KINUMPIRMA ng Department of Health na positibong may kaso na ng 2019 novel coronavirus sa bansa. Sa press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, isang 28- anyos na babaeng Chinese mula sa Wuhan, China ang kumpirmadong may dala ng virus sa bansa na dumating sa Maynila noong Enero 21 mula sa Hong Kong. Ang pasyente, na nagpa-check up noong Enero 25 matapos makaranas ng pag-ubo, ay nilalapatan ng lunas sa isang pampublikong pagamutan. Nakumpirma na positibong infected ng N-CoV ang babaeng Chinese matapos maisagawa ang laboratory test sa…
Read MoreTag: villar
MONOPOLYO NA NI VILLAR
BMP: Kapag nakuha ng Prime Water ang NCR water distribution NAPAKALAKAS ng paniniwala ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na posibleng makuha ng Prime Water Infrastructure Corporation na pag-aari ng pamilya nina dating Senate President Manny Villar at Senadora Cynthia Villar ang negosyong distribyusyon ng tubig sa National Capital Region (NCR) kapag tuluyang pinutol ng administrasyong Duterte ang kontrata ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. sa pamahalaan. Sa eksklusibong panayam kay Leody de Guzman, tagapangulo ng BMP, kumbinsido ang kanyang organisasyon na posibleng mapunta sa mga…
Read MoreVILLAR, HAHARANGIN SA WATER SERVICE
IPINASASARA ng isang mambabatas ng mababang kapulungan ng Kongreso ang “pintuan” para kay dating Senate President Manny Villar kaugnay sa water distribution service sa Metro Manila sakali man at bawiin ang kontrata mula sa Manila Water at Maynilad. Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, bagama’t suportado ng kanilang grupo ang pagbawi sa kontrata mula sa dalawang water concessionaires, hindi maiwasang mangamba sila na ililipat lamang ito sa ibang negosyante tulad ni Villar, may-ari ng Prime Water. Kaya naman, hinamon ni Brosas si Pangulong Rodrigo Durete na rebyuhin, rebisahin at…
Read MoreWATER SERVICE KAY VILLAR MAS LALALA
(BERNARD TAGUINOD) HINDI lang mas mahal, lalong lalala ang serbisyo kapag ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaalyadong si dating Senate President Manny Villar ang water distribution service sa Metro Manila. Ito ang babala ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na tutol na ipasa sa pribadong kumpanya ang water service distribution kapag hindi kinagat ng Manila Water at Maynilad ang bagong water contract na binuo ng mga economic manager ni Duterte. Hindi isinasantabi ng dating mambabatas ang posibilidad na ibibigay ni Duterte sa Prime Water Infrastructure Corp., na…
Read MoreVILLAR: KUNG MAHAL ANG GALUNGGONG, ‘WAG KUMAIN!
(NI DANG SAMSON-GARCIA) “KUNG mahal ang galunggong, eh ‘di wag kumain ng galunggong, di ba?” Ito ang iginiit ni Senador Cynthia Villar kasunod ng pagtaas ng presyo ng iba’t ibang mga produkto, kabilang na ang galunggong. Sinabi ni Villar na marami namang alternatibong pwedeng gawin kaya’t hindi kailangang magtiis ang taumbayan sa mga produktong mataas ang presyo. “There are other alternatives na pwedeng gawin, bakit ba gustong-gusto ninyo ang galunggong kung mahal ang galunggong,” giit nito. Iginiit ng senador na ang pagbili ng mga produkto kahit mataas ang presyo ay…
Read MoreTAKE-OVER NG VILLAR SA WATER SERVICE SA METRO TINUTULAN SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) TINUTULAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa sa kumpanya ng mga Villar ang water service sa Metro Manila na hawak ngayon ng Manila Water at Maynilad dahil tiyak na lalong mapipiga umano ang mga consumers. “Nationalization of water services ang solusyon dito, hindi transfer of control to his crony, not Villarization,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat itake-over ng mga Villar ang water service sa Metro Manila. Ang PrimeWater Infrastructure Corp., ay pag-aari ng kumpanya ng…
Read MoreVILLAR KINASTIGO NG ALYANSA NG MGA GURO
(NI NOEL ABUEL) BINATIKOS ng ilang guro si Senador Cynthia Villar sa pahayag nitong dapat na ipasara ang mga eskuwelahang palpak sa pagtuturo sa mga estudyante nito. Giit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, malaking insulto umano ang pahayag ng senadora at hindi katanggap-tanggap lalo na at isa itong mataas na opisyal ng pamahalaan. “It is unbelievable for such irresponsible and anti-student comment to come from one of the top officials in the land who is expected to uphold the Constitution, which out rightly mandates the State’s responsibility to…
Read MorePAARALANG MAHINA ANG KALIDAD NG EDUKASYON PINABUBUWAG
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KUNG si Senador Cynthia Villar ang tatanungin, mas nanaisin nitong buwagin ng Department of Education (DepEd) ang mga ‘underperforming’ na paaralan at bigyan naman ng reward ang mga eskwelahan na mataas ang kalidad ng edukasyon. “‘Yung magagaling na estudyante, ang school nila dapat may mga national exams tapos na-me-measure mo, and then yung magagaling na estudyante, bigyan natin ng reward,” saad ni Villar. “‘Yung mga maliliit (na schools) baka idisband natin yun,” dagdag pa ng senador. Ang pahayag ni Villar ay kasunod ng report na nangungulelat ang…
Read MoreCLEARANCE SA RICE IMPORTATION PINAHIHIGPITAN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) MATAPOS pangunahan ang pagpapasa ng panukala para sa liberalization ng pag-aangkat ng bigas, pinahihigpitan ngayon ni Senador Cynthia Villar sa Department of Agriculture ang rice importation. Ito ay kasunod ng report ng United States Department of Agriculture Foreign Agricultural Services na umabot na sa 3 million metric tons ng bigas ang inangkat ng Pilipinas simula nang aprubahan ang Rice Tariffication Law. Lumitaw sa ulat na ang Pilipinas ang itinuturing na world biggest rice importer at naungusan na ang China. Sinabi ni Villar, chairperson ng Senate Committee on…
Read More