WELLMED SABIT DIN SA INSURANCE FRAUD SA AMERIKA

USAPANG KABUHAYAN

Nag-utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation na arestuhin ang mga may-ari ng WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp. na umano ay sabit sa mga pekeng insu­rance claim sa Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth para sa mga dialysis treatments na hindi naman nangyari para sa mga pasyenteng patay na. Iniutos ng pangulo na pag inaresto ang mga may-ari ng naturang dialysis treatment center ay dalhin sila sa Malacañang dahil gusto niyang tanungin nang harapan kung bakit nagawa nilang kurakutin pati na ang PhilHealth insurance payments na…

Read More

ANG GLORYA NG MALACAÑANG KAY SPEAKER GLORIA

USAPANG KABUHAYAN

Isang mahalagang aspeto ng programa ng kahit na anong pamahalaan ay ang pagpapasa ng mga bagong batas na nagbibigay ng dagdag na kita o naglalagay ng sistemang legal para maipatupad nito ang anumang programa nito, na inaasahan na magiging dahilan upang lalong umunlad ang bansa o bigyang lunas ang anumang problema na nagpapahirap sa taumbayan. Ang pinagmamalaki ni outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinasa nila ang mga pangunahing batas na ipinanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address o SONA nitong taong 2018. Ang unang-una na…

Read More

MGA NAGTATANIM NG BUKO HINDI NA MABUBUKULAN SA AMERIKA

USAPANG KABUHAYAN

Ayon sa dating Pangalawang Kalihim ng pagsasaka noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Ernesto Ordoñez, lumaki na raw nang todo ang pagkalugi ng mga magsasaka ng niyog dahil daw sumobra na ang bagsak ng presyo nito dahil sa pagbagsak ng presyo ng mantikang galing sa niyog sa pandaigdigang merkado. Halos 95 porsyento kasi ng mga itinatanim na niyog sa ating bansa eh ginagawang mantika na ibinebenta sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ang Pilipinas daw ang may pinakamalaking produksyon ng niyog para sa paggawa ng mantika, ayon…

Read More

MASAYA ANG SMART AT GLOBE, PERO TAYO AY HINDI

USAPANG KABUHAYAN

Noong bata ako ay may telepono kami sa bahay ng lola ko pero mayroon kaming ka-crossline, o kahati sa linya. Hindi ka pwedeng magtelebabad dahil sasabihin sa iyo ng ka-crossline mo na pagamit naman sila ng telepono. Kung hindi ka titigil sa telepono ay maririnig mong taas sila nang taas ng handset, o hindi kaya naman ay makikinig o makikisabat pa sila sa usapan ng kausap mo. Ibang-iba na simula nang buksan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang industriya ng telekomunikasyon sa kompetis­yon. Naglabasan ang lahat ng mga bagong kompanya…

Read More

GAANO KAHIRAP GUMASTOS NG P800 BILYON?

USAPANG KABUHAYAN

Isang problema na inire-reklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang bagal ng proseso ng paggastos ng mga pondong inilaan para sa mga proyekto dahil sa dami ng mga dapat na daanan na proseso ng bidding o bago ma-award ang kontrata sa mga nanalong bidders. Ang ekonomiya kasi ay lumalaki ayon sa pera na ginagastos sa isang bansa, kasama na rito ang perang pinambibili natin ng mga bagay na kailangan natin sa bahay o sa buhay, sa sweldong ibinabayad sa atin ng ating mga kompanya, ang perang ginagastos ng mga negosyante…

Read More

MAS GAGANDA ANG BUHAY SA SIPAG AT TIYAGA

USAPANG KABUHAYAN

Kalahati ng mga Filipino ang umano’y umaasa na gaganda pa ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan at apat sa 10 Filipino naman ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay nitong nakaraang taon, ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) nitong nakaraang Marso o halos dalawang buwan bago ang eleksyon noong Mayo 13. Ang ganitong kataas na kumpiyansa sa pagganda ng kanilang buhay ang marahil isang dahilan sa naging panalo ng mga kandidato para senador ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong katatapos lang na eleksyon. Maliban kay Dong…

Read More

POLITICAL DYNASTIES MASAMA SA KABUHAYAN

USAPANG KABUHAYAN

TUWANG-TUWA ang marami sa naging resulta ng nakaraang eleksyon ay ang pagkatalo ng mga kandidato na galing sa mga pamilya na matagal nang nagpapasahan ng mga pwesto tuwing matatapos na ang term limits ng isa sa mga bago at may modernong kaisipan na mga kandidato. Pero ang hindi alam ng marami ay kahit na nakita natin na may mga ganitong kaso sa iilang lugar sa Pilipinas, karamihan pa rin ng mga probinsya at iba pang lokal na pamahalaan sa bansa at maging mga pwesto sa Kamara ay napanalunan ng mga kandidato…

Read More

KABUHAYAN MAS GAGANDA KUNG BAWAS ANG POLITIKA

USAPANG KABUHAYAN

Ngayong araw na ito ay boboto ang halos 60 mil­yong Filipino, o mga 80 porsyento ng mga rehistradong botante sa ating bansa, para sa 12 senador, mga mahigit 200 miyembro ng kongreso at mga 18,000 lokal na opisyal. Sa aking kwenta, gumastos ang lahat ng mga kandidato para sa halalang ito ng mga P18 bilyon. Siguro ay mga P100 milyon hanggang P500 milyon para sa indibidwal na kandidato para senador, P10 milyon hanggang P500 milyon para sa mga kandidato para kongresista, gobernador ng probinsya o mayor ng malalaking siyudad, at…

Read More

BUKSAN ANG BANK ACCOUNTS PARA MAHULI ANG MGA KRIMINAL

USAPANG KABUHAYAN

ISANG panukala kamakailan ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno na buksan lahat ng mga bank accounts sa mga awtoridad ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang umano ay matunugan agad ang anumang krimen na nababayaran ng sekreto dahil sa mas mababang deposito na hindi kailangang repasuhin ng BSP. Bawal kasi na imbestigahan ang laman ng anumang bank account sa ilalim ng Bank Secrecy Act, pero lahat ng mga deposito na lalagpas ng P500,000 kada araw ay awtomatikong tinitingnan ng Bangko Sentral para malaman kung ito ba ay isang kaso…

Read More