Malilipot, Albay – Sa pakikipagkaisa at matibay na dedikasyon, isinagawa ni Rep. Jil Bongalon at ng Ako Bicol Party List, kasama ang lokal na pamahalaan ng Malilipot, Albay at ng mga medical volunteers, ang Tarabangan Caravan— isang medical misyon para sa pangangalaga sa kalusugan na naglalayong magbigay ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa mga evacuee na pansamantalang nanunuluyan sa San Jose Elementary School at para sa mga residente ng mga kalapit na barangay.
Bilang isang tunay na tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga Bicolano si Rep. Bongalon, nauunawaan nito ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga evacuee sa panahong ito ng krisis. Sa kanilang buhay na nabago at ang pagkaantala ng kanilang pinagkukunan ng kabuhayan, maraming evacuees ang napipilitang magsakripisyo, kabilang na dito ang pangunahing pangangailangan tulad ng pagpapagamot. Mahalaga na matugunan ang pangangailangan na ito, kaya’t kusang nagpasya si Rep. Bongalon na dalhin ang tulong medikal direkta sa mga evacuation center.
“Bilang isang Bicolano, nararamdaman ko ang paghihirap ng mga evacuee na humaharap sa malalaking hamon,” apahayag ni Rep. Bongalon. “Responsibilidad nating magbigay ng agarang tulong medikal sa ating mga kapwa Bicolano sa panahon ng pangangailangan. Layunin ng Tarabangan Caravan na punuan ang agwat sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan ay makararating sa mga evacuation center, at tutugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga apektadong indibidwal at pamilya.”
Pinasalamatan ni Mayor Cenon Volante ng Munisipalidad ng Malilipot ang Ako Bicol Party List at lahat ng medical volunteers na nakilahok sa Tarabangan Caravan. Ipinahayag niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga evacuees at pinuri ang kabutihang-loob na ipinakita ng mga healthcare volunteers. Sinabi ni Mayor Volante, “Nagpapasalamat kami sa Tarabangan Caravan, na hindi lamang nagdadala ng tulong medikal kundi nagpapalaganap din ng kaalaman tungkol sa mga hakbang sa pag-iwas sa mga sakit. Ang mga inisyatibang ito ay may mahalagang papel sa pagpoprotekta sa kalusugan at kagalingan ng aming komunidad.”
Bukod dito, nangako rin si Rep. Elizaldy Co, bilang Chairman ng House Committee on Appropriations, na isakatuparan ang mga pangarap ng mga residente ng Malilipot, Albay.
Kinikilala ni Rep. Co ang matinding pangangailangan ng isang hiwalay na evacuation facility, determinado si Rep. Co na hanapan ng paraan upang maibigay ang angkop na espasyo para sa mga evacuee. Sa kasalukuyan, pansamantalang nananatili ang mga evacuee sa isang paaralan, na nagdulot ng pagkaantala sa edukasyon ng mga kabataan. “Ang mga residente ng Malilipot ay nararapat lang na mabigyan ng evacuation facility na kanilang matatakbuhan sa panahon ng sakuna o kalamidad,” sabi ni Rep. Co. “Bilang Chairman ng House Committee on Appropriations, determinado akong hanapan ng mapagkukunan ng pondo upang maisakatuparan ang proyektong na ito. Layunin namin ang siguraduhin ang kaligtasan ng mga residente habang ipinagpapatuloy ang edukasyon para sa mga kabataan na apektado, sila ang kinabukasan ng aming komunidad.”
Ang Tarabangan Caravan ay nagdala ng ng pag-asa sa mga evacuee sa pamamagitan ng pag-bibigay ng malawakang tulong medikal. Ang mga dedikadong healthcare propfessional ang nagbigay ng kanilang oras at expertise upang magbigay ng kailangang serbisyong medikal, kasama ang pangkalahatang konsultasyon, pagbibigay ng mga resetang gamot, at edukasyon sa kalusugan. Ang Tarabangan Caravan ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman sa mga evacuee tungkol sa mga hakbang upang mabawasan ang pagkalat ng mga sakit, lalo na sa mga masisikip na lugar tulad ng evacuation.
Ang Tarabangan Caravan ay sumisimbolo ng adhikain ng Ako Bicol Party List na paglingkuran ang mga Bicolano, lalo na sa mga panahon ng krisis. Sa pamamagitan ng pagdadala ng tulong medikal direkta sa mga apektadong komunidad, layunin ng party list na pagaangin ang mga pasanin na kinakaharap ng mga evacuee at itaguyod ang kanilang kabuuang kapakanan.
