(NI JG TUMBADO) PAPANAGUTIN ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde kapag mapatunayang nagpabaya sa tungkulin ang ilang tauhan ng Novaliches Police Station 4 sa sumbong ng whistleblower kaugnay ng “ghost dialysis” scam. Kasunod ito ng alegasyon na hindi umano inaksiyunan ng Novaliches Police ang inihaing reklamo ng mga whistleblower sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng WellMed Dialysis Center. Batay sa report, ginawan lamang ng blotter ng nakatalagang desk officer ang complaint ng whistleblower at hindi man lang inimbestigahan. Dahil dito, pinatutukoy na rin ni Albayalde kung sino ang…
Read More