(NI DAHLIA S. ANIN) IKINATUWA ng Department of Tourism (DOT) paglago ng turismo sa kabila ng pagpapasara sa pangunahing dinarayo ng mga turista – ang Boracay, Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Nasorpresa umano si Puyat sa pagdami ng turista, domestic man at foreigner kahit na sumailalim sa rehabilitasyon ang pinaka pamosong tourist destination sa bansa. Lomobo sa 7.1 million ang turista kumpara sa 6.6 million noong 2017. Tumaas din ang bilang ng mga nagkaroon ng trabaho dahil sa turismo mula sa 5.3 million na ngayon ay 5.4 million na.…
Read More