LTCC UMAYUDA SA TAAL VICTIMS

LTCC

NAGKALOOB ng tulong ang Laguna Thursday Civil Club (LTCC), sa pamumuno ni Chairman Cesar Areza, sa mga biktima ng Bulkang Taal, sa pamamagitan ng pamamahagi ng tatlong sasakyan ng purified water noong Sabado, Enero 18, 2020, sa evacuation centers sa Magallanes, Cavite. Bukod kay Chairman Areza kasama rin sa nasabing pamamahagi ng tulong ang ilang mga opisyal ng LTCC kabilang si Rico “Okie Dokie” Tiamson na anchorman ng DWBC87.9 FM sa sa Biñan City, Laguna. Nakibahagi rin sa nasabing pagkikos ang Saksi Ngayon News team kabilang ang Vice President at…

Read More

PONDO SA TAAL VICTIMS PAUBOS NA

DILG Undersecretary Epimaco Densing-2

NAUUBUSAN  na ng pondo ang mga lokal na pamahalaan na kabilang sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal. Sa Laging handa press briefing sa Palasyo, inamin ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na masisimot na partikular ang calamity fund ng mga kinauukulang Local Government Units. Ito’y dahil sa hindi pa nasisingil na bayad na manggagaling sana sa amelyar at business permits. Nakikita namang solusyon ng DILG tungkol dito, ang makahugot ng pondo sa kapitolyo ng Batangas at makausap ang Kongreso para sa additional funding. Kaugnay nito’y inihayag ni Usec Densing…

Read More

2 TRUCKS NG RELIEF GOODS SA TAAL VICTIMS

CONG NOGRALES-6.jpg

Rep. Nograles umayuda, bumisita sa evac centers PERSONAL na dinala ni Cong. Fidel Nograles ng 2nd District ng Rizal sa mga biktima ng Bulkang Taal na namamalagi sa tatlong evacuation center sa Lipa City, Batangas ang dalawang truck ng relief goods. Kasama ni Cong. Nograles ang kanyang team kabilang si Rodriguez Chief of Police Lt. Col. Rexpher Gaoiran. Mainit na tinanggap ng mga biktima ang grupo ni Cong. Nograles na sinamahan ng grupo ni dating Mayor Menard Sabile sa pag-iikot sa mga evacuation center. Kabilang sa mga bakwit na nabigyan…

Read More

BONGBONG MARCOS NAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA TAAL VICTIMS

BBM-2

NAGSAGAWA si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng relief operations sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Tuy sa lalawigan ng Batangas nitong Huwebes ng umaga. Kabilang sa tumanggap ng relief goods na ibinahagi ng dating senador ang 214 residente sa Luntal Elementary School sa Barangay Luntal; 230 residente sa Lumbangan-Talon Elementary School sa Brgy. Lumbangan. Nakinabang din sa donasyong tulong ng dating senador ang 175 indibidwal sa Talon Barangay Hall sa Brgy. Talon, 184 residente sa Palincaro Barangay Hall sa Brgy. Palincaro/Malibu. Ikinatuwa rin ng 306 residente ang…

Read More

DAGDAG NA AYUDA SA TAAL VICTIMS ; AYALA GROUP NANGUNA SA PRIVATE SECTOR RELIEF EFFORTS

AYALA-2

BUMUHOS pa ang tulong ng pribadong sektor sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pangunguna ng Ayala Corp. ‪May 30 water tankers na naglalaman ng kabuuang 248 cubic meters ng tubig ang naunang dinispatsa sa 19 evacuation centers sa Batangas at Laguna at tatlong beses na itong pinalitan ng Laguna Water magmula noong Lunes. May kabuuang 10,000 evacuees ang tumanggap ng libreng maiinom na tubig mula sa nasabing mga  tanker. Sa pakikipagtulungan sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (Batangas PDRRMO), ang Manila Water ay patuloy…

Read More