HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros ang World Health Organization (WHO) na isama sa kanilang global pandemic response plan ang Taiwan.
Sinabi ni Hontiveros na nababahala siya sa hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasama ang Taiwan sa COVID 19 response.
“Nakakabahala na hindi pa rin kasali ang Taiwan sa mga plano ng WHO para sa paglaban natin sa pandemya. Sari-saring mga eksperto na ang nagsabi na kailangang inclusive ang paglaban natin sa pandemya. Ignoring Taiwan creates a loophole in the global health network. Baka ito pa ang simula ng mas marami pang problema o komplikasyon para sa buong mundo,” saad ni Hontiveros
Iginiit ni Hontiveros na kailangan ng inclusive approach na pandemic response upang matiyak na lahat ay magiging ligtas.
“This pandemic has again reminded us that infectious diseases know no borders and every country in the world should work together to address any health concerns and epidemic crises regardless of political considerations,” diin ni Hontiveros.
Ang hindi pagsali sa Taiwan sa WHO global response ay dahil sa claim ng People’s Republic of China (PRC) na kanila itong probinsya. (DANG SAMSON-GARCIA)
