TANDEM HULI SA BARIL AT SHABU

HINDI nakalusot sa inilatag na checkpoint ng mga tauhan ng Pasong Putik Police Station (PS-16) ang dalawang lalaki matapos mahulihan ang mga ito ng mga baril at shabu sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City nitong Huwebes.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin, ang mga suspek na sina Victor Alferez, 20, motorcycle driver, at Hammad Khaled Husni Hammad, 33-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling araw, naglatag ng checkpoint ang mga tauhan ng PS-16 sa Sampaguita St., Brgy. Pasong Putik.

Dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, pinahinto ng mga awtoridad ang mga suspek na lulan ng motorsiklo ngunit nakumpiskahan ang mga ito ng isang Señorita caliber .38 double barrel, isang Armscor caliber .38 revolver at isang sachet ng shabu.

Samantala, nadakip naman sa mga tauhan ng Cubao Police Station (PS-7) sa buy-bust operation ang suspek na si Paul David Sy, 39-anyos,

dakong alas-9:50 ng gabi noong Marso 10 sa panulukan ng Matulid at Benitez streets, Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong gramo ng shabu na tinatayang P20,400 ang halaga. (JOEL O. AMONGO)

152

Related posts

Leave a Comment