(NI TERESA TAVARES) IBINASURA lang ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Senator Antonio Trillanes IV na magpalabas ng temporary restraining order ang CA para mapigilan ang pagdaraos ng pagdinig kaugnay sa kanyang kasong rebelyon, sanhi ng Manila Peninsula siege noong 2007. Dahil dito, wala nang balakid sa pagpapatuloy ng pagdinig ni Makati Regional Trial Court, branch 150 Judge Elmo Alameda sa kaso na nakatakda sa May 27. Una nang iginiit ng senador na may abuse of discretion o umabuso sa kapangyarihan si Judge Alameda nung pinayagan nito na…
Read MoreTag: TRILLANES
TRILLANES KAY DU30: BIGO SA PANGAKO
(NI NOEL ABUEL) BINATIKOS ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na sadyang hindi nito natupad ang pangako na sosolusyunan ang krimen, kurapsyon at pagkalat ng illegal na droga na sa kasalukuyan ay lalong lumala. “Klaruhin ko lang, ang mga pangunahing pangako nya na lulutasin nya ang crime, corruption at illegal drugs in 3 to 6 months, ay lalong lumala,” giit nito. “Nagkalat na ang mga killers ngayon sa lansangan. Pinakawalan nya rin ang lahat ng mga kaalyado nyang mandarambong. Sa iligal na droga naman, ni hindi nya…
Read MoreBINTANG NI TRILLANES AYAW PATULAN NG PALASYO
(NI LILIBETH JULIAN) AYAW nang patulan ng Malacanang ang panibagong hirit ni Senator Antonio Trianes IV na nagsabing nagpa medical checkup sa HongKong si Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na umiral na naman ang imahinasyon ni Trillanes. Iginiit ni Panelo na walang maitatago sa byahe at aktibidad ng Pangulo sa HongKong dahil sa dami ng mga Filipino na naroroon. “Sa dami ng mga Pinoy sa HongKong imposible naman hindi siya makilala o makita kung papasok sa ospital,” giit ni Panelo. Ayon kay Panelo,…
Read MorePAGBASA NG SAKDAL KAY TRILLANES INILIBAN
(NI LYSSA VILLAROMAN) IPINAGPALIBAN ng korte sa Pasay City, Biyernes ng hapon, ang pagbabasa ng sakdal laban kay Senador Antonio Trillanes lV bunsod sa kinahaharap nitong kasong grave threat. Ang kasong kinahaharap ni Trillanes ay nag-ugat dahil sa pagbabanta ng senador kay Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jing Paras na siyang nagsampa ng kaso nang magkita sila sa session hall sa Senado noong nakaraang taon. Sinabi ng abogado ni Trillanes na si Attorney Reynaldo Robles, ang pagpapaliban ng arraignment ng hukom ng MTC Branch 47 sa kaso ng senador ay sa…
Read MoreARREST WARRANT VS TRILLANES HINILING SA CA
(NI TERESA TAVARES) HINILING ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Court Appeals (CA) na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Senador Antonio Trillanes IV sa kasong coup d’etat kaugnay sa 2003 Oakwood mutiny. Sa petisyon nito, inihirit ng OSG sa appellate court na ipawalang-bisa ang mga naging kautusan ni Makati RTC Judge Andres Soriano na nagbasura sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) na mag-isyu ng arrest order. Ayon sa OSG, nagkaroon ng grave abuse of discretion sa bahagi ni Soriano nang hindi ipaaresto si Trillanes. Umapela rin ang…
Read MoreKOKO, TRILLANES IDINEPENSA ANG SOBRANG GINASTOS
(NI NOEL ABUEL) IPINAGTANGGOL ng dalawang senador ang naging paggastos ng mga ito noong nakalipas na taong 2017 na inilabas ng Commission on Audit (CoA). Pinaninindigan nina Senador Koko Pimentel at Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na walang masama sa kanilang naging paggastos noong 2017. Tugon ito ng dalawang senador makaraang lumabas sa report ng CoA na sila ang top 2 biggest spender sa Senado. Sinabi pa ni Pimentel na hindi na nakakagulat ang ulat dahil nang mga panahon na iyon ay ito pa ang naupong Senate President. Ipinaliwanag nito na…
Read MorePIYANSA NI TRILLANES IPINAKAKANSELA NI DUTERTE
HINAHARANG ng kampo ni presidential son Paolo Duterte ang piyansang P96,000 ni Senador Antonio Trillanes IV para sa pansamantala nitong paglaya sa kasong libel. Sa mosyon, sinabi ng kampo ni Duterte na nabalewala na umano ang pagpiyansa ng senador nang umalis siya ng bansa nang hindi muna nagpapaalam sa korte ng Davao kung saan nakahain ang kasong libel. Galing sa Europa, pinayagan umano ang senador ng Makati court kung saan kinakaharap ang kasong rebelyon na binuhay ilang taon na ang nakalilipas. Nakatakda ring umalis si Trillanes patungong Amerika sa Enero…
Read MoreTRILLANES NASA DAVAO VS KASO NI PAOLO
LUMAPAG na sa Davao si Senador Antonio Trillanes IV para sa arraignment ng kasyong isinampa nina presidential son Paolo Duterte at Atty Manases Carpio. Noong December ay nagpalabas si Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng Davao City Regional Trial Court Branch 54 ng apat na warrant of arrest laban kay Trillanes na inaasahang magpipiyansa sa mga inihaing demanda. Alas-5:00 kaninang umaga dumating si Trillanes sa teritoryo ng mga Duterte at matapos nito, sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Paolo na asahan umano ang ‘tomato throwing’ event ngayong araw. 302
Read MoreARREST WARRANT VS TRILLANES MULING IAAPELA
POSIBLE umanong iapela ng kampo ni Sen. Antonio Trillanes IV sa mataas ng hukuman ang pagkakabasura sa kanilang mosyon na pagbabalewala sa arrest warrant na inilabas ni Makati Regional trial Court (RTC) Branch 150 Judge Elmo Alameda. Ang kaso ay may kaugnayan sa rebellion case walong taon na ang nakararaaan laban kay Trillanes na muling binuhay noong nakaraang taon. Hinihintay na lamang umano ng kampo ni Trillanes, ayon kay Atty. Rey Robles, ang kopya ng court resolution para makagawa ng hakbangin. Si Trillanes ay nasa Amerika ngayon dahil sa…
Read More