90 PULIS SIBAK MULA OKTUBRE — PNP

(NI NICK ECHEVARRIA) UMAABOT na sa 90 ang bilang ng mga pulis na sinibak sa tungkulin sa loob ng nakalipas na dalawang buwan, matapos masangkot sa ibat-ibang illegal na gawain. Ito ang ibinunyag  ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge P/Lt. Gen. Archie Gamboa nitong Sabado sa isang  interview matapos ang isinagawang inspection sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan. “We have dismissed almost 90 policemen for the last 2 months, or an average 2 policemen every day,” pahayag ni Gamboa sa media. Idinagdag pa ni Gamboa na nitong Biyernes…

Read More

PAGSIBAK KAY LENI ‘DI KAILANGAN NG OFFICIAL ORDER — PANELO

(NI CHRISTIAN DALE) HINDI na kinakailangan pang maglabas ng opisyal na komunikasyon ang Office of the President kaugnay ng naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Leni Robredo sa ICAD. Sa pulong balitaan sa Busan, South Korea, binigyang diin ni Chief Presidential Spokesperson Salvador Panelo na saklaw si Robredo ng polisiyang “serving at the pleasure of the President” lalo at nasa Pangulo ang appointing authority. Nasa kapangyarihan din, ani Panelo, ang pagpapaalis sa kaninumang itinalaga ng Punong Ehekutibo sa isang puwesto, anumang oras na naisin nito nang hindi na…

Read More

LENI SINIBAK NI DUTERTE

SINIBAK na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea, Linggo ng gabi, ang balita. Nagdaos din si Palace Spokesperson Salvador Panelo ng press conference na nagsabing tinanggal na si Robredo base na rin sa suhestiyon ni Liberal Party President, Senator Francis Pangilinan, na tanggalin na lamang si Robredo sa posisyon. Sinabi ni Panelo na ang pagkakatalaga kay Robredo sa ICAD ay upang bumuti ang kampanya kontra droga. “Unfortunately, she wasted such opportunity and used the…

Read More

27 OPISYAL NG PNP-CSG SIBAK SA PUWESTO

(NI AMIHAN SABILLO) NAGPATUPAD na rin ng malawakang balasahan ang Philippine National Police Civil Security Group sa mga under units nito tulad ng FEO o Firearms and Explosives Office at Supervisory Office for Security and Investigation o (SOSIA) Ito ang inihayag ni PNP Civil Security Group Director P/MGen. Roberto Fajardo Jr, kasabay ng pag-amin na sinibak at inilagay sa floating status ang may 27 opisyal ng mga nabanggit na units ng CSG dahil sa kabiguan ng mga ito na sugpuin ang katiwalian sa kani-kanilang units Ilan Lang sa mga sinibak…

Read More

454 PULIS SA ILEGAL NA DROGA, SINIBAK

pnp55

(NI NICK ECHEVARRIA) UMAABOT na sa 454 na mga police personnel na napatunayang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga ang sinibak sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) na kabilang sa sa mahigit 9,000 tiwaling mga pulis na kinasuhan ng adminsitrabo simula July 2016, alinsunod sa kanilang pinaigting na internal cleansing. Sa datos na ibinigay ni PNP Officer In Charge P/Lt.Gen. Archie Gamboa, sa isang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes, lumalabas na 352 sa kabuuang 454 ang nagpositibo na gumagamit ng droga habang 102 naman sa kanila…

Read More

SANGKOT SA GCTA SA BUCOR SIBAKIN LAHAT! –DU30

(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na gugulong ang ulo ng lahat ng opisyal at personnel ng Bureau of Correction (BuCor) na mapatutunayang sangkot sa korupsiyon. Kasunod nito, iniutos ni Duterte na pansamantalang mamuno sa BuCor, ang ‘next in rank’ ng mga  employees ng mga sinuspindeng prison official sa naganap na pagpapalaya ng mga convicts  ng heinous crime sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ito ay habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa mga lumutang na korupsiyon. “Like the President said, our investigation is ongoing so…

Read More

FAELDON: WALA NA AKONG PASAN SA BALIKAT

faeldon55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) BAGAMA’T late ng limang oras, sumipot din sa pagdinig ng Senado hinggil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang sinibak na si Bureau of Correctiosn (BuCor) Director Nicanor Faledon. Kasabay nito, inamin ni Faeldon na masaya siya sa kanyang sitwasyon ngayon lalo pa’t wala na siyang pasan sa kanyang balikat. “I’ve never been happier than now. In a way na pag wala nang yoke sa balikat mo, you can soundly sleep,” saad ni Faeldon. Ipinaliwanag ng legal counsel ni Faeldon na si Atty. Jose…

Read More

HIGIT 1-K PINALAYANG CONVICT INILAGAY SA BI LOOKOUT

(NI HARVEY PEREZ) IPINALAGAY ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Immigration Look-out Bulletin Order (ILBO), ang higit sa 1,000 convicts na pinalaya sa ilalim ng Good Conduct  Time Allowance (GTCA). Inatasan din ni Guevarra ang lahat ng paliparan at daungan na i-monitor nang mabuti. Gayunman, sinabi ni Guevarra na hindi basta basta mapipigilan ang mga inmate kung lalabas sila ng bansa. Samantala, sinabi ni Guevarra na may 10 na sa mga pinalayang inmate ang nagpahayag na susuko, kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa kulungan ang may…

Read More

SIBAK KAY FAELDON ‘DI SAPAT; MANAGOT DAPAT — SOLONS

faeldon1

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGBUNYI  ang mga mambabatas sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Bureau of Correction (Bucor) director general Nicanor Faeldon subalit kailangang panagutin ito sa pagsalaula sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Sa pagkakahiwalay na reaksyon, ikinatuwa ng mga mambabatas sa Kamara ang aksyon ni Duterte laban kay Faeldon  subalit kailangang mapanagot ang dating opisyal dahil kung hindi ay walang maniniwala sa anti-drug at anti-corruption campaign ng Pangulo. “Charges must be filed against him and the others who made a mockery of our laws,” ani Bayan Muna…

Read More