CAYETANO BABABA SA SPEAKERSHIP –VELASCO

(NI BERNARD TAGUINOD) NANINIWALA si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco na pagdating ng panahon ay bababa rin si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ginawa ni Velasco ang pahayag  sa ambush interview nitong Martes sa Kamara, kaugnay ng isyu na posibleng manatiling Speaker si Cayetano hanggang matapos ang 18th Congress. “I know naman for a fact na usapang lalaki… definititely when the 15months is already due I believe Speaker Allan will step down and hand the speakership sa inyong lingkod,” ani Velasco. Magugunita na nagkasundo ang…

Read More

CAYETANO RUMESBAK KINA DRILON, NOYNOY: ‘WAG NGA KAYONG IPOKRITO

(NI ABBY MENDOZA) BINUWELTAHAN ni House Speaker Alan PEter Cayetano si dating pangulong Noynoy Aquino at Sen Franklin Drilon at sinabing kung nalalakihan ito sa P6B na ginastos sa SEA Games ay pinaalala nitong noong 2015 APEC Summit sa ilalim ng nakalipas na administrasyon ay P10B ang ginugol ng gobyerno. Ang buwelta ni Cayetano kay Aquino ay matapos nitong sang-ayunan ang nauna nang pahayag ni Drilon na 50 classrooms na sana ang maipagagawa sa P50M cauldron na gagamitin sa SEA Games. “Ang sinasabi ko lang yung hypocrisy na nung P10…

Read More

DISASTER DEPT. BILL UMARANGKADA NA

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL kabilang ang Pilipinas sa  bansa na nasa ‘top higher risk of disasters’, inarangkada na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtatag ng Department of Disaster Resilience. Sa sponsporship message ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, hiniling nito sa kanyang mga kasamahan sa Kamara na pagtibayin na ang nasabing panukala upang mapaghanda at maiwasan ang mas malalang sakuna sa panahon ng kalamidad. Ayon kay Velasco, sa pulong nila ni Dr. Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), lumalabas na ang Pilipinas ang…

Read More

NEXT SPEAKER GINAWANG PDP-LABAN LEADER SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) BILANG preparasyon marahil sa pagpapalit ng liderato ng Kamara, itinalaga na ng administration party na PDP-Laban si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco bilang lider ng kanilang partido sa Kamara. Si Velasco ang kapalit ni House Speaker Allan Peter Ceyatano ng miyembro ng National Party (NP) sa Oktubre 2020 matapos magkasundo ang dalawa sa term-sharing sa liderato ng Kamara sa natitirang tatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan. “I am humbled and honored by the decision of the leadership of PDP-Laban to appoint yours truly as party…

Read More

P1-M ‘VOTE BUYING’ SA SPEAKERSHIP KINUMPIRMA NI ALVAREZ

speaker23

(NI ABBY MENDOZA) HINDI pa man nagsisimula ang 18th Congress simula na ang gapangan sa kung sino ang susunod na House Speaker. At sa gitna ng inaaaahang mainit na labanan sa mga contenders, kinumpirma ni dating House speaker Pantaleon Alvarez na may nag-aalok na ng P1M sa bawat kongresista para makuha ang kanilang boto. Bagama’t hindi tinukoy ni Alvarez kung sino sa mga aspirante sa speakership ang nagsisimula na ng vote buying sa mga kongresista, kinumpirma naman nito na P1M ang pondo para dito. Nitong nakaraang araw ay isang text…

Read More

VELASCO SIBAK SA MWSS

mwss12

(NI BETH JULIAN) PINALITAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na si Reynaldo Velasco. Huwebes ng gabi nang i-anunsyo ito ng Pangulo sa isinagawang thanksgiving party ni Senator-elect Bong Go sa Davao City. Sa talumpati ng Pangulo, inihayag  nito na si Retired Army General Ricardo Morales, tubong Davao,  na ang mamumuno sa MWSS. Ang pagsibak ng Pangulo kay Velasco at pagkakatalaga naman nito kay Morales ay matapos ang naganap na krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal nitong nakalipas na Marso…

Read More

KAHIT MAY GAPANGAN; DU30 MAY ‘LAST SAY’ SA SPEAKERSHIP

duterte17

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG sino ang susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kandidato sa speakership sa Kamara ang siyang magtatagumpay na mamumuno sa Kapulungan sa 18th Congress. Ito ang sinabi ng isang mambabatas sa Kamara na hindi na nagpabanggit ng pangalan sa gitna ng “gapangan” ngayon ng mga kandidato sa speakership sa mga nanalong kongresista noong nakaraang eleksyon. Base sa impormasyon na nakarating sa Saksi Ngayon, nangunguna na si Leyte Congressman-elect Ferdinand Martin Romualdez kung paramihan na ng supporters ang pagbabasehan. Nabatid sa impormante na mayroon na umanong 126 congressmen ang…

Read More