KAI SOTTO PASOK SA BWB GLOBAL CAMP

NAPILI si 7-foot-2 wunderkind Kai Sotto ng NBA at FIBA na mapasama sa Basketball Without Borders (BWB) Global Camp sa Chicago, USA. Kabuuang 64 boys and girls mula sa 34 countries at regions ang kabilang sa BWB Global Camp, na magiging bahagi ng 2020 NBA All-Star Weekend. Ilan sa mga kilalang NBA stars na naging bahagi ng BWB ay sina Toronto Raptors’ Pascal Siakam, Phoenix Suns’ Deandre Ayton, Washington Wizards’ Rui Hachimura, at Denver Nuggets’ Jamal Murray. Si Siakam, Most Improved Player noong nakarang taon, ang magko-coach sa campers mula…

Read More

TRUST, APPROVAL RATING NI DU30 TUMAAS NGAYONG DISYEMBRE

pulse asia du3044

NAKABAWI at nakabangon si Pangulong Rodrigo Duterte sa trust and approval ratings ngayong Disyembre matapos sumadsad noong Setyembre, ayon sa latest survey na inilabas ng private pollster na Pulse Asia. Tumaas ng siyam na porsyento ang approval rating ni Duterte  sa 87 mula sa 78 porsiyento noong Setyembre kung saan mas maraming indibidwal mula sa Luzon, hindi kasama ang Metro Manila, at class ABC, ang nagpahayag ng pag-sang-ayon sa Pangulo. Tumaas din ang trust rating ni Duterte mula 74 porsiyento sa 83 Mas marami rin sa Luzon sa labas ng…

Read More

SOTTO: CHACHA PAG-UUSAPAN SA SENADO

chacha33

(NI NOEL ABUEL) “WALANG mangyayaring bastusan.” Ito ang siniguro ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng isinusulong na Charter Change resolution sa pamamagitan ng Constitutional Assembly ng mga kongresista. Ayon kay Sotto, hindi mapipigilan ng Senado ang mga kongresista sa nais ng mga itong ConAss sa oras na ibigay ito ng Kamara. “Dadalhin nila sa amin eh, di pag-uusapan namin kung ano ‘yung dadalhin nila sa amin, dadalhin namin sa committee, pag-uusapan du’n. Ganu’n lang. Ibig sabihin hindi namin siguro naman babastusin ‘yun or sasabihin ‘pag dinala dito ‘ayaw…

Read More

SOTTO: P4.1-T NAT’L BUDGET MATATAPOS SA TAKDANG PANAHON               

titosotto

(NI NOEL ABUEL) TINITIYAK ng liderato ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso na maipapasa sa takdang panahon ang panukalang P4.1 trillion national budget. Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nasa tamang landas na tinatahak ang mga senador sa gitna ng plenary deliberations sa General Appropriations Bill (GAB) na inaprubahan at ipinadala ng Kamara. “It was submitted on time. We are right on track of our timetable without sacrificing important issues being raised in the different departments,” sabi ni Sotto  sa pagsasabing mahabang oras ang inilaan sa mga senador para…

Read More

SOTTO KAY LENI: TIGILAN MUNA ANG PAGPAPA-MEDIA 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) PINAYUHAN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III si Vice President Leni Robredo na tigilan ang paghahayag sa media ng kanyang mga plano at ginagawa sa anti-drug campaign. Ipinaliwanag ni Sotto na dahil sa pagsasapubliko ng mga plano ay posibleng makapaghanda ang mga sindikato ng droga. “Hindi ko naman masasabi yun, pero ang pinakamaganda tigilan mo muna ang media-media kasi nate-telegraph ang strategy eh. Dapat dyan submarine approach kailangan na under the radar ang tira, mga kilos. Yan ang magandang kilos and then later on lilitaw ang…

Read More

DELIBERASYON NG SENADO SA NAT’L BUDGET GAWING TRANSPARENT – SOLON

titosotto

(NI BERNARD TAGUINOD) NGAYONG nasa kamay na ng mga senador ang 2020 national budget, umaasa si Anakalusugan Rep. Mike Defensor na igalang ang inter-parliamentary courtesy sa dalawang Kapulungan. Ginawa ni Defensor ang pahayag kasabay ng pakikiisa kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na magiging transparent o bukas sa publiko ang deliberasyon ng Senado sa pambansang pondo ng nagkakahalaga ng P4.1 Trillion. “We hope that the Senate leadership being an institution that we look up to will debate and ensure that its collective membership will keep the time-honored inter-parliamentary courtesy,”…

Read More

MAGALONG KINAMPIHAN NI SOTTO

(NI NOEL ABUEL) IPINAGTANGGOL ni Senate President Vicente Sotto III si dating Criminal Investigation and Detection (CIDG) at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga naging ambag nito sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng kontrobersiyal na good conduct time allowance (GCTA). Giit ni Sotto, malaki ang utang na loob ng mga senador kay Magalong dahil sa ibinabahagi nitong mahahalagang impormasyon na may kinalaman sa operasyon ng illegal drugs. Aniya, hindi dapat sisihin si Magalong sa kinakaharap ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasangkot ng ilang tiwaling opisyales…

Read More

PAGPAPATAYO NG REGIONAL PRISONS, ISINUSULONG

(NI DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na panahon na upang magkaroon ng regional penitentiaries kasunod ng mga nadiskubreng anomalya sa New Bilibid Prison (NBP)  sa Muntinlupa City. Sinabi ni Lacson na ang panukala ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na magtatag ng mga prison facility sa bawat rehiyon ay hindi lamang magde-decongest ng NBP kundi masasawata rin ang katiwalian. Matatandaang sa ikalimang imbestigasyonng Senado sa sinasabing anomalya sa Bureau of Corrections (BuCor), naisiwalat ang iba’t ibang money making schemes tulad ng prostitusyon, droga at panunuhol. Ipinaliwanag ni…

Read More

2 PANG TESTIGO SA GCTA FOR SALE, IHAHARAP SA SENADO 

tito sotto

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na dalawa pang testigo ang ihaharap nila sa pagdinig ng Senado na magpapatunay ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Ayon kay Sotto, inaayos lamang nila ang isyu sa seguridad ng dalawang testigo subalit kung hindi man aniya makaharap ang mga ito ay ipiprisinta ang kanilang mga salaysay. “Meron na talaga dalawa na kumontak sa atin. Isa taga-loob, isa dating opisyal. So meron na talaga before that kaya lang parehong may security concern pero more or less meron na…

Read More