PAG-VETO SA 2020 BUDGET HINILING KAY PDU30

(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ng Makabayan bloc kay Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan muna ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion matapos ibunyag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na umaabot sa mahigit P90 Billion na  ‘pork barrel’  ang nailusot dito at kung kinakailangan ay dapat aniya itong i-veto. Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang nasabing hamon matapos ratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang 2020 national budget at nakatakdang dalhin na ito sa Office of the President para lagdaan ng Pangulo. “Ang hamon namin sa Malacanang mismo…

Read More

DU30 NAG-VETO SA PUP BILANG NATIONAL UNIVERSITY

(CHRISTIAN DALE) IBINALIK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso ang bill o panukalang batas ng pinagsamang Senate Bill No. 2124 at House Bill No. 9023 (The Charter of the Polytechnic University of the Philippines) na wala niyang pirma. Ang kopya ng kanyang liham kay Senate President Vicente Sotto III at mga miyembro ng Senado ay ipinalabas ng Malacanang sa media. “While I recognize the noble objective of the measure to promote, foster, nurture, and protect the right of all citizens to accessible quality education, I have serious reservations on…

Read More

‘NO VETO’ TARGET NG KONGRESO SA 18TH CONGRESS

martin100

(NI ABBY MENDOZA) PARA matiyak na walang panukala na mabi-veto kung saan walang maaksayang pera at oras, mas pinalakas ng Kongreso ang koordinasyon nito sa Palasyo para matiyak na ang mga aaprubahang panukala ay hindi maaksaya at tuluyang maisasabatas. Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez para masiguro ang No Veto sa 18th Congress ay nagkaroon na sila ng pagpupulong sa Malacanang sa pagitan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) at mga Cabinet secretaries. “We agreed to hold a regular monthly meeting to ensure a better shepherding of President’s  priority measures.…

Read More

BAHAGI NG 2018 NAT’L BUDGET NA NAI-VETO TINUKOY NI DU30

DU30

(NI BETH JULIAN) TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bahagi ng kanyang veto message para sa General Appropriations Act of 2019 o ang national budget. Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo na hindi niya hahayaan ang anumang pagtatangka na salungatin ang Konstitusyon. Tinukoy ng Pangulo ang 12 probisyon sa national budget na ibinasura nito kabilang na ang ilan gaya ng paggamit ng “income” sa ilalim ng DOLE-National Labor Relations Commission; assistance sa municipalities at cities sa ilalim ng local government support fund; probisyong patungkol sa pangongolekta ng fees para sa retainment o re-acquire…

Read More

P100-B SA P3-T NAT’L BUDGET, ‘DI PRAYORIDAD — PALASYO

duterte500

(NI BETH JULIAN) BAGAMA’T tapos nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget, halos nasa P100 bilyon naman mula sa kabuuang P3.757 trilyon halaga ng pondo ang kanyang nai- veto. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang ginawang pag veto ng Pangulo sa P95.3 bilyon na bahagi ng  2019 national budget ay itinuring na lihis sa Saligang Batas. Sinabi ni Panelo na idinahilan ng Pangulo na hindi naman prayoridad ng pamahalaan ang mga proyektong nakapaloob sa P95.3 bilyon sa national budget kaya hindi nito hinayaang makalusot ang  karagdang…

Read More

DU30 IPIT: TULUYANG PAG-VETO SA 2019 BUDGET POSIBLE

duterte500

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinasantabi ng isang opposition congressman na tuluyang i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget upang hindi nito masaktan ang Senado at Kamara. Sa press conference, Biyernes ng hapon sa Kamara, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, hindi kayang isakripisyo ni Duterte ang kanyang ka-alyansa sa dalawang Kapulungan kaya para maiwasan umano ito ay ive-veto na lamang nito ang buong P3.757 Trillion national budget ngayong taon. “Pag kinampihan niya ang House magagalit ang Senate, pag kinampihan niya ang Senate magagalit ang House. Magkakaroon…

Read More