YOSI, ALAK, VAPE MAY DAGDAG BUWIS NA  

(NI ESTONG REYES) INAPRUBAHAN ng   Bicameral Conference Committee ang panukalang dagdagan muli ng panibagong buwis ang sigarilyo, alak at e-cigarette o vape upang makakalap ng sapat ng pondo ang pamahalaan para sa Universal Health Care (UHC). Sa magkahiwalay na panayam, sinabi ni Senador Pia Cayetano, chairman ng Senate committee on ways and means; at Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means na nagkasundo ang dalawang kapulungan na dagdagan muli ang buwis sa naturang produkto matapos ang mahabang diskusyon na ginanap sa Senado. Anila, nagkasundo ang bicam …

Read More

200-K SA 1 MILYON PINOY NA GUMAGAMIT NG VAPE, BAGETS

(NI BERNARD TAGUINOD) TINATAYANG isang milyong Filipino ang humihithit ng e-cigarettes o vape kung saan 200,000 dito ay mga menor de edad. Ito ang nabatid sa Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD) o samahan ng mga mambabatas sa dalawang kapulungan ng Kongreso. “According to the Department of Health (DOH), around 1 million Filipinos use e-cigarettes. Of this figure, about one in every five are young people between the ages of 10 to 19,” ani Romeo Dongeto, executive director ng PLCPD. Tila dismayado si Degato dahil base sa kasalukuyang…

Read More

BOC: HIGPITAN PAGPASOK NG VAPE

KASABAY ng pag-init ng usapin kaugnay sa paggamit, pagbili at pagbebenta ng e-cigarette o vape, nagpalabas na rin ng kautusan ang Bureau of Customs sa Intelligence and Enforcement Groups nito at maging sa mga daungan na maging mapagmasid sa pagpasok ng Vape pro­ducts at mga katulad nito. Sinabi ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang kanyang pinalabas na direktiba ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang importasyon matapos ang mahigpit na pakikipagtalastasan sa iba’t ibang mga ahensiya kabilang ang Food and Drug Administration. Ayon sa BOC, nakiki­isa sila sa nais…

Read More

BAN O REGULATE?

(NI NOEL ABUEL) NAIS ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na klaruhin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tunay na paninindigan nito sa isyu ng vaping o e-cigarette. Ayon kay Zubiri, makikipag-ugnayan sila sa Malakanyang upang maging malinaw din ang direksyon na kanilang tatahakin sa lehislatura. Ipinaliwanag ng senador na kung sadyang nais ng Pangulo na total ban ang ipatupad laban sa vaping ay mangangailangan ng batas para magkaroon ng regulasyon sa implementasyon nito. “Gusto namin makipag-usap kay Presidente ano ba talaga ang gusto nya. Kung talagang outright ban, kailangan meron…

Read More

SENADO KIKILOS NA RIN VS E-CIGARETTES

(NI NOEL ABUEL) HUWAG nang hintayin pa na may panibagong pasyenteng madala sa ospital o masawi bago kumilos ang pamahalaan para kontrolin ang paggamit ng electronic cigarette o vaping-associated lung injury (EVALI). Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian kung kaya’t inihahanda nito ang isang panukala na naglalayong mabantayan ang pagbebenta sa merkado ng e-cigarettes, vapes at iba pang electronic nicotine. “Let’s not wait for another patient to be confined, or even worse die, as a result of EVALI. It’s time to regulate these smoking devices and save the lives…

Read More

DUTERTE SUPORTADO SA ANTI-VAPE CAMPAIGN SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) SUPORTADO Suportado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anti-vape campaign dahil mapanganib umano ang bisyong ito sa kalusugan ng mga tao. Ito ang napag-alaman kay House Speaker Allan Peter Cayetano kasunod ng kautusan ni Duterte na ipagbawal ang pag-angkat ng vape product at paggamit nito sa mga pampublikong lugar. “We will support the President kasi anything that is a danger to health. Having said that, anything that’s a danger to health, dapat pumasok ang gobyerno,” ani  Cayetano. “We don’t want people to get…

Read More

BAWAL NA ANG DELIKADONG VAPE

SIDEBAR

Taong 2017 nang ipag-bawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa pamamagitan ng isang executive order at sumunod lahat ng esta-blisimiyento sa buong bansa at naglagay ng mga no-smoking and smoking area. Mayor pa lamang ng Davao City si Pangulong Duterte nang matagumpay niyang ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa lungsod at ang mga nahuhuli ay ginagawaran ng karampatang parusa ayon sa nilalaman ng City Ordinance. Ngayon naman ay vaping in public ang ipinagbawal ng pangulo na dapat sana ay napabilang na rin sa inilabas na…

Read More

PAG-BAN SA VAPE, HINAY-HINAY LANG – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAGHIHINAY ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang gobyerno sa pagba-ban sa vape o e-cigarette products dahil wala pa umanong matibay na ebidensya na nagdudulot ito ng sakit sa lalamunan. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-ban nang tuluyan ang vape na ginawang alternatibo sa sigarilyo, matapos magkasakit umano ang isang dalagita sa Cebu. “While I understand our health authorities, their position however is more of a knee-jerk reaction, without the proper information.  It is very…

Read More

ALL OUT WAR VS VAPE, UMPISA NA 

(NI JG TUMBADO) HUHULIHIN na ng pulisya ang sino mang maaaktuhang gumagamit ng vape at e-cigarettes sa pampublikong lugar sa buong bansa. Ito ay alinsunod sa kautusan na ipinalabas ng pamunuan ng pambansang pulisya sa direktiba na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte, na tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng vape cigarettes sa buong kapuluan. Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. General Bernard Banac, naglabas na ng kautusan ngayong Miyerkoles si PNP Officer in charge Lt. General Archie Gamboa, kung saan inaatasan ang lahat ng police personnel sa buong bansa na…

Read More