(NI BETH JULIAN) HINDI nabahala ang Malacanang sa text message ni Zhao Jianhua kung saan sinabi nito na baka nag-eespiya na rin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa kanilang bansa. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa tingin nya ay sariling sentimyento lamang ito ni Zhao at hindi naman talaga maaaring mai-apply sa mga OFW. Ayon kay Panelo, tulad ng paniniwala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang mga OFW ay nagpupunta sa China at sadyang nagtatrabaho lamang doon sa iba’t ibang lugar, taliwas sa Chinese workers na unang…
Read MoreTag: zhao
ZHAO IPATATAWAG SA PALASYO ITINANGGI NI NOGRALES
(UPDATED) (NI BETH JULIAN) KAUGNAY ng nauna nang ulat na ipatatawag sa Malacanang si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kaugnay ng insidente ng Recto Bank Collision, agad din itong pinabulaan ni Nograles. “Isaid that is not true,” deretsang pahayag ni Nograles. Matatandaan na una na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi na kailangang ipatawag ng Malacanang si Zhao. “Kung nakikinig siya (Zhao) sa Palace briefing ay maaari na itong magbigay ng pahayag hinggil sa insidenteng naranasan ng 22 mangingisdang Pilipino sa Recto Bank sa Palawan,” katiwaran…
Read More‘HARASSMENT’ PERSONAL NA AALAMIN NI PANELO KAY ZHAO
(NI BETH JULIAN) PERSONAL na tatanungin ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kung totoong mga tauhan ng Chinese Coast Guard ang napaulat na sangkot sa panibagong pagtataboy umano sa ilang Pilipinong mangingisda sa Panatag Shoal. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Panelo na mahalagang maliwanagan muna mula sa Chinese embassy kung talagang mga tauhan nila ang mga nasa Panatag Shoal, gayundin ang layunin ng pananatili ng mga ito sa lugar. Sinabi ni Panelo na may tinatanggap din silang report na hindi…
Read MorePAGTABOY NG CHINESE VESSELS SA PINOY FISHERMEN AALAMIN NI ZHAO
SINABI ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na patuloy nilang bineberipika ang insidente ng harassment ng Chinese nationals laban sa mga Pinoy na mangingisda malapit sa Pagasa Island sa South China Sea. Inaalam din ni Zhao kung lehitimo ang report o hindi. Nauna nang sinabi ni Kalayaan, Palawan Mayor Roberto del Mundo na itinaboy ng Chinese vessels ang umano’y mga mangingisda sa kalapit na sandbar malapit sa Pagasa island na pag-aari ng Pilipinas. Gayunman, sinabi ni ng Department of National Defense na walang pormal na iniakyat na reklamo sa kanilang tanggapan…
Read More‘GANTI’ SA PINOY WORKERS SA CHINA ITINANGGI NI ZHAO
(NI BETH JULIAN) TIKLOP si Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo sa nauna nitong pahayag na gaganti umano ang China sa mga Filipinong manggagawa sa kanilang bansa kapag pinadeport ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Chinese workers na nasa bansa. Ito ay matapos itanggi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na nagbigay ito ng naturang banta. Paliwanag ni Panelo, hindi naman ito talagang sinabi ng Ambassador ng China kungdi bahagi lamang ng academic discussion. Katwiran ni Panelo na sinasabi lamang nya ang natural na reaksyon ng isang gobyerno kapag nadedehado ang kanilang…
Read MoreDU30, ZHAO: ILLEGAL DRUGS TINALAKAY
(NI LILIBETH JULIAN) KINUMPIRMA ng Malacanang na nakipagpulong si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na tinalakay ng dalawang lider ang pagiging talamak pa rin ng ilegal na droga sa bansa at ang ginagawang hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas para ito masawata. Ayon kay Panelo, natalakay din ang bilateral relations ng Pilipinas at China hinggil sa aspeto ng seguridad, kalakalan, people to people exchanges, ang pagtutulungan sa mga regionals at international issues. Sa pagpupulong ay…
Read More