Sa simula pa lamang ay nagkamali na sa diskarte si Defense Secretary Delfin Lorenzana nang agad niyang ianunsyo sa media ang tungkol sa paglubog ng isang bangka ng mga Filipinong mangingisda matapos itong mabangga ng isang Chinese boat sa Recto Bank noong hatinggabi ng Hunyo 9. Mismong sa Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12 nag-anunsyo si Secretary Lorenzana sabay pagkondena sa insidente kaya marahil nag-init agad ang damdamin ng mga Filipino kahit hindi pa kumpleto ang impormasyon na hawak ng kalihim ng tanggulang pambansa na nanggaling sa Philippine Navy. Mabilis…
Read MoreTag: SIDEBAR
NAHALUAN NG POLITIKA ANG INSIDENTE SA RECTO BANK
Normal lang para sa mga Filipino na makisimpatiya sa 22 kababayan nating mangingisda na muntik nang mangamatay nang mabangga ng isang Chinese trawler ang kanilang bangkang pangisda noong Hunyo 9 sa may Recto Bank (Reed Bank). Ang hindi normal ay kung anu-anong ispekulasyon na ang lumabas pagkatapos ng insidente kahit wala pang pormal na imbestigasyon. Pinakamalala ay nang mahaluan ng politika ang insidente. Ayon kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim nanggaling ang pahayag na posibleng gamitin ang RP-US Mutual Defense Treaty sakaling magkaroon ng eskalasyon ang namumuong tensyon…
Read MoreSINDIKATO SA PHILHEALTH
Taong 2013 pa natukoy ng pamunuan ng PhilHealth ang tungkol sa fraudulent claims sa ahensya na nagagawa sa pamamagitan ng paggamit ng pirma ng mga namatay ng pasyente pero patuloy na kumukubra sa PhilHealth partikular ang mga sumasailalim sa dialysis. Sa Northern Mindanao, halimbawa, taong 2014 napag-alaman ng PhilHealth mula sa Commission on Audit na nagkaroon ng overpayment sa may 20 porsyento ng mga pasyente na kumukubra ng insurance claims sa ahensya na nasa ilalim ng Department of Health. Si Health Secretary Reynaldo Duque na rin ang nagsabi na base…
Read MoreBAKIT GALIT ANG US SA HUAWEI?
Teknolohiyang 5G (5th Generation) na ang pinaghahandaan ng telcos dito sa Pilipinas at kabilang ang Huawei ng China sa mga partner ng PLDT Inc. na siyang may-ari ng mobile phone companies na Smart at Sun Cellular. Mismong si PLDT Inc. chairman at CEO Manuel Pangilinan ang nag-testing ng isang 5G-enabled Huawei phone kamakailan at indikasyon ito ng tiwala sa Huawei sa kabila ng negatibong kampanya ng US laban sa Chinese telecom company. Abante ng isa’t kalahating taon sa 5G technology ang Huawei ng China sa mga kakompetensya nito sa buong…
Read MoreBASURA AT STREET PARKING ANG PROBLEMA SA MAYNILA
Kung mayroong isang isyu na naging sanhi ng pagkatalo ni President-Mayor Joseph Estrada sa Maynila sa kanyang huling pagtakbo, ito ay ang problema sa basura na hindi niya nabigyan ng solusyon. Alam ito ni Mayor-elect Isko Moreno kung kaya ang problema sa basura ang pangunahing isyu na dinala niya sa kanyang kampanya. Kabilang sa solusyon ni Mayor Isko ang waste segregation. Ang ibig sabihin lang nito ay kailangang ihiwalay ng lalagyan ang mga nabubulok at ang mga puwedeng i-recycle gaya ng plastic, karton at mga papel. Dating basurero si Mayor…
Read MorePOWER STRUGGLE SA SENADO
Kay Senator-elect Imee Marcos ng Nacionalista Party una nating narinig na may mga nagtutulak sa kapartido niyang si reelected Sen. Cynthia Villar na kunin ang Senate presidency at palitan si Senate President Tito Sotto ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Sa isang panayam sa ANC unang binunyag ito ni Marcos at para makaiwas-pusoy dahil nga kapartido niya si Villar ay itinuro si Senator-elect Francis Tolentino ng Partido Demokratikong Pilipino- Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na siyang kapural sa pagtutulak kay Villar para maging tagapangulo ng Senado. Mauugat ang planong pagpapalit ng liderato…
Read MoreNATIONAL SERVICE LAW
Sang-ayon tayo sa plano ni Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa na maghain ng panukalang batas na mag-iinstitusyonalisa sa mandatory military service sa mga kabataang Filipino at hindi lang ang pagkuha ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) bilang required subject sa senior high school. Paliwanag ni Senador Bato: “Like other countries na pagdating mo ng 18 years old, obligado ka na mag-serve sa military for 2 years. Walang pakialam ang gobyerno kung anak ka ng mayaman o ng mahirap, kung sikat ka o artista ka. Maganda rin iyon.” Pinaghuhugutan ni Senator…
Read More“PROTECTOR OF THE FILIPINO PEOPLE”
Nitong nakaraang araw ng Linggo (Mayo 26) ginanap ang pagtatapos sa Philippine Military Academy ng Class of 2019 Mabalasik na ang ibig sabihin ay “Mandirigma ng Bayan, Iaalay ang Sarili, Lakas at Tapang Para sa Kapayapaan.” Si Cadet First Class Dionne Mae Umalla ang valedictorian ng Class 2019 at nakakaiyak ang kanyang naging talumpati dahil binigyan niya ng mukha ang mga kadete ng PMA at dito makikitang ordinaryong tao rin ang mga nagiging opisyal ng Armed Forces of the Philippines. Galing sa mahirap na pamilya sa Alilem, Ilocos Sur si…
Read MoreMANDATORY ROTC SA SENIOR HS
Pasado na sa House of Representatives ang House Bill 8961 na muling bubuhay sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga kabataang naka-enroll sa Grade 11 at 12 na tinatawag ding Senior High School. Kasing-edad rin ng mga Grade 11 at 12 ang mga dating estudyante sa first at second year college kung saan mandatory ang ROTC sa apat na semester sa ilalim ng subjects na Military Science (MS) 11 and 12 para sa freshmen at MS 21 at 22 sa sophomore. Basic military training ang sakop ng MS 11-22…
Read More