TARGET NI KA REX CAYANONG
SA bawat hakbang tungo sa pag-unlad, hindi maitatanggi ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga lider na may malasakit at tunay na dedikasyon para sa kanilang mga nasasakupan.
Isa na rito si Cong. Brian Yamsuan, na patuloy na nagpapamalas ng malasakit sa pamamagitan ng kanyang mga programa na nagbibigay ginhawa at pag-asa sa Distrito Dos ng Parañaque.
Kamakailan, pinatunayan ni Cong. Yamsuan ang kanyang malasakit sa mamamayan sa pamamagitan ng Extra Rice Program, kung saan 700 benepisyaryo mula sa Cubic Side, Brgy. Merville ang nabigyan ng tulong na makapagpapagaan ng kanilang gastusin sa pang-araw-araw.
Ang programang ito ay bahagi ng kanyang adbokasiya na #AlagangCongBrianYamsuan—isang konkretong patunay na hindi lamang salita kundi gawa ang kanyang tugon sa pangangailangan ng kanyang distrito.
Bukod dito, sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nabigyan ng P15,000 puhunan ang 1,400 kwalipikadong benepisyaryo sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) noong Disyembre 21.
Ang hakbang na ito ay malaking tulong upang makapagsimula o maipagpatuloy ng ating mga kababayan ang kanilang proyektong pangkabuhayan, isang mahalagang aspeto ng pag-ahon mula sa kahirapan.
Nagpasalamat naman si Yamsuan sa suporta nina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano kung saan naging posible ang proyektong ito na bahagi rin ng patuloy na pagpapalawak ng #AlagangCongBrianYamsuan.
Ang mga programang tulad ng Extra Rice Program at SLP ay hindi lamang nagbibigay ng pansamantalang tulong kundi nagiging daan din upang magkaroon ng pangmatagalang pag-asa ang bawat benepisyaryo. Ang ganitong uri ng serbisyo ay hindi lamang nakatuon sa materyal na aspeto, kundi tumutulong din upang maitaguyod ang dignidad at kabutihan ng bawat pamilya sa Distrito Dos.
Sa kanyang pamumuno, nagiging inspirasyon siya sa iba pang lider upang gawing prayoridad ang kapakanan ng bawat Pilipino.
Nawa’y magpatuloy si Cong. Brian Yamsuan sa kanyang mga makabuluhang inisyatibo na nagbibigay lakas at pag-asa sa kanyang distrito.
Ang kanyang malasakit at dedikasyon ay sumasalamin sa kung ano ang tunay na diwa ng tapat na paglilingkod para sa bayan.
