tinatayang aabot sa P6.5 milyon. Ayon sa report, ang marijuana ay nakalagay sa aquarium filter at dumating galing sa Czech Republic. Idineklara ng may-ari na “external aquarium filter” ngunit sa tulong ng K9 dogs ng BOC, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Customs examiners na ipadaan sa 100 percent eksaminasyon . Sa resulta ng ginagawang eksaminasyon at sa tulong ng BOC K-9, nakita sa loob ang dalawang plastic pack ng…

Read More

4 TONELADONG SHABU PA NAIPUSLIT NG CHINESE SYNDICATE SA PINAS

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY CJ CASTILLO) UMAABOT sa 4,000 kilo o apat na toneladang shabu ang ipinasok ng sindikato na kinabibilangan ng Chinese national na nahulihan ng 370 kilo ng droga sa Makati City nitong Miyerkoles. Ito ang ibinunyag ni House committee on dangerous drug chairman Robert Ace Barbers base sa intelligence report na ipinasa umano ng mga law enforcement agencies sa Kamara. “According to intelligence report that was forwarded to us, yung sindikato na nahuli kahapon, apparently 4,000 kilos ang kanilang dinala dito sa atin, yun lang sindikato na…

Read More

1 KILO NG SHABU NASABAT

SHABU-21

(Ni BOY ANACTA) MULI na namang naka­iskor ang mga tauhan ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), sa pamumuno ni Bureau of Customs Commissioner Rey Leo­nardo “Jagger” Guerrero, makaraang makumpiska ang tinatayang isang kilo ng hinihinalang shabu sa Makati City. Kinilala ang suspek na si Edison Chua, ng Makati Sports Bar, sa 5456 Doña Carmen, Makati City, na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Base sa ulat ng CAIDTF, nasabat ng mga tauhan ng BOC ang isang parcel na bumagsak sa warehouse ng FedEx sa…

Read More