(NI ABBY MENDOZA) AGAD binuweltahan ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon ang mga opisyal na ginagawang katatawanan ang isyu sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea. Ayon kay Biazon, lalong malilito ang taumbayan at mabibiktima ng misinformation dahil sa mga birong gaya nito. Ang puna ay ginawa ni Biazon kasunod ng pahayag ni Senate President Tito Sotto na mahirap sabihing exclusive lamang para sa Pilipinas ang lugar dahil maaaring mula sa China ang mga isdang naririto. Sa halip umano na magbitaw ng salita ay dapat umanong maging maingat…
Read MoreTag: sotto
GILAS PILIPINAS YOUTH MAY BITBIT SA GREECE
(NI JOSEPH BONIFACIO) MAY bitbit na kumpiyansa ang Gilas Pilipinas youth team sa pagtungo sa Greece kahapon. Ito’y matapos magtala ng impresibong panalo sa dalawang tune up games kontra Qatar pro club na Al Rayyan sa Doha. Kahapon ay lumipad na patungong Heraklion, Greece ang tropa para sa pagsabak sa FIBA U19 World Cup. Sa nasabing tune-up games, tinalo ng Gilas youth ang Al Rayyan sa iskor na 79-54 at sinundan ng 93-64, kung saan isang rebound lang at double-double output sana si 6’11 Fil-Nigerian AJ Edu sa kanyang 18…
Read MoreSENADO MATAAS ANG RATING; SOTTO MANANATILING SP
(NI NOEL ABUEL) MASAYA ang halos lahat ng senador sa pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III kung kaya’t mananatili ito sa kanyang posisyon. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan iginiit nito na nang maupo si Sotto bilang Senate president ay tumaas ang rating ng Senado at nagkasundo umano ang maraming senador na masaya sa liderato nito. “Tumaas nga ang antas ng approval at trust eh, rating ng Senado, 74%, 72% sa kanya 74% percent sa institution. So wala kaming reason para palitan ang liderato,” sabi pa…
Read MoreSOTTO MANANATILING SENATE PRESIDENT
(NI NOEL ABUEL) MANANATILING lider ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso si Senador Vicente Sotto III sa pagbabalik nito sa Senado. Ito ay matapos na magkasundo ang Senate majority na huwag galawin o panatilihin sa kasalukuyang liderato ang Senado sa ilalim ng pamumuno ni Sotto. “Yes. Well, the agreement was equity of the incumbent. It is the tradition anyway, unless one decides to relinquish his or her position or chairmanship, we support the equity of the incumbent rule,” sabi ni Sotto. Idinagdag pa nito na walang sinumang senador ang nagpahayag…
Read MoreSOTTO DUDA KAY ‘BIKOY’; PNOY, MAR IDINAWIT DIN
(NI NOEL ABUEL) IBINULGAR ni Senate President Vicente Sotto III na minsan nang idinawit ni Peter Joemel Advincula na magpakilalang “Ang Totoong Narcolist” video narrator ‘Bikoy’ sina dating pangulong Benigno Aquino III, dating Interior and Local Government secretary Mar Roxas at Senador Leila de Lima, sa ipinagbabawal na gamot. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay forum, ipinakita ni Sotto sa pamamagitan ng powerpoint presentation, na taong 2016 nang lumapit sa kanya si Advincula at nagsumite ng sinumpaang testimonya gayundin ng 19 bank accounts. Ngunit tinanggihan umano nito ang nais…
Read MoreSENADO PASOK NA RIN SA MANILA WATER PROBE
(NI NOEL ABUEL) MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Senado sa nangyayaring kaguluhan hinggil sa nararanasang krisis sa tubig sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan. Sa inihaing Senate Resolution 1028, ni Senate President Vicente C. Sotto III, hiniling nito sa Senate Committee on Public Services at sa iba pang kinaukulang komite na alamin ang ugat at solusyon sa nasabing iregularidad sa supply ng tubig. Sa susunod ng linggo nakatakdang dinggin ni Senadora Grace Poe, chairman ng nasabing komite ang nasabing imbestigasyon. Sinabi ni Sotto na hindi katanggap-tanggap na libu-libong pamilya, maging…
Read MoreP79-B ‘ISININGIT’ NG KAMARA SA 2019 NAT’L BUDGET — SOTTO
UMAABOT sa P79 bilyon umano ang isiningit sa orihinal na ratipikasyon ng 2019 national budget, ayon sa pagbubunyag ni Senate President Tito Sotto. Binanggit ni Sotto ang report mula sa Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) na nakikipag-ugnayan sa House Appropriations committee kaugnay ng pambansang pondo ng bansa. Nabatid na nasa P79 bilyon ang inilagay sa budget ngayong taon na wala o hindi bahagi ng napag-usapan sa bicam. Niratipikahan na ng Kongreso ang P3.8 trilyong 2019 budget noong February 8. Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito…
Read MoreGORDON BAKIT TAHIMIK SA P11-B SHABU SHIPMENT?
(NI NOEL ABUEL) MALAKING palaisipan sa ilang senador ang pananahimik ni Senate Blue Ribbon Committee chairperson Richard Gordon kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña kaugnay sa P11 billion shabu shipment sa Cavite. Ipinarating nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador JV Ejercito ang pagtataka sa pananahimik at mistulang pag-absuwelto kay Lapeña na isang command responsibility at kaakibat ng bawat tungkulin. “Command responsibility is everywhere. Unless, ikaw ang makatuklas at ikaw ang umaksyon,” saad ni Sotto. Nilinaw naman ni Sotto na hindi pa niya nababasa ang committee report at…
Read More