TAONG AHAS NASA PALASYO NA?

BISTADOR Ni RUDY SIM

NAKABABAHALA at hindi dapat palampasin ni ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang nangyayaring kaguluhan sa Palasyo ng Malacañang kung saan ay nag-leak ang isang sensitibo at highly ­confidential na dokumento na nagsasaad ng draft ng special at administrative order ng nagbitiw na si Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa kanyang bagong tungkulin sa Pangulo at bansa bilang Presidential Chief of Staff.

Sa pagiging epektibo ng katapatan at brand of leadership ni Rodriguez sa Pangulo ay marami ang tinamaan at ­napurnada ang kanilang pansariling interes upang makakuha ng mabibigat na pwesto sa pamahalaan kaya’t pinaniniwalaang nagsanib-pwersa ang ilang grupo ng mga politiko at ilang nakapaligid sa Pangulo upang gibain ang nagbitiw na opisyal.

Ang pagiging kalmado ni Rodriguez sa kaliwa’t kanang isyung ipinupukol sa kanya ay hindi maituturing na kaduwagan sa halip ay hinarap nito sa legal na paraan at sinagot ang mga isyu. Ngunit naging trial by publicity gamit ang makabagong panahon ng social media upang gamitin ang taumbayan at sumunod sa agos.

Ano man ang antas ng narating natin sa buhay ay matuto sana tayong sumuri sa tunay na motibo ng mga taong nagpaparatang kung ang nilalaman ba nito ay para sa malasakit sa bayan o may nakatagong plano upang linlangin ang publiko sa totoong motibo nito.

Isang halimbawa na lang ay ang nangyaring EDSA People Power Revolution noong 1986 na naging dahilan ng pagpapatalsik kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr., na bago pa man mangyari sa panahong iyon na wala pang social media; ginamit ng ilang mapanirang grupo ang komunista para maghasik ng kaguluhan, gayundin ang radyo, pahayagan at ilang TV networks, para magpakalat ng maling impormasyon at magalit ang sambayanan.

Ang nangyari noon ay hindi imposibleng mangyari ulit ngayon upang ang pamahalaan ni PBBM ay pabagsakin ng mga kalaban nito sa pulitika na nagbabantay lamang sa ­maling kilos ng Pangulo na nais lamang guluhin ang diskarte nito na maging dahilan upang ang mga negatibong komento ng kanyang mga katunggali noon na isang “weak leader” ang siyang maging mitsa muli ng pagbagsak ng Marcos.

Sino nga ba ang taong ahas sa Palasyo? Gusto ba niya ay happy siya? Ito ang naging daan upang magamit ng isang biased na news anchor para siraan si Rodriguez na wala namang masamang intensyon kundi mapabuti ang paglilingkod sa bayan at sa Pangulo.

Ang popularidad ng ilang mga kasamahan natin sa media ang siyang ginagamit ng ilang indibidwal upang lasunin ang kaisipan ng mga tao at manaig ang kanilang kagustuhan na makuha ang tiwala ng Pangulo para sa kanilang masamang layunin.

162

Related posts

Leave a Comment