(NI BERNARD TAGUINOD) SINIMULAN na ngayong araw na ito ang pangangalap ng lagda ng mga apektadong customer ng Manila Water sa naganap na water shortage upang huwag silang singilin sa susunod nilang water bill. Ito ang napag-alaman sa grupo ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin upang i-pressure ang Manila Water na itigil ang paniningil sa susunod na water bill matapos pumalpak ang kanilang serbisyo. Nabatid na sisimulan ang pangangalap ng mga lagda sa mga residente ng Mandaluyong City na labis na naapektuhan sa water shortage simula noong Marso 7, 2018.…
Read More