VILLAR KINASTIGO NG ALYANSA NG MGA GURO

(NI NOEL ABUEL)

BINATIKOS ng ilang guro si Senador Cynthia Villar sa pahayag nitong dapat na ipasara ang mga eskuwelahang palpak sa pagtuturo sa mga estudyante nito.

Giit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, malaking insulto umano ang pahayag ng senadora at hindi katanggap-tanggap lalo na at isa itong mataas na opisyal ng pamahalaan.

“It is unbelievable for such irresponsible and anti-student comment to come from one of the top officials in the land who is expected to uphold the Constitution, which out rightly mandates the State’s responsibility to provide free, quality education to all Filipinos,” ayon kay Joselyn Martinez, ACT chairperson.

Una rito, binanggit ni Villar na panahon nang isara ang mga paaralang palpak bunsod ng pagbagsak ng Pilipinas sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA).

“It is a big insult to our teachers who sacrifice daily to teach despite wanting state support, not because of what they will get in exchange, but out of their real love for Filipino children and genuine sense of public service,” giit pa ni Martinez.

Hinamon din ng nasabing grupo si Villar na sumama sa pagtuturo ng mga guro sa malalayong lugar upang malaman at makita nito ang sakripisyong dinaranas ng mga guro at estudyante.

“We challege Sen. Villar to spend a month teaching in a far-flung barrio for her to see the sacrifices of teachers and how eager our students are to learn. While at it, she can also join the communities in planting crops so that she may correct her many misconceptions on farmers,” hamon pa ni Martinez.

 

380

Related posts

Leave a Comment