Marami ang nagsasabing kakaiba ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pa¬ngulong Rodrigo Duterte dahil bukod sa hindi mabulaklak ang kanyang mga salita ay pangmasa ang kanyang lengguwahe na madaling maintindihan ng ordinaryong mamamayan. Inianunsyo ni Duterte sa kanyang SONA na mu¬ling itataas ang excise tax sa si¬garilyo at alkohol hindi lamang para makalikom ng dagdag na buwis ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kundi para mabawasan din ang konsumo ng yosi at alak. Kasunod nito ay ang pagtatanong ng pangulo kung sino ang mga naninigarilyo sa…
Read MoreTag: SIDEBAR
HINDI DAPAT MABAHALA SA UNHRC RESOLUTION
Kung si dating presidential spokesperson Harry Roque ang tatanungin, hindi dapat mabahala ang pamahalaan sa resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na nagpapaimbestiga sa naging kondukta ng drug war ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Toothless tiger” ang deskripsyon ng international law expert na si Atty. Roque sa UNHRC dahil isang “shaming mechanism” lang ang mga resolusyon nito at hindi naman kayang ipatupad ito nang walang pagsang-ayon ang mga bansa na subject ng human rights inquiry gaya ng Pilipinas. Sa saligan, ang naturang resolusyon ng UNHRC ay manipesto lang ng 18 bansa na…
Read MoreBAWAL NA ANG MGA MANYAKIS AT BASTOS SA TRABAHO AT INTERNET
Bilang na ang araw ng mga manyakis at bastos na mga lalaki hindi lamang sa lugar ng trabaho o opisina kundi maging sa malawak na “cyberspace” kung saan nagaganap ang maraming pambabastos sa mga kababaihan. Ito’y matapos maging ganap na batas ang Republic Act 11313 na kilala rin sa tawag na “Safe Spaces Act” na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang Abril 17 pero nitong Lunes lamang inilabas ng Malacañang. Kilala rin ang RA 11313 bilang “Bawal Bastos” Law na nagpapataw na ng parusa sa sinumang gagawa ng “catcalling”…
Read More“SOLOMONIC” DECISION NI PRRD SA SPEAKERSHIP
Maituturing na “Solomonic” ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpili ng speaker sa Mababang Kapulungan sa gitna ng pagtatapos ng termino ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Term-sharing ang naging formula ni Pangulong Duterte kung saan si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang unang uupong speaker sa loob ng 18 buwan samantalang si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay magiging speaker sa susunod na 22 buwan o hanggang Hunyo 30, 2022. Habang naghihintay pa ng kanyang term-share si Velasco, siya ang magiging chairman ng makapangyarihang Committee on Appropriations kung…
Read MoreKUDETANG INISYATIBA NG US
Hindi malinaw kung saan hinugot ng founder ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison ang kanyang analisis na posibleng mag-inisyatiba ang Estados Unidos sa pagsasagawa ng isang kudeta para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Malamang na sa online edition ng mga pahayagan nakalap ni Sison ang kanyang impormasyon hinggil sa posibilidad na magkaroon ng US-backed coup sa Pilipinas na may kinalaman sa pagiging malapit ng administrasyong Duterte sa bansang China na may “trade war” ngayon sa US na nag-ugat naman sa isyu ng Chinese-owned…
Read MoreHINGGIL SA “CLAIMS” AT “RIGHTS” SA SPRATLYS
Matagal nang pinagtatalunan ng mga “claimant countries” ang grupo ng mga isla sa South China Sea (West Philippine Sea sa punto de vista natin) na tinatawag na Spratlys. Maliban sa Pilipinas, kabilang sa mga may “claims” sa Spratlys ay ang China, Vietnam, Malaysia at Brunei. At bago pa man nagkaroon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong 1982, nauna ang Pilipinas sa ilalim ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pag-okupa sa Kalayaan Group of Islands na malapit sa lalawigan ng Palawan noong maagang…
Read MoreWALA PA RING SUSPEK SA PAGPATAY KAY MAYOR TONY HALILI NG TANAUAN CITY
Nitong nakaraang Lunes, Hulyo 1, ang unang araw sa Tanauan City Hall ng bagong halal na alkalde ng lungsod na si Mayor Angeline “Sweet” Halili na panganay na anak ng yumaong Mayor Antonio Halili. Kung pagbabasehan ang kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya at ang kanyang inaugural speech noong Lunes, makaaasa ang mga taga-Tanauan na lalo pang uunlad ang kanilang siyudad sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sweet. Kahapon, Hulyo 2, ang unang anibersaryo ng pagkamatay ng butihing Mayor Tony at kung nabubuhay siya ngayon ay 73-anyos na sana ang pinaslang…
Read MoreMARAMING DAPAT IPALIWANAG SI SEC. DUQUE HINGGIL SA PHILHEALTH
Nahaharap sa kasong graft at plunder sa Ombudsman si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III dahil sa “conflict of interest” na nag-ugat sa pag-upa ng Ilocos Regional Office ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa building na pag-aari ng pamilya ni Duque na matatagpuan sa Dagupan City. Tatlong palapag ng Educational and Medical Development Corp. (EMDC) na pag-aari ng pamilya Duque sa Pangasinan ang matagal nang inuupahan ng PhilHealth-Ilocos regional office sa kabila ng pagiging ex-officio chairman ng PhilHealth ang kalihim. Si Senador Panfilo Lacson ang unang nagbunyag…
Read MoreANG PAGLAHO NG WIKANG FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO
Hindi malinaw sa akin kung bakit ang Korte Suprema pa ang nagpalabas ng desisyon na nagsasabing hindi mandatory sa kolehiyo ang pag-aaral ng wikang Filipino at Panitikan gayung matagal nang panahong bahagi ito sa mga batayang asignatura. Nauna rito, inalis na rin bilang mga asignatura sa high school sa ilalim ng K to 12 program ang Kasaysayan ng Pilipinas gayundin ang Philippine Government & Constitution na dati-rati ay bahagi ng mga asignatura mula 1st year hanggang 4th year high school. Mariing tinututulan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list ang…
Read More