EBIDENSYA SA P74-B ‘PINAKIALAMAN’ NG SENADO INILANTAD

andaya12

(NI BERNARD TAGUINOD) ISINAPUBLIKO na ng liderato ng Kamara ang mga dokumento na magpapatunay na umaabot sa P74 Billion ang halaga na pinakialaman ng mga senador sa 2019 national budget subalit ayaw nilang idetalye kung saan nila ito dinala. Ang hakbang ay ginawa ni House appropriation committee chair Rolando Andaya matapos tawagin  ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang “delusional” o “kahibangan” ang inilantad ng Kamara na pondong pinakialaman ng mga senador. Inilabas ni Andaya ang 22-pahinang dokumento upang ipakitang hindi gawa-gawa ang paratang ng Kamara. Kabilang na rito…

Read More

PAGKALAS NG PINAS SA ICC SUPORTADO SA SENADO 

titosottoicc

(NI NOEL ABUEL) WALANG nakikitang problema ang liderato ng Senado sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, walang negatibong epekto sa bansa ang hindi na pagkilala sa ICC lalo na at hindi naman ito nakatutulong sa buhay ng mga Filipino. Giit pa ni Sotto na maging ang Estados Unidos ay hindi kinikilala ang ICC at walang tumutol na mga mambabatas sa desisyon ng kanilang opisyal. “I don’t think so. As a matter of fact, the United States is also not inclined…

Read More

NAGBAGO NG ISIP: MGA SENADOR PABOR NA SA DEATH PENALTY

death penalty1

(NI NOEL ABUEL) MARAMI nang senador ang nagbago ng isip at ngayo’y sinusuportahan na ang panukalang muling buhayin ang parusang kamatayan laban sa mga gumagawa ng heinous crime. Ito ang sinabi ni Senate President Tito Sotto III, kung saan malaki ang tiyansang makalusot na ang panukalang batas na nakahain ngayon sa Senado para ipatupad ang death penalty sa bansa. Tugon ito ng senador sa nangyaring karumal-dumal na pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa lalawigan ng Cebu. “The way things are happening, marami nang pumapayag sa mga kasama namin. But then…

Read More

CATRIONA PAPUPURIHAN SA SENADO

cat

(NI KC GUERRERO) SA resolusyon na isumite sa Senado noong Lunes, Jan. 14,  pinuri si  Miss Universe 2018 Catriona Elisa Magnayon Gray sa pagbigay ng “great honor, glory and recognition” sa bansang Pilipinas at sa mga mamamayang Filipino. Ang resolusyon ay inendorso  sa sesyon noong nagpatuloy ang  sesyon pagkatapos ng mahabang bakasyon para sa Kapaskuhan at Bagong Taon. Pinuri ni Senate President Vicente Sotto III, sa Senate Resolution 975, ang pagkapanalo ni  Gray at dinaig ang 93 pang mga kandidata sa timpalak kagandahan na  ginanap noong nakaraang December 17, 2018…

Read More

NAGTAKBO NG DATA RECORDS KAKASUHAN

passport

(NI NOEL ABUEL) HINDI dapat palagpasin at kailangang papanagutin ng gobyerno ang dating passport maker na nagtakbo ng data records ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ito ang panawagan nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gitna ng pag-amin ni DFA Secretary Teodoro Locsin na nagsisimula sila ngayon sa pagbuo ng lahat ng records para sa mga passport holder. Sinabi ng dalawang lider ng Senado na dapat obligahin ng DFA ang dating contractor na ibalik ang records dahil ito ay pag-aari ng gobyerno.…

Read More

DUTERTE, SIMBAHAN PAGBABATIIN

digong

(NI NOEL ABUEL) TATANGKAIN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mamagitan sa Pangulo at sa mga obispo at pari upang matapos na ang kanilang bangayan. Naniniwala umano ito na may posibilidad na may iba-ibang sumbong na nakararating kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga kawani ng Simbahang Katolika kaya’t matindi ang gigil nito sa mga obispo at pari. “Maganda siguro, subukan natin mag-mediate, marami ako kaibigan sa CBCP. Every now and then naman nakakausap ko si Presidente. Subukan natin tanungin ko,” saad ni Sotto. Idinagdag pa nito na…

Read More

ASAM NI SOTTO: ENERO 2019 MAIPASA ANG P3.7-T BUDGET

tito sotto

UMAASA si Senate President Vicente Sotto III na maipapasa bago matapos ang Enero 2019 ang P3.7T budget ng national government. Ito ay makaraan ang ilang delay sa diskusyon sa plenaryo. Sa panayam, sinabi ni Sotto na nagbakasyon na ang Kongreso noong Dec 14 nang hindi naaprubahan ang panukala, ngunit umaasa na sa pagbubukas ng Kongreso sa Jan 14 ay agad itong tatalakayin. Tiniyak ni Sotto na isa ito sa mga prayoridad ng Kongreso at pagkatapos ay ang pag-amyenda bago isalang sa bicameral committee. “Alam naman ng Presidente na magkakakaroon ng…

Read More